MGA BANGKAY

14 0 0
                                    

*"*"*"*"*"*"*"*"*"*"*"*"*"*"*"*"*

Third person's Point of View

Matapos ang sakunang nangyari ay libo-libo ang namatay na pasehero at tila ba isang sakahan ng patay na tao ang nakakalat sa islang binagsakan ng kanilang sinakyan na eroplano.

Bakas sa mga muka ng mag kakaibigan ang takot at trauma ng makita nila ang libo-libong mga bangkay ng ibang pasahero na nakakalat at palutang-lutang sa tubig, kaya minabuti nalang nilang mag hanap ng makakain sa mga tumilapong bagahe at ginawa nilang pansamantalang silungan ang hindi masyadong napinsalang bahagi ng eroplano para sa kaibigan nilang si Erwin na ilang araw nang hindi pa nagigising.

*"*"*"*"*"*"*"*"*"*"*"*"*"*"*"*"*

Margarette's Point of View

Tatlong araw at pang apat na gabi na ngayon mula ng huling mangyari ang lahat, nasubukan na namin tumawag ng tulong mula sa mga radyo na nakuha namin sa eroplano pero walang sumasagot, halos mawalan na kami ng pag asa dahil hindi na namin alam ang gagawin, malapit nang maubos ang pagkain na kinuha namin sa nahagilap namin at nauubusan narin kami ng maiinom na tubig at hanggang ngayon ay hindi pa gumigising si Erwin..

"Guys, paubos na nga pala stock ng foods natin"

Tugon ni Crizele habang sinusubukang gumagawa ng apoy..

"Ang bilis naman nating maubusan ng pag kain hindi eh pa nga natin alam kung tatagal pa ba tayong buhay sa islang ito"

Pagalit kong sabi habang nag hahanap ng mga pwedeng magamit sa mga tumilapong maleta sa eroplano.

"So anong pinapalabas mo?Kasalanan namin? Kasalanan namin na nauubusan na tayo ng pagkain? Kasalanan ba namin na nagugutom tayo ngayon? Hindi naman di ba? Kaya huwag kang umasta na parang na alam mo na ang lahat, hindi lang kayo ang nahihirapan dahil sa simula't sumula palang wala nang may gusto sa nangyayare satin dito"

Pasigaw niyang sagot sa akin

"Guys! Tama na yan wala din namang patutunguhan ang away ninyo mas lalo lang tayong nag kakagulo and it doesn't make sense"

Singit na tugon ni Clarence habang pinipigilan si Crizele na palapit sa akin..

"Oo nga guys, tama si Clarence we need to help each other, wala tayong mapapala kung mag aaway tayo"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 16, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

WHISPERS FOR THE DARKNESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon