Prologue

0 0 0
                                    

"Masaya ka ba ngayon?" mark asked me with his "malambing" tono voice. "Oo naman, masaya ako, malapit na ba 'tayo?" i asked him back.

We're on our way to our favorite spot, maganda kasi yung sunset at sunrise don kaya napagdesisyunan namin na doon nalang icelebrate ang 7th anniversary namin, actually bukas pa yung anniversary namin, pero ngayon na kami pumunta para maabutan yung sunrise mamaya.

We've been through a lot, as a couple, sobrang dami na naming pinagsamahan, nagkakilala kame nung highschool sa Sacred Heart University when i was on grade 10, at natutuwa naman ako at yung puso ko dahil hanggang ngayon, kami yung magkasama.

Gumraduate kame together, highscool and college, and now we're on the right age at napaguusapan na namin yung nalalapit naming kasal. Sobrang sarap sa feeling na yung taong minahal mo simula nung umpisa, kasama mo padin sa pagtatapos.

Di kami perfect na couples, may mga little cute fights den, nakakatuwa nga kasi kahit sobrang tagal na namin, never ko nafeel na iwan sya at nararamdaman ko din na he feels the same way, kaya namin to.

"Kumain ka muna mejo malayo pa tayo" alok nya sakin ng burger and fries from mcdo, habang nakatingin padin sya sa daan at busy-ing nagda-drive, dali-dali kong kinuha yon at inopen ko para makakain nako kasi mejo gutom na nga ako. "sure ka ba talaga na safe gamitin 'tong sasakyan na'to?" tanong ko sakanya, actually sira talaga 'tong sasakyan, and nung pinatingin namin sya, sinabi nila na it takes 2weeks para maayos na talaga sya, e ewan ko ba sa boyfriend kong 'to kung bakit minadali yung sasakyan para makaabot sa celebration namin, pinipilit nya na " okay lang "

"Oo, kagabi ko pa sinasabi sayo yon 'diba love? wala ka ng dapat ipagalala, eto na nga oh nagagamit na natin. mejo mapakat lang yung preno pero ayos lang kaya ko icontrol" pageexplain nya, para mapawi yung kabang nararamdaman ko. Napatahimik nalang ako kase baka nakukulitan na sya sakin at kinain ko nalang yung binigay nyang burger and fries habang nakatingin din sa daan.

Ilang minuto pa ang nakalipas, napansin ko si Mark na mejo balisa at parang nagpapanic, di naman sobrang panic pero it's obvious na there's something wrong. Umalis ako sa pagkakasandal at tinanong sya "love, what's wrong?" bati ko at tila sinusuri sya habang di mapakali sa manibela.

Di sya agad sumagot at pamaya-maya nagimbal ako sa sinabi nya, "love, ayaw gumana ng preno love" sabi nya ng di ako nililingon at nagpapanic na talaga. "Ha?! love nagbibiro kaba?" tanong ko sakanya kahit nararamdaman ko na bumibilis na kami at nawawalan ng control paunti-unti. "the fuck!!" wika nya

Tiningnan nya ko, mata sa mata, "I love you Emillie, lagi mong tatandaan yan kahit san ako mapunta, ikaw at ikaw lang" wika nya sakin habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko at hawak ang pisngi ko. Don nako simulang umiyak at nararamdaman ko na ang sunod-sunod na patak ng luha ko, "I love you too, love" sagot ko sakanya.

Di ko namalayan na dire-diretso nalang kami at may bangin sa dulo, pinikit ko nalang yung mga mata ko at bigla nya kong hiniltak at inakap ng sobrang higpit, ramdam ko din ang konting pagsinghot nya, sign na umiiyak na den sya.

Wala na kaming nagawa at sumabay nalang sa agos dahil alam namin pareho ang kahahantungan namin. Inakap ko nalang sya pabalik at...

nalaglag kami sa mataas na bangin.

Siguro hindi pa 'to yung tamang oras para satin. Maaaring namatay tayo ngayon, pero kung mabuhay man akong muli, ikaw at ikaw padin ang hahanapin ko. Mahal na Mahal kita Mark.

Makakaasa kang hahanapin kita sa Déjà vu.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Hi guys! sana naenjoy nyo yung first story ko dito sa Wattpad! Please Vote and Comment!! i love you all!! 💗

[ When love gives you a second chance #1 ] ;Déjà vu Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon