ALA-ALA
Pinikit ko ng mariin ang mata ko, at binaling nalang sa iba yung atensyon ko. Patuloy padin si Ms.Reyes sa pageexplain ng policies at rules and regulations, inside the classroom. Muli kong tiningnan ang katabi ko, hanggang sa namukhaan ko sya, eto yung lalaking bumangga sakin kanina ah!
Tatawagin at sisitahin ko sana sya, kaso lang biglang tumunog yung bell dahil break time na, "ho—" di pa ko tapos sa sasabihin ko pero tumayo na sya at lumabas ng room
Kaya wala na kong nagawa, tinawag nako nila Sue na kanina pa pala nasa pinto hays! lumabas na kami at dumiretso sa canteen para kumain. Inorder ko ang favorite kong flying saucer at bumalik sa table namin.
Pagkaupo ko ay sinimulan ko ng kumain, ugh, namiss ko to. "Lope, ehem! swerte mosa kaseatmate mo ah ehem" wika ni Phoebe, "imagine lope, sa dinami dami ng babaeng humahanga sakanya at gusto nyang makatabi, sayo sya nakatabi napakalapit mo sakanya!" wika ni Sue na parang kinikilig pa. "May chemistry kayo" maikling sabi ni KC habang nakangiti at sinang ayunan naman 'to ni Bea.
"Tumigil nga kayo, first of all, kahit kamukha pa ni Donny Pangilinan at Ricci Rivero yung katabi ko WA LA AKONG PA KE LAM, tsaka si ma'am yung nag assign ng uupuan naten" wika ko habang mejo nahihiya dahil sa mga tingin nila sakin. "kc, diko alam yung chemistry na sinasabi mo, chemistry lang sa science alam ko, tsaka pano mo naman nasabi na "madaming" naghahangad don sa seatmate ko e bago palang naman sya dito" pagtatakang tanong at dugtong ko pa, sabay kagat ng flying saucer.
"hay nako, iba talaga pag aral na aral e no? di ba Bea?" wika ni phoebe sabay tingin kay Bea na tutok na tutok nanaman sa librong hawak nya. "speaking of the pogi" wika ni sue habang nakatingin sa di kalayuan at halata sa awra ng mukha na kinikilig.
Napalingon naman ako at nakita ko yung seatmate ko, kasama ang dalawang lalaking may dalang gitara at papunta sa canteen, may mga humihiyaw hiyaw ding mga babae sa canteen at tila kilig na kilig dito kahit wala naman syang ginagawa, teka? diba first day palang? tsaka bakit sikat na 'tong lalaki na 'to ewann! gulo.
"Tubig" usal ni phoebe habang nakatingin padin dito, paglingon ko naman ay nakita kong nagoopen ito ng butones at halatang mejo naiinitan, Iniwas kona agad yung tingin ko dahil di ako sanay makakita ng ganon omg virgin eyes.
"And that's the exact term and the real meaning of baybayin" wika ni Ms.Selga na teacher namin sa arpan/history. Tapos na kaming magbreak time at ngayon nandito nanaman ako nakaupo at katabi nanaman 'tong so called "pogi" na to.
"Mr.Roswell pwede mo bang iexplain sakin at sa mga kaklase mo ang baybayin? looks like your mind isn't in this classroom" bati ni Ms.Selga sakanya habang nakangiti ng nakakaloko. Dali dali namang tumayo sa pagkakaupo tong si "mr.roswell" at sinagot "Baybayin is a writing system native to the Philippines, attested from before Spanish colonization through to at least the eighteenth century. The word baybay means "to spell" in Tagalog" dire-diretso nyang sagot habang mejo gumagawa ng nakakaasar na ngiti.
Laking gulat naman ni Ms.Selga sa sagot nito at sa tingin ko nadefine naman nya ng maayos at tama kung ano ang tinatanong. "wow, what's your name again mr.?" tanong ni ms. Selga sakanya with polite tone. Tiningnan ko naman ang mga kaklase ko, specially ang mga babae na nakaabang sa isasagot nya kasi miski ako diko pa alam ang pangalan nya
"Evan Roswell" maikling sagot nito.
Tinaas ni MS. Selga ang kilay nya at parang nagbibigay na "hmmm" look. so evan pala ang pangalan ng lalaki na to? nc. At bumalik na 'to sa pagkakaupo habang 'tong si "evan" nakatingin nanaman ng diretso at walang emosyon hays.
———————
Dumating na ang oras na hinihintay ng lahat, uwian naaaa. finally.
Nauna ng lumabas si sue at phoebe dahil may gala sila, unang araw ng klase may kameet up na agad hays, inaaya nga nila ko kanina pero wala talaga ako sa mood sumama sakanila mas gusto ko pang magbabad nalang sa kwarto puro libro at activities kaharap ko.
Si KC naman may training ng volleyball, at si bea di mahilig sa gala tulad ko kaya nauna ng umuwi, bago pa kame maghiwa hiwalay nagpaalam na kami sa isa't isa, sobrang bihira lang kase talaga kami magkasama sama pag uwian, kase nga may sari-sarili din kaming gawain.
Ngayon nagliligpit ako ng mga gamit ko at diko alam bakit ayaw pang umalis netong si evan sa kinauupuan nya at walang emosyon pading nakatingin sa kawalan, tatlo nalang kaming nandito, si aecia ako at si evan, may tinatapos pa kasing activity si aecia at kinokopya sa mga libro kaya andon sya sa bandang unahan.
"Lope, may kukunin lang akong libro sa library kulang pala 'tong nadala ko dito, pakibantayan gamit ko saglit lang ako, makikisuyo" wika ni aecia sa maamong boses hehe, tinanguan ko nalang dahil saglit lang naman daw, dali daling umalis si aecia.
"Bakit nandito ka pa?" tanong sakin ni Evan pero di sya nakatingin sakin, at malamig ang boses, "a-ako ba kausap mo?" tanong ko sakanya, habang nakaturo ako sa sarili ko, kasi naman nakakagulat bigla nalang syang magsasalita at magtatanong
Tango lang ang sagot nya, "e pinapabantayan sakin 'to ni aecia, pagbalik nya aalis na din naman ako" wika ko, parang ayaw nya kase na nandito ko kaya diko alam bat yan lumabas sa bibig ko, omo di na sya sumagot uli. teka nga, ikaw din naman ah? ala ka namang ginagawa bakit nandito ka? haynako basta ewan ko
Ilang minuto na ang lumipas, wala akong magawa kaya naisipan kong magwalis walis at magbura ng mga sulat sa blackboard, kinuha ko ang walis sa cabinet sa likod at nagwalis walis muna dahil ang tagal ni aecia hays.
Ng matapos akong magwalis, pumunta ako sa harap para kunin yung eraser ng blackboard sa bandang taas ng blackboard at naramdaman kong tumayo na si evan sa kinauupuan nya, narealize nya sigurong wala pala syang ginagawa pero kanina pa sya nandito.
Kumuha ako ng isang upuan para tungtungan, kase diko abot yung pamunas myghod, pagakyat ko diko napansin na nakalaylay pala yung strap ng sapatos ko at sumabit sa siwang ng upuan, dahilan para ma-out balance ako at malaglag, gulat naman ako ng di ako sa lapag nalaglag, kundi sa braso ni evan. SINALO NYA AKO
Di ko alam irereact ko sa ginawa nya, wait teka lang, ilang minuto pa ang nakalipas ng nakahiga ako sa braso nya at nakatingin kame sa mata ng isa't isa, nakikita ko nanaman ang babae at lalaking masaya, nagtatawanan at magkayakap. ano ba 'to
"Baka naman gusto mo ng ibaba yung paa mo sa upuan para mabitawan na kita" wika nya, at don kolang narealize na diko pa pala binababa yung paa ko para makatayo nako "a-ay sorry, salamat" wika ko nalang nahihiya talaga kase ako sakanya diko alam bakit nung nabangga nya ko sa 7/11 inis na inis ako sakanya pero ngayon na kaharap ko sya ala nakong masabi.
Totoo palang napakaamo ng mukha nya sa malapitan tapos ang ganda ng mata ang tangos ng ilong tas yung labi nya ang sarap hali—
Diko namalayan na ako nalang pala magisa yung nandito at nakaalis na sya, pamaya maya dumating na din si aecia, wala daw kase don yung librarian namin kaya mejo natagalan sya.
Nakayuko ako para kunin yung bag ko pero sumakit nanaman yung ulo ko kaya nagmadali nakong umuwi, habang papauwi ako, diko maiwasang isipin na bakit kaya tuwing nagtitinginan kame mata sa mata, bakit kaya laging may pumapasok na ala ala sa isip ko?
Ano ibig sabihin non? Parte ba sya ng nakaraan ko?
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Please vote and comment! Thankyou!

BINABASA MO ANG
[ When love gives you a second chance #1 ] ;Déjà vu
FantasyPenelope Hugh a.k.a "Lope" was just a simple girl that every boys dream about, masasabi mo talagang "ideal girl" nasakanya na ang lahat. Until one day, Evan Roswell, a "pamwiset and mayabang" guy came into her life. And they've wondering, why does...