Kasalukuyan siyang naglalakbay sa kaniyang panaginip si Hyzelt. Nang bigla na lamang siyang napadilat saka napatitig sa kisame, pawisan at humihingang malalim na animoy galing siya sa hindi magandang pangyayari.
Nang mahismasan ay agad na kumunot ang noo saka sinuri ang kisameng napakarumi. Maraming sapot ng gagamba, may mga butas at maraming mantsang kulay tsokolate. Napaupo agad nang mapagtantong nasa ibang lugar pala siya ngunit bago makaupo ay napahawak sa kaniyang ulo nang makaramdam ng pananakit. Dahil doon ay naalala niya ang aksidenteng nangyari bago siya nawalan ng malay kaya inilibot ang paningin at napanganga sa nakikita.
Kanino at bakit ang kalat ng kuwarto? Mukhang hinahaluglog ito ng isang magnanakaw o parang dinaanan ng bagyo. Natigil ang kaniyang paningin sa isang mesa na mayroong ilang piraso ng puting tela. Dahan-dahan siyang bumaba sa kama dahil pakiramdam niya ay namamanhid at sobrang nanghihina ang kaniyang katawan pero iwinakli iyon sa kaniyang isipan. Lumapit siya rito habang iniiwasan ang kalat, may mga bote ng iba't-ibang uri ng mga brand ng alak, mga balat ng chitchirya, at mga kahon ng sigarilyo na iisa lamang ang tatak: Fortense Green.
"Bandages?" takang tanong habang sinusuri ang mga benda saka may betadine at mga bulak na may bahid ng dugo. Naisip na baka nasugatan ang taong may-ari ng kuwarto. Muling inilibot ang paningin ay laking gulat nang makita ang isang bra sa sahig, agad siyang napatakbo at pinulot saka niyakap para walang makakita pero nagtaka siya. Papaano niya nagawang tumakbo? Samantalang kanina ay hinang-hina, kaya tumalon-talon siya para makasigurado.
"Pa-paano?" kunot noong tanong nang walang naramdamang kahit ano. Napatingin siya sa kaniyang katawan at laking pagtataka sa nakita.
"Te-teka... bakit naka-leather jacket ako?" Walang maalalang bumili siya ng ganitong kasuotan, tinignan niya ang buong katawan, nakasuot siya ng itim na croptop, ripped jeans at sapatos. Ngayon lamang siya nakasuot nito at purong itim pa, hindi niya malaman paano niya ito suot dahil ang huling naalala ay nakasuot siya ng dress. Napataas ang isang kilay nang mapansin ang kaliwang kamay na nakabenda. Dahil sa kuriyosidad ay tinanggal ang benda—tumambad sa kaniya ang maraming peklat at sariwang sugat na malapit ng gumaling sa kaniyang kamao.
"Ano?" Hindi makapaniwalang tanong saka tinignan ang isa pang kamao, may peklat din pero walang sariwang sugat. Hindi niya malaman kung anong dahilan ng pagkakaroon niya nito at kung saan nakuha ang mga ito. Akmang aalis na siya nang maisipan niya linisin ang kuwarto, pasasalamat sa may-ari ng kuwarto dahil hinayaan siyang matulog doon kahit na napapatanong pa rin kung papaano siya napunta rito. Humanap ng plastic bag para ilagay lahat ng kalat doon at hindi naman siya nabigo.
Ilang minuto siyang naglinis ay natapos niya ang paglilinis, napangiti siya nang makitang luminis ang paligid, nakatulong sa kaniya ang isang walis na nakita, hindi niya pinakialaman ang aparador at banyo dahil masyadong pribado iyon. May nakita siyang bintana na may babasaging jalousie sa itaas ng headboard ng kamang hinigaan, ngayon niya lamang ito napansin. Lumapit siya rito saka binuksan ngunit nahirapan dahil sa katagalan na itong hindi ginagalaw ay nagawa niya pa ring buksan ito saka sumilip."Gabi na pala," sambit niya matapos sumalubong sa kaniya ang malamig na hangin. Nakikita niyang malapitan ang mga tao dahil hindi naman ganoon kataas ang lugar na kinalalagyan. Napansing tila aktibo ang mga ito dahil may mga nagsusugal sa isang banda, mga nagiinuman habang nagka-karaoke, may mga naglalaro din ng basketball at may suntukan sa pinakadulo.
"Parang eskwater... nasaan ba talaga ako?" takang tanong niya saka naisipang lumabas. Natigilan siya nang makitang sobrang ayos ng sala hindi katulad ng kuwartong pinaggalingan niya. Hindi naman ito malaki, hindi rin maliit. May flat screen tv katapat ang sopang dilaw tapos sa likod nito ang isang bintana, may dining area na hindi kalakihan, maliit ang mesa na may apat na upuan at katapat noon ang isang bintana.
"Good morning motherfucker." Bungad ng isang dalagang nagngangalang Rizalyn kay Hyzelt, may hawak itong dalawang plato na naglalalaman ng pagkain. Dahil sa biglaang pagbati nito—kung pagbati nga ba iyon ay muntikan siyang mapatalon at saka mabilis na napalingon sa taong nagsalita. "Sino ka?"
Sa isip niya ay pinuri na niya ang dalaga dahil sa simpleng pananamit at kagandahan ngunit tinubuan siya ng kaunting inis dahil sa pagmumura nito. Naka-shorts saka malaking t-shirt lamang ito at mukhang ka-edad lamang niya. Ilang segundo ang lumipas ngunit hindi siya sinagot ng dalaga at nakatingin lang sa kaniya na parang sinusuri siya. Akmang magsasalita siya nang magsalita ito.
"You looked shit," natatawang saad nito na naka-paglukot ng kaniyang noo. In-adjust na lamang niya ang kaniyang sarili sa pagmumura nito.
"Sino ka po ba? Puwede mo po bang sabihin kung nasaan ako?" Kahit medyo naiinis ay nag-po siya na baka kasi mas matanda at magalit dahil hindi niya ito ginagalang. Hindi nagsalita ang dalaga at itinuloy ang kaniyang dapat na gagawin. Pinanuod lamang siya ni Hyzelt sa ginagawa at doon niya napansin ang mga dala nito.
"Oh? You speak tagalog? Anyway, let's eat." Natinag siya nang ayain siya nito pero hindi niya magawang maka-galaw sa kinatatayuan.
"You shit, what are you doing? You looked fucking confused. Is that the fucking result of first time losing to a guy?" Hindi maintindihan ni Rizalyn kung bakit para kakaiba yata ang kakilala. Nginitian niya ito at laking gulat nang ngitian siya ng pabalik.
"Oh fuck, you smiled!" bulalas niya na parang hindi makapaniwala sa nakita.
"Ha?" takang tanong ni Hyzelt.
"And became a shitty witted too," dagdag pa ni Rizalyn ngunit hindi na niya iyon narinig kaya napakamot na lamang siya ng ulo. "Hey, when you think you're going to eat? Let's eat, I'm fucking hungry."
"Okay lang, hi-hindi naman ak--" natigil siya sa pagsasalita nang kumulo ng malakas ang kaniyang t'yan. Nahihiya niyang nilingon ang babae.
"Hahaha, the fuck? Just go here!" Napangiti siya saka lumakad at umupo sa katapat nito. Napatitig siya sa pagkain at namangha na parang ngayon lamang nakakita ng ganitong putahe. Lingid sa kaniyang kaalaman ay nanunuod sa kaniya si Rizalyn ng may pagtataka sa mukha, hindi niya maintindihan ang ikinikilos ng kasama kaya napatanong siya, "You're fucking weird. Let me ask you."
Nawala ang paningin ni Hyzelt sa pagkain at napunta sa dalaga.
"You're not Riald right?" Naguluhan siya sa tanong nito kaya napatanong din siya, "Anong hindi po ako si Riyald? Sino ho ba si Riyald?"
Itinagilid ang ulo saka napataas siya ng isang kilay tapos ay nanlalaki din ang mga mata sa gulat. "Shit! Don't tell me. You don't know fucking who you are?!"
"Hi-hindi?" Wala sa sariling sagot ni Hyzelt saka binawi ito, "I-i mean. Kilala ko ang sarili ko."
"Then you know Riald?" Pabalik na tanong ng dalaga. Umiling lamang siya kaya nagsimula itong maguluhan, pati rin naman siya ay naguguluhan na.
"M-my name is Hyzelt," nagaalangang pakilala niya. Napapikit na lamang ang dalaga at pagkadilat ay tumawa ito na parang may napagtanto. "Hyzelt? Oh fuck hahaha, what the heck is happening? Na-knocked out ka lang kay Barton kagabi, nagkaganyan kana."
"Teka... hindi ka po naniniwala sa 'kin? Saka na-knocked out? Kanino? Baka hindi ako 'yon. Hindi pa po ako nakikipagsuntukan kahit kanino. Saka hindi ko po talaga alam kung papaano ako nakarating dito at ngayon lang po kita nakita," inosenteng paliwanag niya pero tumawa lamang ito nang mas malakas. Hindi na maipinta ang mukha ni Hyzelt dahil hindi niya alam kung maiinis siya o ano, e sa hindi naman siya nakikipagbiruan. Natigil ang dalaga nang mapansin na parang naiinis na ang kaharap kaya umayos siya ng upo saka tumikhim.
"I know, you fucking acted different today. But shit, I don't believe you! I guessed you're in fucking drugs," sabi nito at nagsimula ng kumain.
Napatayo agad siya habang nanlalaki ang mga mata. "Drugs? Never pa ho akong nag-drugs! Ni-hindi pa nga po ako nakakakita no'n e!" protesta agad niya at tila natauhan ang dalaga kaya bumuntong hininga na lamang ito.
"Fuuck, I think you need to rest. Just eat your food because we're going to MG later," sabi nito. Pagtapos ay wala ng nagsalita sa kanila dahil ang awkward ng atmosphere.
Nang natapos na silang kumain ay si Hyzelt na ang nagpresinta dahil nakakahiya kay ano, hindi alam ang pangalan ng dalaga. Nagawa niyang magtanong sa dalaga kung saan siya maaaring magbihis, sagot nito ay sa kuwarto niya raw saka itinuro ang kuwartong pinanggalingan niya, magtatanong pa sana siya ngunit sinaraduhan lamang siya ng pinto kaya wala na siyang nagawa at pumunta sa lababo habang nagiisip.
"Nasaan ba talaga ako? Dapat masakit ang katawan ko o nasa hospital ako ngayon, hindi ko maintindihan. Hindi kaya nag-time travel o baka... nasa ibang katawan ako?"

BINABASA MO ANG
Someone's Trouble (1) [HIATUS]
Action"Aaaa!" tarantang tili ni Hyzelt habang nagtatakbo. Ngising-ngisi ang lalaking malaki ang katawan, mahaba ang buhok at balbas habang hinahabol siya. Hindi niya alam ang gagawin kaya na-blangko na lamang siya nang makitang malapit nang makaratin...