MBBC2-Mr. Creepy

8 0 0
                                    

Dorothy POV:
Nag lalakad ako galing talipapa na malapit dito sa subdivision. Naiilang man pinipilit kong ignorahin ang mga nadadaanan ko. Kabikabila ang tambay . Ang duming tingnan malayung malayo sa kinalakhan ko sa State. Tumigil ako saglit sa tindahan na katapat ng aming bahay upang bumili ng yello. Ang init ng panahon sobra pero dahil luma na ang aming bahay at matagal na walang nangangalaga pati mga gamit namin ay halos hindi na gumagana maliban sa lumang electrict fan, tv at kalan. Nag pasya akong dumito muna since hindi pa ako nakakahanap ng condo na uupahan ng isang buwan malapit rito. Kailangan ko mumang maiparenovate ang luma naming bahay bago ko ito ibenta kung may mag nanais  tumitira sa ganito ka crowded at kaingay na subdivision.

"Aling Fe, pabili nga hong dalawang yello. "

"Ay ineng ikaw pala..Kailan mo balak simulan ang pag renovate ng bahay nyo? May nakuha ka na bang gagawa?"

"Sa lalung madaling panahon ho, aling Fe .Yun nga ho baka may kilala kayung manggagawa. Isang buwan lang ho kasi ako mag iistay dito sa San Simon. "

"Abay oo si manong mo ay gumagawa ng bahay at mga kasama nya. Aba teka't tatawagin ko."

Saglit akong iniwan ni aling Fe at agad tinungo ang tumpukan ng mga nag kakatuwaang manginginom sa  gilid ng tindahan. Maya maya pa aybumalik ito na kasama si mang Kulas. 

"Oh, ija mag paparenovate ka daw ng luma nyong bahay? Aba eh, di mo naitatanung magagaling ang mga tao ko. " Pag mamalaki ng matanda sa akin.

"Ganon ho ba? nais ko po sanang makapag start na ng pag gawa sa lalung madaling panahon. Kung okey ho sa inyo e kayo na at ang mga tao nyo ang kukunin kong mag rerenovate sa aming bahay at kung maari ho ay maumpisahan na sa susunod na lingo."

" Aba oo naman! teka at-" Lumingon ito sa mga kasama " Mga kasama may bago tayung project sa susunod na linggo... anu okey ba sa inyo?" 

Lumingon din ako sa mga kasama nito at di ko maiwasang mailang sa presensya ng taong minsan ko nang napag isipan ng hindi  maganda nung ako'y unang umapak sa luma naming bahay..

"Aba ayos yan mang Kulas..T'yak matutuwa si misis sa balita." Sang ayon ng isa sa mga naroon.

"Kailan mo ba balak simulan ang pag papagawa ganda?"Masiyahing tanung ng isa pang kasama nila na medyo ikinailang  ko at kinapamula.

"Ah-eh sa lalong madaling panahon ho sana mga kuya." Simpleng iwas ko sa halatang pagpapalipad hangin nito.

Pasimpleng sinulyapan ko ang lalaking iyon ngunit wala man lang itong reaksyon.Ewan ko ba kung bakit parang nag hihintay ako ng magiging reaksyon nito kahit di ako sigurado kung kasama ba ito sa mga mangagawa.

"Sige, paano ija? mamayang hapon ay bibisita ako sa inyo nang makita ko kung ano ang kakailanganin at atin nang mapag planuhan para sa susunod na linggo ay makapag simula na kami ng mga kasama ko." Pahayag ni mang Kulas na agad ko nang sinang ayunan.

Dali dali na akong nag paalam dahil sa tinging parang gusto akong tunawin..I find it weird ang creepy. Ang lakas ng tibok ng puso ko hindi sa takot pero hindi ko rin maipaliwanag..

WARNING!
Maraming typos at grammatical errors. Paki correct nalang kung nakakasakit sa inyong mga mata. Salamat!

Votes for inspirations and
comment down bellow for your suggestions and reactions.

Be blessed every one!

-Lhen

My Beloved BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon