Dos

10 1 0
                                    

Ethan’s POV

Hindi ako sinipot ng blind date ko. Ayoko rin naman sa ideyang iyon at sampung minuto na siyang late kaya umalis na ako. Ayokong maghintay at umasa sa isang taong hindi naman talaga intersadong magpakita. Meron pa kasi akong trabaho sa clinic kaya nagmamadali na akong umalis sa lugar na iyon.

Bigla kong naalala si Adriana. Nakita ko kasi siya nung paglabas ko sa coffee shop. Matagal ko na siyang kinalimutan pero sa tuwing naiisip ko siya ay parang bumabalik na naman ang sakit ng ginawa niya. Bumibilis na naman ang tibok nitong puso ko pero hindi ko alam kung meron pang natitirang pagmamahal dito. Mahal ko pa rin kaya siya hanggang ngayon?

Tumunog ‘yong cellphone ko at agad ko itong sinagot.

[Wala talaga pre! Di na siguro ‘yon darating. Akin na lang ‘tong bulaklak ha… ibibigay ko sa girlfriend ko.]

“Iwan mo nalang dyan!” sabi ko.

[Sayang kasi pre.]

“Basta iwan mo nalang dyan! Diba binayaran na kita… bumili ka nalang ng rosas para sa girlfriend mo!”

[Sige na nga! Sungit mo talaga kahit kelan! Kaya wala ka pa ring girlfriend hanggang ngayon!]

“Ayokong isipin ni Andrew na hindi na naman ako dumating sa blind date. Umalis ka na nga lang dyan pero iwan mo ang rosas sa table. Tatanong ko mamaya sa mga empleyado kung iniwan mo talaga ang rosas at lagot ka kung dinala mo ito.”

[Grabe ka naman eto na nga oh! Aalis na ako!]

At binaba na ni Greg ang cellphone niya. Si Greg ang pinakiusapan kong magpanggap na ako kaya siya ang pinasuot ko ng itim na longsleeves at jeans.

Isang accountant daw ang magiging blind date ko kaya pormal daw na damit ang isusuot. Accountant rin si Greg sa clinic namin kaya naisip ko na magkakasundo silang dalawa.

Tatlo kaming magkaibigan at ako lang talaga ang hindi pa nagkakaroon ng matinong girlfriend. Siguro dahil ayokong mag-invest ng oras at pagmamahal sa isang babae pagkatapos nung nangyari sa akin. Si Adriana… Bakit ba biglang pumapasok sa isip ko ang babaeng iyon? Siya lang naman ang dahilan kung bakit wala na akong tiwala sa kahit sinong babae.

Matagal ko na siyang gusto… first year college pa nga lang siya ay palagi ko na siyang hinahanap sa may park. Doon kasi siya madalas magtambay kasama ang kanyang mga kaibigan at mga manliligaw. Lahat sila ay mayayaman at merong magagarang kotse samantalang ako ay hindi man lang marunong magmaneho. Ni wala nga akong bisikleta eh.

Mula sa malayo ay pinagmamasdan ko lang siya at iniisip na sana ay magkausap kami balang araw. Para kasing ang hirap-hirap niyang abutin eh. Maganda, maputi, at masayahin si Adriana kaya kahit may pagkasuplada ay gustong-gusto ko siya.

Mas matanda ako sa kanya ng isang taon kaya naging PCI niya ako. Practicing Clinical Instructor ang tawag namin dun… isa ‘yong subject kung saan ang mga senior students ang nagtuturo sa mga juniors. Ako kasi ang nasusupervise sa kanila kapag merong duty sa hospital noong OJT namin.

Naalala ko pa noon nang pumunta siya sa isang pasyente at nanginginig siya dahil sa kaba. Meron daw nambabastos sa kanya sa loob ng room kaya palagi ko na siyang sinasamahan kapag pumapasok sa kwarto ng pasyente. Matapos ng rotation namin ay naging magkaibigan na kami ni Adi… Madalas kaming magkasamang lumabas at magsaya. Malungkot kasi siya dahil marami daw siyang problema sa bahay.

Nalaman kong naghiwalay sila ng kanyang boyfriend kaya di ko na pinalampas ang pagkakataong ligawan siya.

Pero pinaasa niya lang ako sa wala. Matagal ko rin siyang niligawan at sinabi niyang sa graduation ko nalang daw antayin ang sagot niya. Pero isang araw bago ang graduation ay nakita ko siyang may kasamang ibang lalaki. Sinundan ko pa siya sa kanyang date at nalaman kong boyfriend niya ang lalaking iyon. Nagkabalikan na siguro sila.

A Blind DateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon