Hi I'm Rona, sabi nila hindi lang daw pera ang nagpapaikot ng mundo. May mga hindi natin nakikita na mga bagay na maaring makapagpaikot ng mundo natin. Ika nga nila "love is all what it takes." Kahit ako naniniwala sa pariralang iyan noong bata pa ako. Kaya nga lang, kalaunan, parang nawawala na ang pag-ibig at tiwala sa isa't isa sa aming pamilya. Everything crumbles down into pieces because of financial matters. Nais ko man balikan ang mga araw, wala pa rin akong magagawa, what's done is done. Ang tanging magagawa ko lamang ay ang baguhin ang ihip ng hangin ngayon para sa aming kinabukasan. Pero lahat ng ito ay kathang isip ko pa lamang, ayaw ko sana na magigising na lang ako na wala na akong pwedeng magawa pa.
Ang dami kong pangarap sa buhay na nais kong makamit pero bakit may pilit na bumabalakid? Ano bang meron sa amin at bakit kami pa ang napili? May pag-asa pa ba kaming mabuhay nang masagana sa mundong ibabaw? May hangganan ba ang paghihirap? Ang dami kong tanong sa sarili ko kung bakit at saan nag simula. Halos lahat sila ay nag aalisan, may iba na nais nang kumawala sa hawla ng kahirapan at iwan na lang kaming nakangiti nang may kalungkutan.
Ika nga ng inay, may pakpak ka na, kailangan mo na lang ay ang matutunan kung paano lumipad gamit ang pakpak na iyan. Bakit ba para siyang namamaalam sa mga salitang iyun? Ayaw ko pa siyang mawala, nais ko pa siyang mahagkan, makitang tumawa, mamuhay ng masagana. Kaya lang, parang mas nahihirapan na siya, ni gamot niya hindi ko maibigay. Masama ba akong anak? Masyado ko na bang iniisip ang aking sarili? Hindi ko na alam. Ni wala akong mapuntahan. Ni wala akong mapagsabihan. May makikinig kaya sa isang taong hindi naman kaaya-aya? May makikining kaya sa isang taong puno lamang ng dalamhati at kalungkutan?
Parati na lang, parati na lang akong tumatakbo at tinataguan ang problema. Para bang, lahat ng pinag-aralan ko ay walang silbi sa aking kinakaharap na dilema. Paano? Saan ? Kailan? Parati na lang ba akong magiging luhaan? Kailan ako babangon sa aking dinaramdam? Saan nga ba ang dapat kong kadadatnan? Paano ako magsisimula kasama ang mga dagok ng kahirapan? Mga tanong sa sarili na nais kong aksyunan at hanapan ng kasagutan.
May pag-asa nga ba sa mundo? May tunay at purong kabutihan pa ba ang bawat tao? Sino ang tunay na mapagkakatiwalaan ko? Oh diyos ko! tulungan niyu nawa akung mahanap ang hinahanap ko.

YOU ARE READING
Almost Midnight Thoughts
De TodoLife's never ending sadness and frustrations but will this have a happy ending?