Kwatro

20 1 0
                                    

Ethan’s POV

Galit na galit akong lumabas sa set-up na iyon. Hindi ko kasi inakalang ganun pa rin si Adriana. Masyado pa rin pala siyang mapagmataas.

Pero nang pababa na ako ay naalala kong nandoon pala sa office ni Dr. Egang ang susi ng kotse ko kaya napilitan akong bumalik.

Pagbalik ko ay wala na siya pero wala na rin ang isang bote ng alak. Asan na kaya siya? Hinanap ko pa nga siya sa mga nurse stations at pina-page ko pa talaga siya sa buong hospital. Tinanong ko rin ang mga guard kung nakita nila si Adriana na lumabas. Pero wala naman daw silang nakita at mapapansin rin nila kung umalis na ito.

Kahit galit ako sa kanya ay nag-aalala pa rin ako dahil alam kong wreckless siya. Tumulong na rin ang Chief nurse ng hospital na hanapin siya pero wala talaga siya sa buong hospital.

“Baka po nandoon siya sa rooftop?” sabi ng isang nurse na kararating lang.

“Rooftop?” sabi ko naman.

“Pero sekreto lang natin to ha. Huwag na huwag mong sasabihin sa kahit kanino lalo na sa chief nurse namin.”

“Oo pangako,” at tinaas ko pa talaga ang kanang kamay ko.

At itinuro niya sa akin ang isang maliit na lagusan patungo sa rooftop. Talagang sekretong daan iyon dahil hindi ako halos magkadaan.

“Basta po ingatan nyo siya ha,” sabi ng nurse.

At nang makarating na ako sa rooftop ay tanaw ko ang buong siyudad. Napalagay naman ako nang makita ko siya agad at nakatayo. Nakatayo? Agad akong tumakbo papunta sa kanya dahil naisip ko na baka tatalon siya.

“MAHAL KITA ETHAN!!!” sigaw niya. “MAHAL NA MAHAL!” Lasing na siya at natatakot akong mahulog siya.

“MAHAL NA MAHAL KITA!!!” dahan-dahan ko siyang nilapitan dahil baka magulat siya at mahulog pa siya sa building. Nasa May labing-limang palapag pa naman ang building na ito.

“KUNG PWEDE KO LANG ISANLA ANG KALULUWA KO AY GAGAWIN KO RIN ‘YON!” at umiiyak na siya. Talagang lasing na siya dahil nakita ko sa tabi niya ang bote ng wine. Inubos pala niya ito ng mag-isa.

“PATAWARIN MO NA AKO!”

Malapit na ako sa kanya kaya agad ko siyang hinila papalayo sa gilid ng building. At nagulat nga siya at sumigaw pero hindi ko na siya binitawan at dinala sa isang ligtas na lugar.

“Don’t you ever do this again!”

“Anong hindi ko gagawin?”

Bigla na namang bumilis ang tibok ng puso ko habang yakap ko pa rin siya. Lasing na siya at alam kong pinipilit lang niyang ibuka ang kanyang mga mata.

“Narinig mong lahat ‘yon?”

“Ang alin?”

“Di bale na nga!”

“Na mahal mo ako?”

At tinignan ko siya sa kanyang mga mata habang namumula ang kanyang mga pisngi. Ngumiti nalang ako sa kanya at sinabing, “Lasing ka lang siguro kaya nasabi mo ‘yon!”

“Hindi ako lasing!” at umiyak na naman siya.

“Kung hindi ka lasing sabihin mo nga ulit ‘yon sa harapan ko?”

A Blind DateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon