Nasa mall ako habang hinihintay si Abe. Lingo ngayon at kakatapos lang namin ng parents ko na magsimba. Dumiretsu ako rito sa mall kasi may bibilhin akong ilang school supplies para sa group presentation namin bukas.Natext ni Abe na pupunta rin siya ng mall upang mamasyal kasama ko, galing rin siya sa pagsimba with her family too.
Nakasandal ako sa glass railing ng second floor at tinitingnan ang mga tao sa baba. Ang tagal naman ni Abe. I sighed then turn around. I played my white shoes. Nakablue jeans ako with a white fit t-shirt.
"Miña?"
Nagulat ako at inangat ang tingin upang makumpirma kung sino ito.
Rooks???
"Ah.. Rooks??"
Ngumiti siya.
"Nandito ka rin pala." he tsked at napakamot sa ulo. "May bibilhin ka?"
"Ah.. oo.. yung about sa presentation natin sa English." sagot ko.
"Ah, oo nga pala."
Sinuklian ko ang ngiti niya. He's wearing white t-shirt too, black jeans and blue white shoes. It's been week magmula ng maging kaklase namin siya. He's cool and playful. Ang bilis rin niyang naging paksa sa mga kuwentuhan ng girls. Naging sikat siya sa school lalo na nang makitang magkasama sila ni Gretchen.
"Ikaw?" tanong ko naman.
"Mmm.. namasyal lang."
Namasyal lang ba talaga? Bakit parang play safe ang sagot??
"Ah, ganun ba."
"Oo. Bakit ka nandito? Diba dapat nasa school supplies ka na ngayon." aniya.
"Ah.. hinihintay ko lang ang bestfriend ko."
"Bestfriend? Sino??"
Oh nga pala at palagi akong mag-isa sa room kaya siguro nagtataka siya na may bestfriend pala ako. Duhh. Alangan namang walaa.
"Ah, si Abegail, hindi mo kilala kasi nasa ibang section siya." sagot ko.
Tumango na lamang siya. Saglit kaming nagkatinginan at ako ang unang umiwas ng tingin. Medyo.. nakakailang.
"Gusto mong bumili muna ng ice cream habang hinihintay natin kaibigan mo?"
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Anu raww??
"Huh? H-hindi na. May bibilhin ka ba.."
Medyo nailang talaga ako sa malalim niyang titig. Yung para bang binabasa niya ako?
"Namamasyal lang naman ako pero mas gusto kong may kasama. Tara na." yakag niya sakin sabay tanaw namin sa ice cream parlor sa kabilang side kung saan pinipilihan ng mga ilang bata.
Oh my, is this true?
Wala na akong nagawa, alangan namang tanggihan ko siya. Tsaka gusto ko ngang kumain ng ice cream.
He smiled at me as we are walking now. Agad kong idinerekta ang tingin sa baba.
"Err.. okay lang ba sayu? Baka pala ayaw mo?"
"Huh.. hindi naman. Gusto ko ring kumain ng ice cream." I replied.
"Chocolate ba flavor mo??"
"Mmm.. oo."
"Pareho tayu." tumango ulit siya.
Nag-iwas ako ng tingin at napahalukipkip. He suddenly chuckle.
Luhh??
Nagtatanong ko siyang tiningnan.
"Friends na tayu ngayon right?" tila maamong saad niya.