EPILOGUE

1.6K 26 1
                                    

"Ayos ka lang ba, Love?"

Natatarantang sabi ko habang nagdra-drive papunta sa hospital.

"Putspa! Sa tingin mo okay lang ako? Tangina! Aray!!!"

Daing ni Aiya habang nakahawak si Madge sa kanang kamay niya at si Kazea naman ay sa kaliwang kamay niya.

"Ayan! Gusto mo magka-anak 'di ba? Tiisin mo! Labor pa more!"

Sigaw ni Madge pero kita naman na natataranta siya.

Yes, buntis si Aiya at ngayon ay manganganak na siya, may kapatid na si Cali.

Pero heto kami, nangangamba dahil nakakatakot ang itsura ni Aiya.

"'Di ba nurse ka, Calla! Galingan mong tiisin 'yan! Jusko! Ganito pala ang mukha ng nanganganak!"

Sigaw rin ni Zea pagkatapos ay tumingin sa'kin.

"Hoy Hakob! Putspa! Baka pwedeng gayahin mo si Ryder, eh no?! Isipin mo drag race 'to!"

Sigaw niya kaya mas lalo ko ng pinatakbo ang sasakyan.

"Madge nurse ka rin! Baka pwedeng paanakin mo na!" Natatarantang sabi ko at agad naman na huminga ng malalim si Aiya.

"Jusko Jacob! Matagal pa ba?! Ang sakit na ng tahong ko letse ka! Huwag mo na akong buntisin!" Sigaw ni Aiya at napalaki naman ang mata ko.

"Love, sabi mo tatlo sila ni Cali, dapat may isa pa!" Reklamo ko at napatampal naman sa noo si Zea.

"Letseng 'yan! Next year niyo na pag-usapan kung susundan niyo pa 'yan!" Sabi ni Zea at mahigpit na hinawakan ang kamay ni Aiya.

"Natatae ata ako!!!" Sigaw ni Aiya at halos lumaki ang mata ko sa sinigaw ni Aiya dito sa kotse.

"Gago! Hindi tae ang lalabas diyan! Ulo ng bata!!!"

•••

"Kumalma ka Hakob!"

Hindi ko alam ang gagawin habang nandito ako sa tapat ng pinto kung saan pinasok si Aiya para manganak.

"Putspa, paano kung hindi niya kayanin?" Natatarantang tanong ko at agad naman akong sinapak ni Ryder.

Yes, andito silang lahat dahil nga nanganganak na si Aiya at si love ang unang manganganak sa kanilang magpipinsan.

"Ayan! Pwede ka ng kumalma," sabi ni Ryder at nginitian ako habang ako naman ay pinunasan ang dugo sa labi ko dahil pumutok pa.

"Pucha! Kailangan talagang sapakin mo ako, dude?!" Sabi ko at ngumisi naman siya.

"Yes, bayad mo na rin 'yan sa pagkuha sa kotse ko ng walang paalam," sabi niya at napangiwi naman ako.

Right!

Ginamit ko ang kotse niya para sa pagtakbo kay Aiya dito sa hospital, dahil hawak ko 'yong susi niya noong nagsisisigaw na si Aiya.

"That's emergency!" Sabi ko at tinapik naman niya ang braso ko at nginisian.

"Atleast, kumalma ka na, chansing ka pa sa Kazea ko," sabi niya at si Zea naman ang napangiwi.

"Magpray na lang tayo! Kakayanin ni Calla 'yon!" Sabi ni Zea at pinagdaop pa ang palad niya.

"Yeah, my daughter can handle that, Jacob. She's a brat, she's strong." Sabi ni Mommy Vanessa, ina ni Aiya at kinakagat pa ang kanyang labi.

She's nervous pero pinapakita niyang okay lang siya, I should be like them too.

"You should trust your wife, Jacob. Later, makikita mo na ang anak mo." Sabi ni Daddy Lucas at napatango naman ako.

Transcript of his heart (De Villa Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon