Prologue

16.5K 85 2
                                    

HI ! THIS IS MY FIRST STORY! HOPE YOU LIKE IT! 💗

I'M NOT A PERFECT WRITER SO EXPECT THAT IT WILL HAVE A GRAMMATICAL ERROR AND TYPOS. ^_^
ENJOY READING!

HER POV

MONTH OF MARCH

NAKAKALIYONG usok ng sigarilyo at ilaw, nakakabinging tugtog at samo't saring hiyawan ng mga tao ang unang bumungad sa amin nang makapasok kami sa isang sikat na bar.

" Kiesha! Dun tayo oh! " sabi sa akin ng bestfriend ko at tinuro ang bakanteng upuan doon sa dulo.

Hindi pa man ako nakakasagot ay hinila nako ng bestfriend ko papunta doon sa dulong may bakanteng upuan.

Pagdating namin doon ay saktong sakto sa amin ang upuan dahil by two lang ang upuan na nahanap ni Sheena.

Dalawa lang naman kaming nagcecelebrate. Mga KJ kasi ang mga kaklase namin tsk.

Bagong graduate kami ng senior high at heto kami, nagcecelebrate pero dahil KJ ang mga kaklase namin, kami lang nang bestfriend ko ang nagcecelebrate.

" Kiesha! Anong gusto mong iorder?" tanong sa akin ni Sheena na halos pasigaw na dahil sa lakas nang tugtog.

" Kahit ano " nabobored kong sagot. Panong hindi ako mabobored, kami lang dalawa dito.

" Waiter! " sigaw ni Sheena at itinaas pa ang kaliwang kamay.

Nang mapansin nang waiter ang pagtawag ni Sheena ay lumakad ito papalapit sa amin.

" What's your order maa'm? " " bungad kaagad sa amin nang waiter pagkalapit sa amin.

" 2 bottles of vodka pleas------- "

" Bakit dalawa lang? Gawin mo nang anim! Para tig tatlo tayo! " angal ko sa oorderin nya dahilan para maputol ang sinasabi nya.

Natatawang napalingon sya akin at umiling atsaka ulit bumaling sa waiter.

" 6 bottle of vodka na "  sabi nya sa waiter.

" Are you sure maa'm? Madami---- " naputol ang sasabihin ng waiter sa biglaang pagsingit ko.

" Don't worry. We can take care of ourselves. " sabi ko sa waiter na ikinatango nya at umalis.

" Finally! We graduated! " natutuwang sabi ni Sheena. Napatawa nalang ako sa inasta nya. Maski ako ay natutuwa dahil naka graduate na kami.

" Excited na ko magcollege! " parang may kiti kiti sa katawan ni Sheena dahil sa kalikutan nito.

" Maski ako " pag sangayon ko sa kanya habang nakangiti. Totoo naman na excited narin ako magcollege dahil sabi ng iba, mahirap pero exciting. Kaya lalo akong naeexcite dahil mahilig ako sa thrills.

" Here's your order maa'm " gulat kaming napalingon sa waiter dala dala ang 6 bottles of vodka namin.

Hindi na pala namin napansin ang pagdating ng waiter dahil sa kadaldalan naming dalawa.

" Thank you " tanging sambit namin nang mailapag nang waiter ang order namin.

Pagkaalis ng waiter ay sinimulan na namin buksan at inumin ang alak na inorder namin.

Walang problema sa amin ang paginom nang madaming alak dahil mataas naman ang tolerance namin.

***

" Kiesha! Tawra shayaw tasyo! " lasing na sabi ni Sheena. Nakatig limang bote na kami nang vodka at si sheena ay tinamaan na nang alak.

One Night Stand With My ProfessorWhere stories live. Discover now