Gumamela (One Shot)

59 2 0
                                    

Nandito nanaman ako, kami sa park

Nakatanga..

Walang ginagawa..

Masaya na ako sa ganito. Nakaupo, katabi niya. Kahit na hindi ako pinapansin at walang emosyon ang namamagitan.

Puro puno ang naririnig ko na nag-iingay.

Parang may gusto silang sabihin na hindi nila masabi.

Kung may mga boses kaya sila at nakakapagsalita, gustuhin kaya nila akong kausapin?

Etong babaeng katabi ko ngayon, Mahal ko to.

Alam naman niya yon.

At naramdaman ko rin naman yon.. Noon!

Pinatayo ko siya at hinila kung saan. Medyo lumayo kami sa pwesto namin kanina. Umupo ako sa may bato at nilabas yung dala kong palobo.

Ihip lang ako ng ihip hanggang sa maubusan ako ng hangin..

Ang sarap lang tignan nung mga bula..

Malaya silang nalutang sa ere..
Ang kaso, nawawala rin bigla..
Wala man lang pahintulot

Bumalik ako sa pwesto niya, kung san ko siya iniwan.

Nandon padin siya at walang imik. Hindi naalis naparang nakamighty bond.

Binuhat ko siya na parang bagong kasal.

Inikot-ikot..

Nakikita ko ang paggalaw ng bawat hibla ng buhok niya.

Blanko ang mukha niya. Nakapikit siya at parang dinadama ang hangin..

Ibinaba ko siya sa tabi at sabi ko'y babalik rin ako agad.

Umalis ako at naglakad..

Pumitas ako ng gumamela. Hilig niya kasing ilagay sa tenga niya yung bulaklak na yon at magpipicture kami.

Bawal pumitas ng bulaklak dito. Since lagi ko namang ginagawa, wanted na ata ako. Wala naman silang magagawa eh.

Nakuha na at hindi na pwedeng ibalik pa..
Hindi na pwedeng ibalik pa..

Bumalik ako sa pwesto kung saan ko siya iniwan.

Asan nanaman siya?!

Nawawala ka nanaman..

San ka nanaman nagsususuot?!

Inikot ko buong park. Simula sa una naming pinuntahan dito. Inulit ko yon ng mga 3 beses.. Baka nagkasalisihan lang kami.
Sana nga nagkasalisihan nalang kami..

Hanggang sa napadpad na ako sa highway..

May dumaang kotse. Napadaab lang yung kotse

Ngunit heto nanaman ako..

Napaupo nanaman ako sa gilid ng daan.

Heto nanaman ako..

Pinagtitingunan dahil umiiyak sa kawalan.

Umuwi ako at naligo, kumain, natulog.. Mga normal na ginagawa ng tao.

PAG LIPAS NG ISANG TAON..

Nandito nanaman ako, kami sa park..

Kasama ko ulit siya. Madami ng nabago sa park pero ganun parin yung aura. Napadaan yung classmate naming dalawa nung highschool. Si Mike.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 17, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Gumamela (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon