Spoken Poetry(ALA-ALA NA LANG)

22 3 0
                                    


"ALAALA NA LANG"

Naalala ko pa,
Naalala kopa yung huli nating pagsasama
Huling araw na nakita yung matamis mong ngiti't tawa

Ala ala nalang din yung matamis na momento na kasama ka
Yung yakap mong kay higpit
Hawak kamay na kahit hangin di na maka singit
Lahat nalang ng ito ay ala ala nalang

Gusto ko muna balikan yung malungkot at masayang nakaraan
Kahit na may kaabit na sakit sa nararamdaman
Pero di ko alam kong saan ko sisimulan
Litong lito kasi ang aking isipan

Siguro sa umpisa kong saan tayo unang nag kakilala
Hanggang sa nagmahalan tayong dalawa
Mali pala..
Ako lng pala ang nagmahal sa sating dalawa
Bakit ganon unfair ng tadhana
Sumaya lang akong saglit
Sukli naman yung tripleng sakit

Mahal naiintindihan ko naman
Kung sa una sinabi mo na
Para hindi ako nagpakatanga

Mahal kahit akoy parte na Ng nakaraan mo
Nandito ka parin sa puso ko
Salamat sa mga ala alang masasaya

Mahal kita kahit ako lng Yung nag mamahal sating dalawa
Mahal kita kahit iniwan mo Kung nakatunganga sa hangin na Hindi mlng sinagot Ang katanungan ko
"Minahal mo ba ako?"
Ngayon? na sagot na kahit Kailan Isa lng pla itong laro

Mga alaala ng kahapon
Masarap ibalik na basta mo nalang itinapon,
Tiniis ko lahat ng sakit
At nilunok ko lahat ng pait,
Ngumingiti kahit pilit
Maitago lang ang sakit na iyong dulot,
Mahal, sabi mo tayo hanggang dulo
Pero umpisa palang bigo nako,
Mga pangako mo na napako
Hindi ko alam kung bat umasa pako,
Pinipilit kitang kalimutan
Kahit mahirap kang palitan,
Pero salamat at dumating ka sa buhay ko
Nang dahil sayo ako'y natuto,
Na walang permanente sa mundo
Lahat nagbabago,
Na lahat ng bagay may katapusan
Lahat ng bagay may hangganan,
Pero heto parin ako patuloy na umaasa
Kahit alam kong umpisa palang wala ng pag-asa,
Pero mahal, salamat sa pagpapasaya
Kahit ito'y pansamantala,
Pero hanggang kailan ako aasa sayo?
Kung parte nako ng nakaraan mo,
Siguro, hanggang dito nalang
Panahon na para tuluyan ka ng kalimutan.

SPOKEN POETRY(Depresseion)Where stories live. Discover now