Sopfie's Pov
"What?! Anong nakabangga?"
Dali daling bumaba ng sasakyan si sir Leovy at sumunod din ako. Ganun nalang ang takot ko ng may makita kaming buntis na nakahandusay sa kalsada at walang malay. Pero paano naman sya mababangga eh ang layo pa ng sasakyan ni sir dito sa babae?
"Eh sir, ano pong gagawin natin ngayon dyan?"
"Ano pa eh di dadalhin sa ospital! Manong Ernie tulungan nyo po akong buhatin tong babae dadalhin po natin sya sa kahit anong malapit na ospital o clinic dito.! A ikaw babae,,,"
Bumaling sya sa akin atpara bang kakainin nya ako sa mga tingin nyang yun.
"B-bakit p-po sir?''
"Buksan mo yung pinto ng kotse! Magmadali kah!"
"O-opo sir!"
Nakasakay na kami sa kotse ng biglang magkamalay yung babae.Para nga syang pamilyar sa akin eh. Hindi ko lang alam kung san ko sya nakita.
"huh?? Nasan ako? S-sino po kayo? San nyo po ako dadalhin?" tanong nya na para bang may balak kaming hindi maganda sa paningin nya.
"Eh kase po miss nak-.."
"Muntik ka ng mabangga kung hindi lang maagap na nagpreno itong driver ko, baka pinaglalamayanj ka na ngayon! Ano bang nangyari sayo miss?" putol ni sir sa sasabihin ko sana..
"Ah ganun po ba? K-kase p-po, bigla nalang po sumak-k-kit i-i-it--- aaaaaaaaaaahhhhhh........ p-pasensya n-na p-po k-kyo, m-m-mangangan--nak n-na po y-yata ako!
aaaaaahhhhhh......."N-n-naku s-s-sir...paano po ito? Manong wala na po ba tayong ibibilis?" tarantang taranta na ako. Ano ba naman kaseng araw to! Bakit parang araw ng kamalasan yata ito.
"Miss kaya mo pa ba?"