Chapter 1

11 5 0
                                    


By: rmrbblesnthend

Galing sa pagbabasa ng pocketbook ay sinarado ko ito at naisipan ng ibalik sa bookshelf sapagkat tapos na akong basahin ito. I smile as I think of the story's ending. So sweet and romantic. Ikinasal kasi ang dalawang bida sa story'ng binasa ko sa ending. Sana all right.

Inayos ko ang eyeglasses sa mata at tumayo na sa upuan. Nandito ako ngayon sa library ng aming paaralan, mag-isang nagbabasa. Reading is my hobby and I like reading love stories.

Nagtungo ako sa bookshelf at ibinalik ang pocketbook. Pagkatapos ay bumalik ako sa mesa ko at innarange na ang mga gamit at ipinasok sa aking back pack. Then hang it in my back as I march out from the library.

I'm always alone. Naglalakad na ako sa hallway nang nakikita ang mga ibang estudyante na masayang nakikipagkuwentuhan sa mga kaibigan nila. Tumingin na lamang ako sa sahig.

They call me nerd here. Nerdy. Books addict. Nobody. Whatsoever. I didn't mind. I just go on with my life.

Pagpasok ko sa room namin ay nilabas ko agad ang headset at sinout ito. I lean on my desk as I close my eyes for a short nap.

That was my usual boring days.. pagkatapos gigising para makinig sa teacher. Makikipag-usap sa mga classmates kapag groupings and projects.

I'm already a grade 10 student. The month is June.. yeah.. kakasimula pa lang ng pasukan. I have a bff, siyempre naman, pero nasa ibang section nga lang. Kalungkot nga eh. Though.. nasanay naman ako na palaging mag-isa.

Kinabukasan, maaga akong pumasok at nagtungo sa isang kiosk upang doon palihim na magmumuni-muni. Wala pa kasing masyadong tao sa room at gusto kong dito para tanaw ko ang labas.

I wrote on my notebook.. parang diary ko na sinusulatan ko ng kung ano-ano. Katulad ngayon, papalapit sakin ang isang gwapong lalaki. I'm a bit amused of him at noong nagkatinginan kami para siyang nahiya.

I look at him as he enter on the kiosk at tahimik siyang umupo sa upuan. Medyo malayo sa tabi ko.

Napatingin ulit ako sa notebook ko.. at pinagpatuloy ko ang pagsulat ng

..umupo sa upuan.

La lang. Trip ko lang magsulat ng kung ano-ano. Sinarado ko ang notebook at napalumbaba na lamang habang tinitingnan ang mga estudyanteng naglalakad.

Narinig kong tumikhim ang lalaki. Kami lang kasi dalawa dito sa kiosk. I didn't mind him and continue looking at the sorroundings.

"Ah, miss.."

Nilingon ko ang lalaki na tinawag yata ako.

"Huh?" tanong ko.

Ngumiti siya sakin.

"Alam mo ba kung nasaan ang building ng grade 10? Nalilito kasi ako kung saan eh. Transferee ako dito kaya hindi ko pa alam." saad niya. Agad akong umayos ng upo.

So, transferee pala siya dito?? Grade 10 rin siya??

"Ah, oo. Grade 10 din ako."

"Talaga?! Buti naman pala.." ngumiti ulit siya. "Pweding sumama na lang ako sayu pag pupunta ka roon."

"Ah, oo naman." kinuha ko ang bag ko.

Papasok na lang ako sa room para naman masamahan ko rin siya sa building namin. Ang hirap kaya kapag transferee. Anong section kaya siya??

"Aalis ka na ba?"

"Oo. Tara, sabay tayu." saad ko.

"Sige." aniya at tumayo na rin.

Lumabas kami sa kiosk at nagsimula ng maglakad.

"Ah, anong section ka pala?" tanong niya na nasa tabi ko.

"Section Harmony ako. Ikaw?" tanong ko rin.

"Talaga?!" tila gulat siya. "Pareho pala tayu eh. Section Harmony rin ako."

Wooohh. So magiging classmate ko pala siya?

Yumuko ako at may naisip na kapag sa aming section siya, siya na ang magiging pinakagwapo. Totoo, ang gwapo niya sobra. Para nga siyang artista eh, medyo nahihiya nga ako na makasabayan siya ngayon. Pinagtitinginan rin kami ng ilang estudyante.

"Ganun ba!"

"Akalain mo nga naman. Ako pala si Rooks, ikaw?" pakilala niya.

Ngumiti ako sa kaniya sabay tingin sa kamay niyang nakalahad. Napansin ko lang na parang wala lang sa kaniya na makasabayan ang katulad kong... nerd.

"Ah ako si Miña." medyo nahihiya kong sagot sabay tanggap sa kamay niya. Nakipagkamayan kami.

He's wearing blue jeans and checkered t-shirt with a black shoes. His hair is clean cut. Mestizo siya, sakto lang ang pangangatawan at matangkad rin. Parang nangungusap ang mga mata niya, matangos ang ilong at mapupulang labi.

"Ah, bakit ngayon ka lang pumasok sa eskwela?" takang tanong ko pagkatapos ng pakikipagkamayan namin.

"Medyo.. nahirapan sa pagkuha sa card ko eh. Pero ayos lang naman 'to." sagot niya.

Bakit naman siya nahirapan??

"Saan ka ba dating nag-aaral?" tanong ko.

"** University."

Ah.. sa ibang lungsod yun eh.

"Medyo.. kinakabahan ako rito.." sabay tingin niya sa boung eskwelahan.

Hinayaan ko na lang siya sa mga komento niya hanggang sa nakarating kami sa room namin. Ang Section Harmony.

"Woohhhh.." tila mangha niyang saad nang nasa pintuan na kami. Napatingin ako sa loob na kunti pa ang tao.

Sunod siyang pumasok sa loob at nakita ko ang pagtataka at mangha sa mukha ng aking mga classmates.

"Sino yan, Miña?" tanong ni Alexia sakin, ang class mayor namin.

"Hai. Ako pala si Rooks. Transferee rito." si Rooks na ang nagsalita.

Sabay sabay silang nagulat ng iba ko pang classmate at malaki ang ngisi sa labi.

"Ah transferee ka pala.."

Marami pa silang sinabi or tanong rito habang ako ay dahan dahan na nagtungo sa upuan ko na nasa kanang side na row at malapit sa hulihan.

Our room is painted yellow. The black board is now clean. Also nakita ko rin ang mga kaklaseng naglilinis sa mga bintana at sahig. Cleaners sila ng room ngayon. Ang grupo namin sa biyernes pa.

Dinumog si Rooks ng mga classmates ko sapagkat nakiki-usyuso sila sa kaniya. Narinig ko pang tumili si Bea, ang classmate naming madaldal. Mukhang masaya sila sa bago naming classmate. Pumili ng upuan si Rooks malapit sa bintana na hulihan.

Lumipas ang mga minuto at mas dumami na ang mga pumasok rito sa room at namangha nang makita si Rooks. Ang daming lumapit sa kaniya at masaya niya namang kinausap sila. Nagflag ceremony at hanggang sa dumating na ang aming adviser, first teacher sa umagang iyon.

Ipinakilala si Rooks sa harap at doon ko nalaman ang whole name niya.. Rooks Martus.. 16 years old.

The Boy I Can't ForgetWhere stories live. Discover now