Chapter 2

8.4K 89 11
                                    

KIESHA'S POV

   Hindi ko alam kung bakit biglang bumilis ng tibok ng puso ko. Siguro dahil lang sa pagkagulat ko.

Oo tama, sa gulat nga.

" Class, today is your first day. So you know what to do. Express yourselves." walang emosyong sabi ni Sir----------- habang nakatitig parin sakin.

Parang pamilyar ang boses nya sakin. Parang nakita ko na sya somewhere, hindi ko lang matandaan.

" But before that-----" iniiwas nya na ang tingin nya sakin at tumingin na sya sa buong classroom atsaka  pinagpatuloy ang pagsasalita.

" Magpapakilala muna ko. I am Zayn Merch. Your science teacher also your adviser. " pagpapatuloy na nya na ikanaingay ng mga babae at bakla sa classroom.

" WAHHH ANG SWERTE NATIN GILRSS!! "

" AKALAIN NYO YUN? ADVISER NATIN SI FAFA ZAYNN! "

" WAHHHHH! "

At andami pang sigawan nila na nakakabingi sa tenga. Yung si sir Zayn naman ay nakatingin lang sila sa kanila ng malamig.

Nakakairita na ang mga sigawan nila dahil masakit sila sa tenga kaya padabog akong tumayo at hinampas nang malakas ang desk ko na ikinatahimik nang lahat.

" HOY! RUMESPETO NAMAN KAYO SA TEACHER NA TINITILIIAN NYO! ABA KUNG MAKATILI KAYO AKALA NYO KAKLASE NYO LANG ANG TINITILIIAN NYO! ANG SAKIT NYO SA TENGA ALAM NYO BA YUN? TUMAHIMIK HIMIK KAYI DYAN KUNG AYAW NYO MATIKMAN ANG KIESHA'S ANGER! " sigaw ko sa kanila habang hinahabol ang hininga ko.

Ikaw ba naman ang sumigaw ng ganoong kahaba? Ewan ko lang kung hindi hingalin.

Saglit akong tumingin sa teacher namin a nasa harapan at pansin kong nakangisi na sya habang nakatingin sakin.

Inirapan ko sya dahil wala akong panahon sa mga gwapong gaya nya. Dahil ang alam ko sa gwapo, MANLOLOKO!

Tumingin ulit ako sa klase na ganoon parin ang mga reaksyon sa mukha nila. Mga hindi maipaliwanag.

" AT KAYO. WAG KAYONG TITILI TILI KUNG ANG TITILIAN NYO LANG DIN EH PANGET! " dugtong kopa at saka umupo.

Napatingin ulit ako sa teacher na nasa harapan at pansin kong nawala na ang ngisi nya.

Tsk. I don't care.

Ilang segundo lang ang lumipas ay nagsitawanan ang mga kaklase ko. Nagtatakang tinignan ko sila kung bakit sila tumatawa at finlashback sa isip ko ang sinabi ko kanina.

Agad akong pinamulahan ng mukha nang mapagtanto ang sinabi ko kanina. Sabi na nga ba. Walang preno talaga ang bunganga ko pag naiinis. Kung ano ano nalang talaga ang mga sinasabi ko basta mailabas ko ang inis ko.

Bwiset! Bakit yun pa ang nasabi ko. Panget? Panget? Hindi ko alam kung bakit ko nasabi yun!

Lagot na!

Pano pag pinatawag nya ko sa guidance? Nakoooi. First day na first day may kagagagahan na naman akong ginawa.

Agad naman akong napayuko dahil sa kahihiyang nagawa ko kanina.

" Class! Let's start. And Miss whoever you are, after class. Come to my office. " malamig na sabi nya sakin.

Agad akong kinabahan sa tono ng boses nya. Paktay... nagalit ko ata.

Yang bibig mo kasi keisha! Itahimik mo nalang minsan!

" Sir! Last question. You said, your office? So, hindi kayo magstestay rito? " maarteng tanong ng bakla.

One Night Stand With My ProfessorWhere stories live. Discover now