Transfer
"Manong, pwede po ba pakihinto muna po sa 7/11 saglit? may bibilin lang po ako" wika ko sa driver namin, first day of school ngayon kaya mejo maaga aga ako nakapag-gayak at mejo mahaba pa naman yung oras ko kaya pinahinto ko muna dito sa 7/11 kasi may bibilin ako
Pagpasok ko sa store, ay wala pang tao, dumiretso ako sa large fridge nila at kumuha ng favorite kong Delight. Agad akong dumiretso sa cashier para magbayad at kinuha kona din yung sukli ko.
Papalabas nako ng store ng biglang may pumasok na lalaki at nabangga nya 'ko! "aray!" wika ko, di nya ako pinansin at dire diretsong pumasok kasama ang bag nya, tf? kaya nga two doors diba para kung sakaling may kasabay ka, don ka sa other door tsk!
I guess sa school ko din sya papasok kasi suot nya yung uniform ng boys sa school ko, humanda ka sakin kung makita man kita hmp. Sumakay nako sa sasakyan namin at nagpahatid na school
"Lope!!" sigaw sakin sa kabilang banda ni Sue, habang may dala-dalang mga papel at pagkain, nako! eto talagang si sue never nakalimutan ang pagkain grr. Agad naman akong lumapit sakanya, sobrang init ngayon di pa naman ako nakapagdala ng payong hays.
Habang papalapit ako sakanya, nakita ko na yung ngiti nyang parang sabik na sabik at may ikukwento nanaman. Paglapit ko sakanya ibinaba ko muna yung dala kong bag at mga papel. "Lope! may bago tayong kaklase pogi mayaman at higit sa lahat, anak ng isang sikat na business owner emeged" wika nya habang kumakain padin.
"E ano naman gusto mong gawin ko sa transferee na 'yon? alam mo naman na wala akong plano sa ganyan" sabi ko sabay inom sa Delight na hawak ko, at sya naman ay umirap lang, "hay nako, di ka ba nauumay puro nalang aral aral" sabi nya, wao ah makapagsalita naman 'to e sya din naman nagaaral ng mabuti nagpapataasan pa kami sa quizes hay nako!
Habang nagkukwentuhan kami, dumating na din ang iba naming mga kaibigan, sina Phoebe, Sara, at KC, at nakiupo na din samin at nakipagkwentuhan na din. Di din namin ganon kamiss ang isa't isa dahil halos araw-araw naman ay magkakasama kami nung vacatoon.
"wala bang poging transferee?" tanong ni phoebe na halata sa mukha na excited at curious, napatingin naman si KC at tila hinihintay sumagot si Sue. "meron" wika nya at kinindatan ang dalawa, haynako.
Habang sila ay nagkukwentuhan at nakikinig lang ako, si Bea naman ay nakatuon lang ang atensyon sa librong hawak nya. Saming lima, si Bea ang pinakamahinhin, tahimik, simple, at masasabi mong queen of the bookworms kase sobrang dami ng nabasang libro, si KC naman ang pinaka sporty samin, mahilig sya sumali sa mga olympics at hinahangaan namin sya pagdating sa volleyball. Si Phoebe naman ang pinaka sabik sa pag-ibig hahahahaha, sa lahat sya ang pinaka di mapakali at araw-araw iba't ibang lalaki ang pinapakilala samin, ewan ko ba sakanya "enjoy lang" lagi nyang sinasabe.
Ilang topics pa ang napagusapan namin at pamaya-maya narinig na namin ang bell, hudyat na pumasok na kami sa sari-sarili naming room at magsisimula na ang klase. hays, first day nanaman argh.
Tumayo na kami sa upuan at kanya-kanyang kinuha ang mga gamit at pumunta na sa room, sweerte namin dahil kahit 3years na kami dito sa Purple Vain University, magkakaklase padin kaming lima at never kami nagkahiwa hiwalay. Habang naglalakad kame sa classroom ay nakita namin na pumapasok na din ang ibang mga studyante sa designated classrooms nila, at kanina kopa hinahanap yung lalaking bumangga sakin sa 7/11 pero nabigo akong makita sya at malaman kung saang section sya.
Pagpasok namin sa room ay may iilan na studyante na, yung iba ay kilala ko na yung iba dati kong kaklase at syempre yung iba transferees. Nagtabi-tabi kaming lima sa bandang gitna habang hinihintay ang iba naming kaklase at teacher na magiging adviser namin, alam konaman na mamaya ay paghihiwa-hiwalayin din kami according sa trip ni ma'am LOL.
Ilang minuto pa ang lumipas, ay dumating na ang teacher namin na magiging adviser namin at sa tingin ko bago syang teacher dahil di sya familiar sakin at diko din sya nakikita dito sa school last school year. Binaba na nya yung mga gamit nya at ginreet kaming lahat. "Hi Grade 9 class A! I'm Ms.Georgina Reyes, and I will be your adviser throughout the year! I'm so glad to meet all of you" Bati nya at ngumiti sya ng matamis, ang ganda nya.
Turn na namin magpakilala isa isa, buti nalang sa bandang gitna kami umupo nila Bea, di kami yung unang magpapakilala. Nagpakilala na isa isa ang mga nasa unahan, sumunod ang second row at ngayon kami na. Nauna ng pumunta sa harapan si Phoebe dahil sya ang pinakauna samin "Hi classmates! Ako po si Phoebe Ann Guzman!" wika nya at natatawa kame kasi saming lima, sya ang pinaka joker at kalog hahahahaha "I'm 15 years old, and my hobbies are doing makeups and hairstyles, sana maging kaclose ko kayong lahat peace to all love you all" wika nya at tumawa ng konti
Natawa naman yung adviser namin dahil sa pinakitang pagka jolly ni phoebe, sinundan naman 'to ni Bea sunod si Sue at KC, at finally, ako na omg. Pumunta na ko sa harapan at nagsimula ng magpakilala ng sarili.
"Hi everyone! ako nga po pala si Penelope Hugh, I'm 15 yrs. of age and hobby ko po magdrawing mag brainstorm at sumali ng pageants" sabi ko at nagbigay ng ngiti sakanilang lahat. Yung mga dati kong kaklase ay sinasabing "Ganda talaga ni Lope hanggang ngayon" "alang nagbago ganda padin talaaga" at bumalik nako sa pwesto ko at umupo.
Nagpakilala na din ang ibang mga studyante at nung natapos na ay "Okay class, nasakin na ang listahan kung ano ang gusto kong ayos para sainyo, gusto ko kung saan ko kayo pinaupo, ay don lang kayo magsstay kahit hindi ko time" wika ni Ms. Reyes at nagsang ayunan naman ang mga kaklase ko.
Inassign na ni Ms.Reyes ang mga upuan at pinarte ito sa dalawa dalawa, isang babae isang lalake para daw hindi magdaldal. Napunta si Bea at KC sa unahan dahil mejo maliit sila hahahaha, si Sue at Phoebe naman magka-row sa bandang dulo. Kilig na kilig naman si phoebe dahil pogi daw ang katabi nyang transferee hay nako.
Ako naman nilagay ni ma'am sa bandang gitna pero hinihintay ko yung katabi ko pero wala, halos lahat ay may katabi na ako nalang ang wala. "So class, sisimulan nati—", "sorry i'm late" wika ng isang gwapo, maputi, at matangkad na lalaki sa pintuan. Halos lahat naman kami ay napalingon sakanya at tila nagulat.
"Oh kung hindi ako nagkakamali, ikaw si Mr. Roswell?" tanong ni Ms.Georgina sakanya at tumango lang ito, pogi mo sana bastos ka lang.
Agad itinuro ni Ms.Reyes ang pwesto nya, sa tabi ko. at agad naman itong lumakad papunta sakin. Habang lumalakad sya ay nakatingin sakanya ang mga kaklase namin at yung iba ay kinikilig kilig pa, binaba nito ang bag nya sa upuan at tiningnan lang ako ng walang emosyon pero sa pagtama ng mata nya sa mata ko may iba akong naramdaman.
Umupo na ito at nagsimula ng magdiscuss si Ms.Reyes abt sa mga schedule at journals namin pinakilala din nya ang mga teacher namin sa iba't ibang subject. Ang katabi ko naman ayaw magsalita, nakatingin lang ng diretso at malamig ang tingin nya, at diko ikakaila ah, ambango nya.
Pamaya maya ay nilingon nya ako at nagtama yung mata namin. Pagtama ng mata nya sa mata ko mejo sumakit ulo ko at may lumabas na babae at lalaking nagtatawanan habang magkaakap.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Please Vote and Comment! Thankyou!
BINABASA MO ANG
[ When love gives you a second chance #1 ] ;Déjà vu
FantasyPenelope Hugh a.k.a "Lope" was just a simple girl that every boys dream about, masasabi mo talagang "ideal girl" nasakanya na ang lahat. Until one day, Evan Roswell, a "pamwiset and mayabang" guy came into her life. And they've wondering, why does...