GEO-X2%

13 0 0
                                    

Madaling araw...

Yuki: Kailangan ba talaga ako dun?...

Kausap sa cellphone: Yuki, kahit ngayon lang hindi mo ba ako pagbibigyan?...alam Kong mas-

Yuki: Wag mo na sanang ibalik pa ang nakaraan... Kung gusto ko ako na mismo ang pupunta. Hindi mo na kailangan pang tumawag.

Kausap sa cellphone: Yuki... Tito mo pa rin ako kahit Anong mangyari...kaya kung pwede lang...

Yuki: Tama na... Please lang.. Sige ibababa ko na...

Tito: Yuki...mag-iingat ka

Pagkatapos ay inend call na ni Yuki ang cellphone niya. Tumayo agad cya sa kwarto niya at naligo na.

As usual maghahanda na naman cya para sa trabaho niya. Mabilis lang cyang natapos kaya on the way na cya ngayon sa trabaho niya.

Sa isang convenience store nagtatrabaho si Yuki kaya lagi na lang cyang maaagang bumangon. Bukod Kasi sa tindera siya ee cya rin ang nagbubukas nito.

Pagkabukas sa store ay pumasok agad siya sa loob at panandaliang ni-lock ang pinto at inilagay ang close sign dahil nga sa aayusin niya pa ang store.

Binaba niya agad ang gamit niya sa ilalim ng counter at agad na kumuha ng panlinis.

Sa bilis niya ay nakapagwalis na siya at tanging ang bintana na lang ang hindi niya pa nalilinis.

Nag-unat muna cya sandali at tinignan ang oras sa wallclock ng store.

Time : 2:54am

Yuki: *napakamot* ang bilis ko ata ngayon.. *ngumiti* ganun talaga...haha

Pagkatapos ay kinuha na niya ang basahan panlinis ng bintana.

Time : 2:58am

Yuki: *nagpupunas ng bintana sa loob* ...bakit wala pang tao...usually mga alas-dos may naglalakad na aa.. Kung wala naman ee may mga sasakyan na daraan.

Time : 2:59am

Sa kabilang banda, isang lalake ang nasa isang madilim at masikip na iskinita. Nakasandal ito sa pader at nakayuko.

Lalake sa iskinita: oras na...

Time : 3:00am

Lalake sa iskinita: *biglang tumingala*...nag-iinit na ko...*smirk*

Bigla na lamang itong umalis sa pagkakasandal niya at naglakad papalabas ng iskinita.

Pasuray-suray itong naglalakad.

Lalake sa iskinita: HAHAHA!... Sino kaya ang uunahin ko....hahahaha! Gutom na ko!!!

Tumatawang parang baliw ang lalake habang naglalakad.

Nang makalabas ito sa iskinita ay bigla niyang sinunggaban ang babaeng nakatayo malapit sa isang poste.

Lalake sa iskinita: *nilapit niya ang labi niya sa labi ng Babae*...

Nakakapagtaka dahil hindi man lang nag ingay ang Babae.

Sa pagitan ng dalawang labi ay may lumabas na tila usok. Para itong isang enerhiya. Ang enerhiyang nanggagaling sa Babae ay unti-unti nang napupunta sa lalaki.

Hanggang sa ang kaninang Babae sa poste ay nagkaroon ng isang hibla ng puting buhok at sa bandang leegan niya ay may lumabas na isang maliit na tuldok.

Lalake sa iskinita: argggghhh!!!! *hinawakan ang buhok sa magkabilang gilid* k-kulang pa....*tumawang parang baliw* hahaha....kailangan ko pa ng isa...hahaha...

At nagpasuray-suray sa paglalakad ang lalake habang naghahanap pa ulit ng mabibiktima.

Sa store kung nasaan si Yuki...

Habang naglilinis si Yuki ng bintana ay biglang may natanaw siyang lalakeng pasuray-suray na naglalakad sa daan di kalayuan sa store nila.

Yuki: *nagpupunas ng bintana* Ano ba yan...lasinggero na naman...ee Anong oras na kaya nuh...*tumigil sa pagupunas at tumingin sa wallclock*

[Wall clock: 3:00am]

Nagtaka si Yuki dahil sa pagkakaalam niya kanina pa nag alas-tres. Kung tutuusin nga naitabi na niya yung mga ibang box ng junk food sa storage bago pa siya uli nagpatuloy sa paglilinis ng bintanang fiber glass kung tawagin.

Yuki: *binaliwala na lang ang nakita at babalik na sa pagpupunas* ACK!

Biglang nataranta si Yuki sa kinatatayuan niya at napaurong ng wala sa oras. Kamuntikan pa siyang mapaupo.

Yung lalake kasing pasuray-suray maglakad ay biglang sumulpot sa harapan niya.

Biglang tumibok ang puso niya ng pagkabilis-bilis.

Salamat na lang at nasa loob siya ng store at ang fiber glass ang ranging naghihiwalay sa kanya at sa lalake.

Yuki: *takot*

Lalake sa iskinita: *kinakalmot ang salamin na parang naghuhukay gamit ang kuko*

Nangilabot si Yuki sa nasasaksihan niya ngayon.

Ang mata ng lalake ay di mapakali at paikot-ikot at ang kulay naman nito ay parang dugo na sa sobrang pula.

Gulu-gulo ang buhok nito at ang damit naman niya'y pang ordinaryong tao lamang ngunit madumi ito.

Nakatulala lang si Yuki at pinagmamasdan ang lalake.

Yuki: *dahan-dahang umurong sa kinatatayuan*

Habang lumalayo ng dahan-dahan si Yuki ay biglang bumibilis ang pagkalmot ng lalake sa salamin.

~~

Little by little magpapublish ako..pasensya if maikli lang ^_^'

Vote comment add share (super like)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 08, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

GenEratiOn X (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon