ST 3: Fighter's Instinct

7 1 0
                                    

    Naguguluhan si Hyzelt, hindi malaman kung anong gagawin. Hindi niya nais lumaban ng pisikal o makapanakit ng kapwa. Natatakot siya, lalo na sa sinabi ni Rizalyn bago isara ang gate. Lumakas lalo ang mga hiyawan nang lumabas siya. Hindi makaalis sa puwesto niya, parang napako na sa kaniyang kinatatayuan. Lalo siyang natakot nang masilayan ang makakalaban mula sa kabilang gate na gawa sa bakal, katulad ng pinanggalingan niya kanina. Lumakas pa lalo ang mga sigawan ng tumapak ang mga paa nito sa sahig, tila mabibingi na siya at wala siyang ibang naririnig kung hindi ang isang matinis na tunog.

    Napakalaking lalaki, mahaba ang balbas at buhok nito na hanggang balikat, tila namang puputok ang mga ugat nito sa braso dahil sa sobrang page-ehersisyo at may seryoso itong mukha ngunit bakas sa kaniya ang kakaunting takot nang makaharap si Hyzelt.

    "Fight!"

    Hindi na niya alam ang gagawin nang marinig iyon, nagsimula ng lumapit ang kalaban kaya napapaatras na siya, "K-kuya puwede naman po itong p-pagusapan hindi ba?"

    Nilingon niya si Rizalyn para humingi ng tulong ngunit tinignan lamang siya nito. Napangisi ang lalaki dahil sa nakitang takot sa asta nito kaya lalong lumalakas ang loob saka nagsimula ng sumulong ng mabilis.

    Nataranta na ang dalaga, lumingon-lingon siya sa paligid at nang malapit na sa kaniya ang lalaki ay napatili siya saka tumakbo sa kabilang banda. Napahawak sa dibdib at damang-dama ang lakas ng tibok ng puso.

    "Kailangan kong kumalma," usal niya habang nakatingin sa kaniyang mga paa. Huminga ng malalim at napailing. "Papa'no ito? Hindi pa ako nakakasuntok kahit isang beses."

    Agad na nawala ang atensyon sa iniisip nang marinig ang sigaw ng kalaban na tumatakbo para sugurin siya. Nilingon niya ulit si Rizalyn at naalala ang sinabi nito.

   
    "You'll fight or you'll die"

   
    Pumikit siya ng mariin, "Kung gusto ko ng mga kasagutan, kailangan kong labanan ang takot at ang isang ito. Lord sorry po kung makakapanakit ako pero iiwasan ko siya hanggang kaya ko."

    Nang magmulat siya ng mga mata ay nasa harapan niya na ang kalaban. Walang anu-ano'y nagpadausdos siya sa pagitan ng mga paa ng lalaki saka tumayo at tumakbo ulit. Kahit gulat dahil nagawa niya kung anong inisip niya. Hindi na niya alam ang gagawin kaya napatili na lamang, lumingon siya sa kaniyang likuran at napatili ulit dahil tumatakbo nanaman ito patungo sa kaniya. Ang mga tao naman ay nagsisimula ng madismaya sa nakikita, at magtaka sa ikinikilos ng dalaga. Ibang Riald ang kanilang nakikita.

    "Kaya mo 'to Hyzelt, nagawa mong makaiwas kanina. Magagawa mo rin ulit," bulong niya. Na-blangko na lamang siya nang makitang malapit na siya sa rehas at napapikit na lamang saka inisip na matatalunan niya ito. Bumilis ang kaniyang takbo kaya nagawa niyang makatapak sa harang saka nag-back flip. Nang makalapag ay muntikan pang mawalan ng balanse.

    Ang mga tao ay nagulat sa ginawa niya at nagsisimula na ulit magkagana sa pinapanood. Si Rizalyn ay napailing na lamang sa nakita at na-realize na tama ang pagsabi ng ikakamatay niya, ang hindi paglaban. Inisip niya na niloloko lamang siya ni Hyzelt dahil nagawa nitong kumilos katulad ng ginagawa ni Riald.

    "P-pa'no?" Gulat na gulat at hinding makapaniwala niyang tanong sa sarili habang tinitignan ang kalaban na naglalagablab sa galit. Napasigaw ito. "Pumunta ka ba rito para magpatawa?"

    Agad siyang na napailing, akmang magpapaliwanag siya nang magsimulang sumugod uli ang lalaki. Masyadong mabilis ang takbo ng kalaban kaya hindi na niya nagawang tumakbo uli, wala siyang nagawa kung hindi salubungin ang suntok nito. Napapikit na lamang siya pero napadilat agad nang walang naramdamang kahit anong sakit. Laking gulat niya nang makitang nakailag pala siya sa suntok. Akmang susuntok uli ang lalaki nang inambahan niya ito ng sipa sa mukha.

    Lahat ng mga tao ay napa-wow sa gulat, kung kanina ay tila takot na takot na Riald ang nakikita nila ay mukhang bumalik na ito dahil sa bilis ng mga galaw. Hindi malaman ni Hyzelt kung papaano niya nagagawa ang mga galaw ng isang propersyonal at parang may sariling isip ang kaniyang katawan dahil sa galing nito sa pag-ilag ng atake. Kunot noo niyang sinasabayan ang mga galaw ng lalaki habang iniiwasan ang mga suntok, nadaplisan na siya sa kaliwang pisng. "Ouch!"

    Nang makakuha ng tiyansa ay agad niyang sinuntok ng napakalakas ang t'yan nito ngunit tila wala itong epekto sa kalaban kaya ang ginawa niya ay ang ulo ang pinuntirya pero bago iyon ay sinipa niya ang binti nito kaya napaluhod ito saka hinila ang buhok nito at inilagay sa likuran ng balikat niya saka hinila nang napakalakas pa ibaba. Napahiyaw nang kay lakas-lakas ang lalaki dahil mukhang mapupunit na ang kaniyang anit.

    Nang binitiwan na ni Hyzelt ang buhok ay sumama ang napakaraming buhok sa kaniyang kamay. Tinanggal niya ito at hinarap ang lalaking tila nawalan na ng lakas saka sinapak ito ng lahat ng lakas ang mayroon siya sa pisngi ng lalaki. Natumba saka napatihaya at napadura ng dugo kasama ang ilang piraso kaniyang ngipin. Nilapitan siya ni Hyzelt, akmang susuntukin niya ito nang maunahan siya ng dalaga ng suntok din. Nawalan na ng malay ang lalaki kaya tumunog na ang bell, hudyat na tapos na ang laban.

    Napakurap si Hyzelt ng ilang beses at tila natauhan siya. Labis ang naramdaman niyang panlulumo nang makita ang kalunos-lunos na kalagayan ng lalaking kaniyang ginulpi, nagsisi tuloy siya sa paggaya sa pelikulang napanood at pagkawala ng kaniyang kontrol. Lumuhod siya para malapitan ito at sinampal ng mahina para magising habang naiiyak, "K-kuya, gumising ho kayo. Sorry kuya, sorry talaga. Hindi ko sinasadya, sorry po talaga."

    "Riald! Get the fuck out there!" Napalingon siya kay Rizalyn at itinuro ang lalaki. Napabuntong-hininga na lamang siya at pinuntahan ang dalagang parang pinagsakluban ng langit.

    "Hey, stand up." Hila niya ng mahina sa jacket nito ngunit tila wala itong narinig at nakatingin lamang sa lalaki.

    "Riald! What the fuck is happening to you?" iritableng tanong niya. Wala na siya nagawa kung hindi ang hilain ito patayo na nakatulala pa rin. Dinala niya ito sa isang kuwarto kung saan sila nanatili kapag matagal pa ang kanilang laban. Pabagsak niyang inilapag ito sa couch.

    "N-nasaktan ko siya," naiiyak nitong saad na puno ng panlulumo. Sa pagkakataong ito ay totoo ng may lumalabas na luha. Sa sobrang irita ay nasampal niya ito para gumising. Talagang namakat ang kamay ni Rizalyn sa mukha ni Hyzelt dahil sa lakas. Hindi makapaniwala at sobrang nagulat siya sa ginawa ng babaeng tinuring niyang kaibigan.

    "B-bakit?" nasasaktang tanong niya, parang mapapaos na. Hindi niya malaman kung bakit iyon ginawa ng dalaga sa kaniya. Napapikit ito ng mariin sa sobrang inis at tinignan siya ng sobrang sama.

    "Stop fucking crying! The fuck! You've been doing this shit for how many years! You fucking runaway from your family and damn chose to be like this! Then you were acting like you fucking cared for everyone that you never fucking did! This isn't fucking you Riald!" Hindi na niya mapigilang sumigaw sa inis.

    "Hindi ako si Riald. Ako si Hyzelt."

Someone's Trouble (1) [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon