On This Day

3 0 0
                                    

Sorry for typographical error and wrong grammar.

-----------

"Yen, anong dream wedding mo?", tanong ko kay Mayen habang naglalakad kami sa kalye.

"Dream wedding? Uhm... gusto ko sa bangin tayo ikakasal para kapag umatras ka itutulak kita sa dagat, joke!" Tumawa pa siya kahit wala namang nakakatawa roon.

"Gusto ko sa bangin tapos sa baba no'n ay dagat na, wala lang gusto ko lang marinig ang mga alon."

"E bakit hindi na lang sa beach?" Nakapagtataka lang, yung ibang babae kasi kung hindi sa simbahan—sa beach ang gustong setting ng kasal.

"Paano kapag biglang may dumating na tsunami? Edi namatay tayong lahat, tch. Tsaka gusto ko mataas para mas mahangin, 'yong tipong lilipad-lipad ang buhok ko." Tumawa ulit siya na parang loka-loka. Tch, kakaiba talaga 'tong babaeng 'to, sabagay isa nga pala 'yon sa mga minahal ko sa kaniya.

"Sige sa bangin tayo ikakasal, ano pa?"

"Gusto ko rin yung papalubog na ang araw kapag mag-a-I do na tayo. Bahala na sila magkalkula ng oras basta gusto ko sakto 'yon ah." Tumango naman ako at nagpatuloy ulit siya sa pagsasalita.

"At ang pinaka-importante sa lahat—gusto kakanta ka sa kasal natin." Ngumiti siya nang napakalawak habang tumataas-baba ang kaniyang kilay.

"Ayoko nga, nakakahiya ang daming tao!", pagtanggi ko sa gusto niya. Agad na nagsalubong ang kilay niya.

"Anong ayaw? Itutulak kita sa bangin 'pag hindi ka kumanta."

"Tss! Fine." Ngumiti siya ulit at nagsalita.

"Very good! Promise 'yan ah? Gusto ko kapag naglalakad na 'ko sa gitna ay nagsisimula ka na ring kumanta ng paborito kong kanta, 'wag ka mag-alala 'di naman kita papakantahin kung alam kong pangit ang boses mo kaya 'di ka mapapahiya roon. Trust me and be confident! Ang ganda kaya ng boses mo, my soon-to-be-husband, yieeeh!" Tinusok-tusok niya pa ang tagiliran ko, e malakas kiliti ko ro'n kaya naman naitulak ko siya nang mahina pero hindi pa rin siya tumigil sa pangingiliti sa 'kin, isip-bata talaga.

"Eh ikaw? Anong dream wedding mo?", tanong niya. Ngumiti naman ako at umiling.

"Wala, kahit saan, kahit kailan o kahit anong oras, basta ikaw ang bride." Ngumiti siya't hinawakan ang kamay ko nang mahigpit at nagpatuloy kami sa paglalakad.

----------

"Yen, umuwi ka na. Nag-aalala na sa 'yo ang mga magulang mo," sabi ko kay Mayen, nasa bahay namin siya ngayon at umiiyak dahil pinipilit daw siya ng kaniyang mga magulang na pakasalan ang ex niya. Yes, her parents are against in our relationship for some unknown reason.

"Ayoko! Pipilitin lang nila ako magpakasal kay Zoren, Rad umalis na lang tayo, let's run together," aniya habang nakatingin nang diretso sa mga mata ko. Gustong-gusto ko pumayag sa gusto niyang mangyari pero hindi pwede, that's the most unmanly thing to do right now at isa pa gusto kong maikasal sa kaniya nang may basbas ng kaniyang mga magulang kahit parang napaka-imposible no'n ngayon.

"Baby, we can't do that. Hindi habang buhay ay matatakbuhan natin sila, mahihirapan ka lang. Isa pa, magulang mo pa rin sila," malumanay kong sabi ngunit tila sarado ang isip niya ngayon. Padabog niyang binitawan ang kamay ko at lumabas nang walang sinasabing kahit ano.

'Yon ang huling beses na nakausap ko si Mayen, nabalitaan ko na lang na nasa ospital siya't nag-aagaw buhay. Pumunta ako agad sa ospital na sinabi sa 'kin ni Zoren, he was my best friend after all, 'yon nga lang nasira ang pagkakaibigan namin dahil napunta sa 'kin ang babaeng sinayang niya.

Mayen got into a car accident, maraming dugo ang nawala sa kaniya, mabuti na lang ay naagapan agad kaya maayos na ang lagay niya ngayon pero hindi pa siya gumigising mula nang maaksidente siya. Hindi ako makapasok sa kwarto niya dahil hindi ako pinapapasok ng mga magulang niya kaya naman wala akong magawa kundi titigan siya mula sa malayo.

----------

It's been five months mula nang gumising si Mayen at maka-recover sa aksidente. Ngayon ang araw na pinaka-hihintay naming dalawa.

Nagsimula akong kumanta nang bumukas ang kurtina. And there, I saw the most beautiful woman I've ever known, ang babaeng pinakamamahal ko.

🎶Here we stand today 
Like we always dreamed
Starting out our life together🎶

Marahan siyang naglalakad sa gitna habang nakangiti at nililibot ang tingin sa mga bisita.

🎶Light is in your eyes 
Love is in our heart 
I can't believe you're really mine forever🎶

She really looks like an angel in her white long gown—no, she's really an angel and I'm so grateful because God gave me one of his kindhearted angels, the greatest gift I've ever received.

🎶Been rehearsin' for this moment all my life 
So don't act surprised 
If the feeling starts to carry me away🎶

But that angel isn't mine anymore...

Nagkaroon ng amnesia si Mayen, may mga alaala siya na hindi niya naaalala—sad to say, I'm one of those.

Nandoon ako nang magising siya pero si Zoren ang hinanap niya, sobrang sakit pero wala akong masisi, wala akong magawa kundi intindihin ang sitwasyon sa pag-aakalang magiging maayos din ang lahat, na maaalala niya rin ako, pero nagulat na lang ako isang araw nang mag-desisyon si Mayen na magpakasal kay Zoren. Hindi ako maka-angal kasi si Mayen na ang nag-desisyon e, hindi siya pinilit ng kahit na sino, kaya anong karapatan kong tumutol kung ito ang gusto niya?

🎶On this day 
I promise forever🎶

Atleast natupad ko 'yong pangako ko sa kaniya, I granted her wish, I sang her favorite song—hindi nga lang sa kasal namin.

🎶On this day 
I surrender my heart🎶

Sinong mag-aakala na silang dalawa pa rin pala sa huli, na ako pala yung extra sa kwento nilang dalawa?

🎶Here we stand, like I planned 
Please say you'll always look at me this way🎶

"Uy, thank you Rad ah! Ganda talaga ng boses mo." Ngumiti ako kay Mayen at tumango, nakipag-kamay naman ako kay Zoren at binati siya.

"Congrats pre, alagaan mo 'yan ah? 'Wag mo na ulit siyang saktan at 'pag dumating ang panahon na naaalala niya na 'ko gawin mo ang lahat para mahalin ka niya ulit kasi hindi na kami pwede e," pabulong kong sabi kay Zoren. Ngumiti ako kay Mayen at umalis na may lungkot sa mata.

🎶On this day🎶

Sa araw na 'to, ang pangarap naming dalawa—tinupad niya kasama ang iba.

On This DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon