BAKASYON

36 4 1
                                    

*"*"*"*"*"*"*"*"*"*"*"*"*"*"*"*"*

Margarette's  Point of View.



Summer na ngayon at exited na akong maka bonding uli Ang mga kaibigan ko, matagal-tagal din kaming Hindi nag kasama-sama simula noong mag simula akong mag trabaho dito sa Manila, dahil ngayong summer vacation lang uli kami mag kikita ng mga kaibigan ko kaya napag desisyunan naming lahat na mag puntang Hawaii..

"Nakapag pa book na ba kayo ng flight?"

Tanong ko sa telepono habang nag iimpake ng gamit na kakailanganin sa bakasyon papuntang Hawaii..

"Oo sis, na book na meron na rin kaming ticket"

Sagot Ng kaibigan ko na si Crizele na nasa Cavite, bestfriend na kami since highschool at hanggang sa nagka trabaho narin. Meron siyang boyfriend si Erwin naging sila since naging mag kaklase kaming tatlo sa college matipuno siya kaso medyo may pagka sutil sabihin na nating may pagka tarantado na akala mo kaya niya ng lahat ng bagay...

Tinawagan ko narin si
William na kababata ko, ang totoo niyan crush ko siya simula pa lang noong mga bata pa kami, dahil siya ang taong laging nag papasaya at nag tatanggol sa akin kapag may nananakit at palaging humble.

"Kung pwede daw ba sumama si Clarence?"

Tanong niya sa akin habang nagiisip kung isasama ang Isa pa naming kababata na si Clarence, siya lang naman ang taong talagang aayawan mo dahil masyado siyang pasikat at papansin sa lahat ng bagay, dahil gusto nya na napapansinin siya sa bawat ginagawa niya in other words bida-bida, one time nga umamin siya sa akin na may feelings daw siya para sa akin kaso binasted ko agad dahil sa ayoko ng mga taong tulad niya, at ang nakakainis ay dahil hanggang ngayon ay panay ang send niya sa aking ng mga messages kaya ang ginawa ko ay nag private ako ng mga social media accounts ko pag katapos ko siyang iblock.

“Kailangan ba talaga natin siyang isama?”

Pabiro ko na sinabi Kay William habang merong kilig dahil nakakausap ko siya sa telepono at halong inis dahil kailangan pa namin isama si Clarence....


***********AIRPORT***********



Sa wakas ito na Ang pinaka hihintay naming sandali mag kikita na kami at makakapunta narin ako sa Hawaii for the first time, at sa wakas mag kikita na uli kami ni William...

Kaya habang nag hihintay sa kanila ay meron akong nakitang isang matandang lalake na nanlilimos sa may tabi airport at walang pumapansin..

“Kawawa naman si tatay walang pumapansin sa kanya, ni isa ay walang nag bibigay”

Pabulong kong Sabi habang naaawa sa matandang lalake, kaya't lumapit ako sa kanya habang kumukuha ng pera sa wallet...

Pagka tapos kong ibigay ang maliit na halaga kay tatay ay bigla akong kinabahan dahil sa kanyang nanlilisik na mga mata habang nakatitig sa akin..

“Nene, Kung ako sa iyo ay hindi na ako tutuloy masyadong delikado”

Paulit-ulit niyang sinasabi sa akin ng may nakakatakot na tono ng boses, at umalis pag katapos makuha ang pera na naiabot ko sa kanya...

Natakot ako dahil ngayon ko lang na-experience ang ganong bagay sa buong buhay ko..

Marga! Anong ginagawa mo diyan”

WHISPERS FOR THE DARKNESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon