Pagkagabihan naisipan kong isearch si Rooks sa fb. Minsan lang ako mag-open ng account, inactive ako. Ngayon, maaactive yata ako dahil sa Rooks na yun.
I mean, wella.. this is just nothing. I just want to search him.
Tumpak nga ang full name niya. Tumikhim ako ng makita ang gwapo niyang litrato.
"Single pala siya?" bulong bulong ko nang makita ang status niya.
I scroll it down at napasinghap ng makita ang bagong post pa lang ni Rooks, silang dalawa ni Gretchen! Ngayon pa 'to ah, kasi ito yung sout niyang damit kanina sa mall. Tapos mukhang nasa mall rin sila dito. Aba!!
Tapos may isang post pa na tinag siya ni Gretchen.
'Happy to be with you.' yan ang caption tapos may heart heart na emoji.
Halaa?! Hindi kaya sila??
Ang daming reacts at comments. Kadalasan sa mga nagcomment ay friend ni Gretchen, tapos ibang classmate ko rin na malapit na kay Rooks.
Geez. Sila pala??
Binasa ko ang mga comments na iyon ang tanong pero ang sagot ni Rooks ay hindi raw sila. Grabe, eh ba't sila sweet??
Hindi kaya nagpunta talaga si Rooks sa mall kanina kasi magkikita pala sila nip Gretchen? Ang sabi niya lang mamasyal.
Pero grabe naman! Kung hindi sila was, 0magjowa, edi anu?? Hayyy. Nakakaintriga.
Bagay naman sila eh kaya okay na okay kung magiging sila. Kaya lang ang bago bago lang ni Rooks sa school namin tapos may ganito na.
Bumalik ako sa newsfeed ko at nakita ko roon ang post ni Bea.
'Flirt talaga!'
Pfft. Binasa ko ang comments at nakitang binanggit ang pangalan ni Gretchen doon. Haha grabe talaga 'to si Bea.
Kalaunang pagffb ay napagpasiyahan ko ng matulog. Maaga pa akong gigising bukas eh kasi pasok na naman.
Naglakad ang adviser naming si Mrs. Lipa sa gilid, napa-angat ang tingin niya sa illustration ng mga cleaners by groups.
"Rooks Anderson, diba wala ka pang assign group sa paglilinis?"
Napahinto si Rooks sa sinusulat at napatingin kay maam.
"Ah opo maam. Wala pa." sagot niya.
"Ok. Mmm.." mukhang nag-isip si maam.
Binalik ko ulit ang tingin sa activity sheet ko. Kakaisip ko ng sagot napapatingin na lamang ako sa bubong eh, medyo mahirap kasi ang test ngayon.
"Sa group 5 ka, kina Miña."
What??
Napatingin ulit ako kay maam Lipa na nakatingin sakin, ako kasi ang leader sa group namin eh.
"Miña, sa grupo mo na si Rooks ah. Biyernes maglilinis dito sa room ang gruop 5 diba??" ani ni maam.
"Okay maam." sagot ni Rooks at nagkatinginan kami. Umiwas na lamang ako ng tingin at ibinalik sa mga papel.
"Tandaan niyu na ang hindi tumutulong sa paglilinis sa inyung grupo ay ililista ng leader para sa fines ah. Kaya dapat gawin niyu assign area niyu kung ayaw niyung magkaroon ng maraming bayaring fines sa katapusan ng quarter." turan ni maam Lipa.
Yeah, maam. I know.
Hindi sinasadyang nagawi ang tingin ko kay Rooks at nakita ko siyang nakatingin sakin. Nag-iwas ako ng tingin at ganun rin siya.
Demmnn.. naalala ko na naman yung nangyari sa amin kahapon. Hay naku.
Friends naman kami eh! Yehh friends kami!!