MBBC4: Tuksohan

4 0 0
                                    

Dorothy POV:

" O, hali na kayo at maka pag miryenda. Nag handa ako ng juice at banana cue." Tawag ni aling Fe sa mga gumagawa. 

Agad namang tuma-lima ang mga ito at nag kanya-kanya ng pwesto. Bali na sa ikat'long araw na ng pag rerenovate dito sa luma naming bahay. Sa makalawa ay matatapos narin ito dahil hindi naman ito kalakihan at kaunting kumpuni at pintura lang ang kailangan para mabuhay muli ang itsura nito.

"Ija sabay kana rin sa amin mag miryenda. " Alok sa akin ni mang Kulas.

Kasama rin si aling Fe sa kumpulan.

"Halika na at nang maka pag kwentuhan tayo kahit saglit." Sigunda pa sa akin ng matandang babae.

Napipilitan man ay umupo narin ako sa kaharap nilang upuan na natatanging bakante. Naiilang ako pero binaliwala ko nalang ito. Anu bang ikakailang ko eh ako ang nag papatrabaho sa kanila.

"So ano iha ibebenta mo na ba itong bahay pag katapis na pag katapos magawa at babali ka na sa States?" Ani ng matandang lalaki.

Ngumiti ako at sumagot" Oho sana sa lalung madaling panahon."

"Kumusta pala ang mga magulang mo at kapatid?" Taning naman ni aling Fe

"Mabuti naman ho. Uuwi ang ikalawa kong kapatid na babae sa susunod na taon at bibisita dito."

"Ah ganun po ba ma'am? Magandang balita yan. May makikita na naman kaming maganda." Tipid akong ngumiti sa tinuran ng binatilyong kasama nila.

" Maiba ako, ilang taon ka na ba iha?" Usisa muli ni mang Kulas.

"Mag twe-twenty six na ho." Magalang kong sagot.

"Aba, ay ayus ah pwede na mag asawa. Ikaw ba ay may nobyo na o napupusuan sa states?"

Medyo namula ako sa tanong ng matanda at bigla naging concious na naman sa paligid. Pakiramda ko ay titig na titig sa akin ang katabi ko.

"Wa-wala pa naman ho! Wala pa sa isip ko yan." wala na dugtong ng isipan ko.

" Ay tamang tama binata pa itong si Rex." kini-kilig na sulsol ng matandang babae.

"Oo nga no! Kuya Rex hindi kaba nagagandahan kay ma'am?" yung binatilyo kanina na napag alaman kong Coco ang palayaw.

" She's pretty!" Sabi nya na muntik nang nag patalon sa akin sa gulat dahil hindi ko akalaing sasagot ito.

Sa ilang araw ko silang naki-kita masasabi kong tahimik at mapag isa ang lalaking nag ngangalang Rex at para sa akin nakakatakot parin ang aura nito.

Iniiwasan kong mag tagpo ang aming mga mata dahil sa lalim nitong tumingin..Ilang araw na din itong laman ng isipan ko. Hindi ko maintindihan kung bakit pero kinakabahan ako pag nasa paligid ito at di mapakali. Pag wala naman ito ay pasimple kong hinahanap.

Sunod na araw nag luluto ako ng maipapakain sa mga mang gagawa. Ganito sa probinsya, madalas kasama na sa pagawa nag patanghalian. Maaga akong namalengke. Nilagang karne ng baka ang iluluto ko para may sabaw at pritong galunggong na may pinigang kamatis at toyo. Mag titimpla na lang ako ulit ng juice.

Tinawag ko na ang mga ito sa hapag at sabay sabay na kami kumain.

"Da-best talaga si ma'am oh!" pambobola ni kuya Justin isa sa gumagawa.

"Naku! kuya wag mo na ako bulahin." Salo ko naman dito.

"Hindi ka namin binobola ma'am!" segunda ni Coco.

"Kaya ako sayo Rex bilis bilis- mbilisan mo aba! Malapit na matapos ang pagawa hindi mo na mati-tikman pa ang luto ng batang to." Sulsol naman ni mang Kulas na ikina samid ko.

Agad namang hinimas ni Rex ang likod na tapat ng dibdib ko upang makalma ako subalit lalo yata akong kinilabutan sa ginawa nya. Inabutan nya ako ng maiinom na ipinag pasalamat ko naman habang ang mga kasama namin ay panay ang pag tikhim at palitan ng makhulgang ngiti. Nahuli ko ring pasimpleng ngumiti si Rex na kunwariy hindi ko napansin.




WARNING!
Maraming typos at grammatical errors. Paki correct nalang kung nakakasakit sa inyong mga mata. Salamat!

Votes for inspirations and
comment down bellow for your suggestions and reactions.

Be blessed every one!

-Lhen

      

My Beloved BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon