38

1K 19 0
                                    

"Hoy! Bilisan niyo! Kung ayaw niyo na kayo ang magbabayad sa mga gown na susuotin niyo sa kasal ko!"

Inis na sabi ko dahil kanina pa ako naghihintay sa kanila, kami ni Cali.

Nasa De Villa Village kami at itong mga pinsan ko at kapatid ko ay daig pa ang mga pagong sa kupad nilang gumalaw!

Nandito na ako sa harapan ng mansiyon namin, nakasandal ako sa kotse ko at hinihintay sila.

"Heto na! Heto na! Juice ko lord!"

Sigaw ni Madge habang pinagbubuksan pa lang siya ng gwardya nila.

Nang napagbuksan na siya ay agad siyang tumakbo papalapit sa akin.

Gusto ko tuloy matawa kasi sa itsura niya.

She is wearing a blue fitted jeans and a Black crop top. Hawak hawak niya ang sapatos sa kanang kamay at walang sapin sa paa na tumatakbo.

"Ouch, ang init! Napaso ang paa ko! Aigooo!"

Reklamo niya at agad pumasok sa shot gun seat ng kotse ko para sana magsuot na ng sapatos niya pero andoon si Cali, later ilalagay ko siya sa backseat para mas safe siya at katabi niya sina Kazea.

"Hala baby Cali! You're here? Hello, Kiss tita pretty!" Nagagalak na sabi niya at agad pang yinakap ang anak ko.

"Tita,come here, you should wear your shoes na," malambing na sabi ni Cali at umusog pa ng kunti para makapasok si Madge pero agad kong tinabig si Madge para kunin ang anak ko at ilagay na siya sa backseat.

"Aray ko ah! Galit? Bad mood? Ganern?" Sabi ni Madge at inirapan ko lang naman siya.

"Ayan na, pasok na madam," sabi ko nang buhat buhat ko na si Cali at binigyan na siya ng daan para makapasok sa shotgun seat at natatawa naman siyang sumaludo at hinalikan pa si Cali dahil hindi siya hinalikan ng anak ko.

"Don't be the second version of your Mommy, Gezz," sabi niya at natatawa ko naman siyang binatukan at inayos ang pagkakabuhat kay Cali.

Tinalikuran ko na si Madge nang nakapasok na siya sa shotgun seat at bubuksan na sana ang pintuan ng backseat kaso ay dumating na si Kazea.

"Am I late?"

Mabilis akong naparoll eyes nang 'yan ang bungad ni Kazea sa'kin. Naka short lang siya at white t-shirt.

"Hello Cali!" Bati pa niya kay Cali at ngumuso lang naman ang anak ko pagkatapos ay ngumiti rin at kumaway.

"Hindi! Maaga ka nga eh! Sobrang aga!" Sarkastiko kong sabi at natawa naman siya.

"Sorry, I'm just talking to Ryde---"Stop! Utang na loob! Kapag may kasama kayong single huwag niyong isampal sa'min na may Jowa kayo!"

Sigaw ni Madge nang lumabas na siya sa shotgun seat pero ang kanang paa palang ang nasusuotan niya ng sapatos kaya bumalik rin, mukhang sinabi niya lang 'yon sa'min.

"Oh my gosh! Tara na!"

Halos matawa ako sa itsura ng kapatid ko nang makitang ang suot niya ay isang off shoulder at high waste na jeans at naka fila shoes, kaya lang may hawak siyang suklay at tumatakbo sa amin habang inaayos ang buhok.

"Mga napapala ng late! Dali na! Magsipasok na kayo!" Natatawang sabi ko at agad naman silang napanguso.

"Hello Cali!" Bati rin ni Akira at nginitian naman siya ni Cali.

"Hello Tita Kira!"

"Hindi kami late, Calla, excited ka lang," pambabara ni Kazea sa sinabi ko habang papunta sa backseat ng kotse ko at ako naman ay nagmake face na lang.

Transcript of his heart (De Villa Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon