"Zach." Malamig na tawag ni Zymund sakin, tumahimik ang buong paligid ng magsimula siyang magsalita kahit ako lang ang kausap niya.
"What?" Tanong ko pabalik habang nakadukdok ang ulo sa lamesa. Hayss gusto ko pang matulog buyset.
"Sir Darren wants to see us and if your gonna ask why i don't fucking know" sagot niya at puyat na puyat naman akong tumayo. Ng maramdaman kong tumingin ang lahat sakin tiningnan ko naman sila ng masama at bumalik naman silang lahat sa mga ginagawa nila.
Nang nakatayo ako ay agad niya naman akong inakbayan na malapit nang ikaiyak ng mga babaeng nanonood at nakatingin samin.
Well he's not my boyfriend or what. He's my twin brother at wala siyang ibang kinakausap o tinitingnan man lang. He has a very dark aura which is a little bit scary lalo na pag tinignan ka niya. Those dark eyes, pointed nose, nice body, and cold aura he have, yan yung malapit nang mamatayan ng mga babae dito. Well dagdag nadin ang buyset niyang mukha at sooobrang tangkad.
Halos wala kaming pagkakaiba even when im a girl. Just a little bit of difference between our height.
Habang naglalakad kami sa hallway nakashare lang kami ng airpods at syempre di mawawala ang mga naiiyak na mukha ng mga babae habang nakatingin samin. Well wala ding makalapit sakin kung about lang sa kambal ko kasi were one of the "ranked students" in this school.
Ranked students were just like us but has a different ability. In this school we're all have different abilities here but we ranked students were more different than the others.
My brother is the highest ranked student here. In this whole school siya ang pinakamagaling na gumamit ng weapons. He is well trained and guess what? Makakatalo siya ng teacher what is the rarest thing to happen.
Well, im rank no.2 im well trained specially when using daggers and knives. I can control more than 100 knives by just using 2 hands. Well im the "knife theif".
Nung narating na namin ang office ni Sir Darren binuksan niya ang pinto habang nakaakbay padin sakin.
At ang singkit kong mata ay mas lalo pang sumangkit nung nakita ko kung sino sino ang nasa loob. Ang "Wood Gang". Ang no.1 kaaway namin ng kambal ko. Naramdaman ko ang katabi ko na walang pake at hindi man lang nag atubiling tingnan kung sino ang mga tao sa loob.
"Hoy wala ka bang interes kung sino ang buyset yung nandito ha?" Pabulong kong sabi at tiningnan niya naman ako.
"Wala akong oras para tingnan lang kung sino mang mga walang kwenta yan." Yes kahit pagtingin lang sa isang tao o bagay aksaya na yan sa oras niya. That's my hell brother.
"Wews" parinig ng isang miyembro nila.
Anim silang membro sa gang nila. Dalawang babae at apat na lalake. They're the only gang na pinayagan ng council because they THOUGHT that these members were responsible enough. But in the end they just regretted.
Ruby Lilliane Wilsons - Ang Christmas tree na buhay sa balat ng lupa. Ket nakikipag away na naka high heels padin yung gaga. And thats one of her ability. Fighting when wearing 6 inches hogj heels. Pero magagamit naman ang kalandian ng babae nito like seducing our enemies right?
Shia Wilsons - She's good at healing. Well sa grupo nila siya ang pinakamabait. Hindi katulad ng kapwa niyang babae na abot langit ang sungit. Mahinhin siya at hindi hilig sa mga labanan. She's part of the gang dahil sa talino at galing niya sa paggagamot.
Sebastian Davis - the hell of a kind secretary in their gang. Kaya niyang pagsabayin ang SIYAM na babae LANG NAMAN. Hindi siya womanizer goiz mapagmahal lang daw.
Cedrick Korver Chen - ang chingchong sa kanilang lahat. Siya din ang palakaibigan sa kanila. Ito yung tinatawag nilang mabait na masungit. But guess what? He's good at trapping things.
Tonny Lee Vazquez - Ang ikalawang kinababaliwan ng mga babae dito opps pati din pala lalake. Sa sobrang gwapo siguro pati lalake nababaliw na mygesh.
Kayden Andrie Kobayashi - the fucking leader of the gang. Siya lang naman yung may pinakabuyset na mukha sa lahat. Gwapo DAW siya pero parang tae naman talaga sa totoo lang. Chour joke pero madami talagang nababaliw sa kanya pero mga walang lakas din dahil sa kasungitan nito. Pangalawa sa kapatid ko for short.
"So Zach and Zymund were now here, well then let's proceed." Sabi ni sir at lumabas sa office niya.
Saan ba kami dadalhin nito?? Nakasunod lang ang gang at nasa likod naman kami ng kapatid ko. Habang naglalakad panay ang hikab ko. Hays hindi ako puyat mga goiz palagi ko lang talagang gusto matulog.
Nang tumigil sila tumigil din kami ng kapatid ko. Nandito kami sa harapan ng gym ngayon kung nasaan nandito lahat ng studyante. Lahat ng estudyante at guro ng Sentiōki University.
"So alam kong kilala nyo na lahat kung sino ang nandito sa harapan niyo so pwede ko ng hindi sila ipakilala isa isa sainyo. And alam ko ding kilala niyo natong gang nato sa kaliwa ko and ang magkakapatid nato sa kanan ko. So I'm going to have a big announcement..." Pabitin na sabi ni sir at nagtilian naman ang lahat.
Pero habang nagsasalita si sir naramdaman kong may nakatingin sakin at tama nga ako meron nga. Kayden Andire Kobayashi. Masamang masama ang titig niya sakin habang ako naman ay nakatingin lang sa kanya ng walang pake. Anong problema nitong buyset nato?
"SO THE WOOD GANG AND THESE TWINS WERE GOING TO WORK TOGETHER!!!" malakas na sabi ni sir na nakapagpahinto saming lahat sa harapan at nakapagpatili naman sa mga nanonood.
"Fuck no way! Im not gonna work with them! I mean her lang pala kasi gusto ko namang katrabaho si Zymund." Patili na sabi ng Christmas tree na puno ng stardust, si Ruby.
"Tss gonna leave this school" sambit ng kambal ko habang sa malayo padin nakatingin as usual.
"So were gonna work together huh? Sa tingin mo may magagawa ba kayo? Well meron naman but that's only money, not effort." Sabi ng kupal na leader nila.
"Well tingnan natin Mister President, at least makakabigay kami ng pera, paano ikaw? Kayo? Babae at makeup lang siguro maaambag niyo?" Sambit ko pabalik habang walang reaksyon.
Well wala akong pake sa lahat, wala akong pake sa tao, at walang wala din akong pake sa mundo.
Nang sinabi ko yun agad na sumugod sakin si Kayden at agad naman siyang sinugod ng kambal ko kaya ako na ang pumigil.
Nang sinita siya ng mga teacher sa likod agad ko siyang nginisihan.
"Masungit ka lang, pilosopo ako" sambit ko at kumindat at sabay kaming umalis ng kambal ko kahit wala pang permission para makaalis kami.
Well then, let the fight begin.
***
🙃