Somebody Out There 1

76 2 2
                                    

Chapter 1.

Sino ba ang magkakainters na basahin ang kwento ng buhay ko.? Ako na isang probinsyana. Ako, na di maganda. Ako, na di matangkad. Ako, na mataba. Ako, na hindi mayaman. Ako, na walang sariling iPhone, iPod, kotse, at condo. Pero isa lang ang maipagmamalaki ko. Isa lang ang meron ako. Ano nga ba? Hindi ko din alam e. Para kasing wala naman.

Wala akong pag aari. Wala akong maipagmamalaki. Isa akong kawalan. Ang drama no? Ganon lang siguro talaga. Lolokohin ko lang kasi ang sarili ko kung sasabihin kong napakasaya ko. Kung sasabihin kong ako na ang pinakamagandang nilalang ng Diyos sa mundo. Pero at the end of the day, iiyak na naman ako. Malungkot na naman ako. Dismayado na naman ako. Hindi kasi totoo. Lahay kasinungalingan. Hayyy!

Bakit ang emo ko? Marami naman kasing dapat ikalungkot e. Maraming dapat iiyak. Maraming dapat pagtagumpayan. Nalulungkot kasi ang isang tao dahil may dahilan. Umiiyak tayo kasi may rason. At alam ko na lahat ng bagay ay may eksplanasyon. Pero ano kayang explanation para sa buhay ko. Sana naman maganda. Sana naman acceptable. Sana. Sana. Sana. Dahil kung hindi, iiyak na naman ako. Iiyak sa mga bagay na malalaman ko. Iiyak sa mga bagay na di naman dapat pag aksayahan ng luha.

Pasensya na madrama ha. Ito kasi ako e. At ito ang kwento ko.....

Ako nga pala si Franchesca Carla Salvador. 16 years old. Di katangkaran, di kagandahan, pero may utak naman. Carla ang tawag sa akin ng mga kapitbahay at pinsan ko. Lumaki akong kasama ang lola, lolo, at ng dalawa kong tita. Nasa abroad kasi si mama noong bata pa ako at si papa naman ayun- naglalasing lagi. Pero mabait naman si papa.

Noong bata pa daw ako, kapag nagtatrabaho si Lola ko na street sweeper, si lolo naman ay namasada, at yung dalawa kong Tita ay pumasok sa school, binibigay daw nila ako sa ninang ko. Mommy ang tawag ko sa kanya. Araw araw na akong nasa kanila. Siya na kasi nagpalaki sa akin kasama ang kapatid niyang matandang dalaga at nanay niya. Si tita Dawn at Lola Balbina. Kung pwede nga lang daw nila akong ampunin ginawa na nila e.  See? Kung kanikanino lang kasi ako pinamimigay.

Napakaiyak ko daw noon. Halos paliparin na daw nila ang duyan para lang mapatahan at mapatulog daw ako. Nagsawa na nga yata lahat ng tagapag alaga ko e. Kaya habang lumalaki ako, di na nila ako sinubaybayan. Ughh! How pathetic am I? I am pathetic right?

Minsan nga naiiyak na lang ako kapag kinukwento nila kung ano ang nangyari sa akin noong bata pa ako. Kapag tinutukso daw ako ng mga bata na "wala daw akong mama". Tapos "di daw ako mahal ni papa" kasi di daw ako inaalagaan ng papa ko.

Naiiyak na lang din ako kapag naalala ko na lagi akong tinutukso ng dalawa kong Tita. Naalala ko na naman tuloy yung usapan nila noonh bata pa ako. Kindergarten na ako noon.

Pauwi na ako noon ng bahay kasi tapos na ang pasok ko. Nakita ko na nakita ako ni Tita Anne at Tita Ruth. Patay malisya. Nang biglang....

"Anne, diba hindi naman talaga natin pamangkin si Carla?" sabi ni Tita Ruth habang sarkastikong nakangiti at titingin-tingin sa akin.

"Oo nga, bakit kasi dito pa yan nakatira e. Dapat yan 'don nakatira sa nanay niyang kalabaw." ganti naman ni Tita Anne, habang nakatingin din sa akin at umirap pa.

"Ay! napulot nga lang pala yan sa tae ng kalabaw no?" wika ulit ni Tita Ruth.

"Hahahahaha" sabay pa nilang tawa.

Opo. Tama po kayo, sila po yung mga witch sa istoryang ito. Pero mas kaaway ko si Tita Anne. Kundi lang sila malaki, kinonyatan ko mga bilbil nitong dalawang panget na to e. Mapangmata palibhasa malaki ang mata nila.

(Hmm. Beautiful naman ng eyes ni Carla. Apir! Kotongan kita dyan e. Drama mo.)

Ay! Si author sumingit at nagsalita pa. Ekstra ka pa sa storya kong sinisimulan pa lang, exposure agad. Ambagal mo mag isip, tongo! Dalian mo na. Andami mo pang paek-ek dyan. Ikaw kaya kotongan ko? Bet?

Somebody Out ThereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon