Chapter 40: You Really Coming Back?

10 7 0
                                    

Nagulat ako ay bigla akong binatukan nito, buti na lang at hindi niya nilakasan medyo lang.

Ansakit.

Eerah's POV

Habang nakatayo lang ako sa gilid ay tumitingin na rin ako sa mga nasa paligid ko. Wala lang, I see all of them are happy.

Aalis na sana ako nang biglang may humawak sa kamay ko.

Pagtingin ko ay si Jiro.

Nakangiti siya sa akin.

Dinala niya ako kung nasaan siya kanina.

Halos mamula na yung mukha ko. Ewan.

Binitawan niya ang kamay ko nung dumating si Saru, naguusap sila samantalang ako ay nasa likod lang nila. Bwiset.

Antagal na nilang ganto, nakasunod pa rin ako sakanila.

Nainis ako kaya nagsalita na ako.

"Wait, what am I? Kanina pa ako sumusunod sainyo." Sabi ko.

"You're our bitch." Sagot ni Jiro.

Agad na nag-init ang ulo dahil sa sinabi niya.

Siguro napansin niyang naiinis na ako kaya nagsalita ulit siya.

"No, I-I mean y-you're a gorilla." Utal niyang sagot.

Dahil sa sinabi niyang yon ay lalong nag-init ang dugo ko.

"W-Wait, I mean you're my princess." Sabi niya habang nanginginig ang tunog ng boses.

Ganon ba siya katakot sa akin?

"Takot ka ba sa akin?" Tanong ko sakaniya.

"H-Hindi ha?" Sagot niya.

"Takot ka e." Sabi ko.

"Hindi nga!" Sigaw niya.

"Aba't sinisigawan pa ako." Sabi ko at akmang sasapukin siya.

"Easy." Pag-awat sa akin ni Saru.

Pasalamat siya.

Lumipas ang Dalawang taon ay nagkaanak sila Eeyah at Rhylle year 2152.

Isang lalaki.

Habang nasa kwarto ako ni Eeyah dito sa ospital ay buhat-buhat ko ang anak niya.

"Anong pangalan niya?" Tanong ko.

"His name is Drien." Sagot ni Eeyah.

"Drien? San galing yun?" Sabi ko.

"Wala lang, ang cute lang kasi pakinggan." Sagot niya.

"Okay." Sagot ko.

Inabot ko na ulit sakaniya ang anak niya.

Paglabas ko ng ospital ay nakita ko si Jiro. May hawak-hawak siyang flowers, ganto rin ang itsura niya nung akala ko ay ako ang bibigyan nya ng flowers kaya maniniguro muna ako.

"That's for?" Sabi ko.

"For you." Sagot niya.

Akala ko ay hindi nanaman para sa'kin.

Chasing Sunsets [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon