CHAPTER 6

1 0 0
                                    

---Maril Blithe Diaz---

It feels kind of weird to not have your best friend with you. It's weird that she hates you. You start to think if you could bring back the old times. 'Cause I'm doubting that so much already. But another thing that has been on my mind lately, was the fact that Cammie broke up with Ian.

Akala ko ba ay head over heels siya kay Ian, ehh ba't ganon? Hindi na nga ako nagkwento sa kaniya tungkol sa attraction na nararamdaman ko para kay Ian, dahil alam kong masasaktan siya. So I gave way. Hindi naman big deal iyon sa akin. I respect girl code. At oo, I liked Ian first but that doesn't mean that he's mine.

Mag-iisang buwan na nang simula akong iwasan ni Cammie at nalulungkot talaga ako sa nangyari. Just one misunderstanding and I lost my best friend. Akala niya ay inaagaw ko si Ian sa kaniya kahit hindi naman, sino ba ako para gawin iyon? But the big question is, was Ian really serious about her?

Knowing his attitude, schemes, and his entire character changes the game. You'll really lose if he's the one you're playing with. He's the kind of guy who can win your heart easily but is very hard to trust. Yes, si Cammie ang nag-iisang babae na tinagalan niya. She's the first whom Ian lasted for three months.

***************

Sa ngayon, nilalagpasan niya lang ako palagi at hindi pinapansin na parang hindi ako nage-exist. Wala rin akong kausap. Kaya si Rian ang kasama ko lagi since he's also a best friend of mine. Kung kailan ga-graduate kami doon pa mawawala si Cammie sa tabi ko. This year is the last, 4th year. Akala ko ba ay kasama kaming ga-graduate? Maybe we're graduating on the same time and day, but we're not together.

Cammie wanted to transfer schools, maybe a year ago. But I think Ian was the reason why she stayed. We're going to part ways by the end of this year. Hindi na kami magkakaayos? A lot of questions are running around my mind right now, and there's no answer to each of it.

This month, there's a show--a school show. And muses and escorts are included, more like a pageant competition. Guess what? Pinili ako ng mga nakakaloka kong kaklase na maging muse. If there's money included, no, hindi ako papayag. But since it's a contest between looks, talents, and brains, so I gladly took the opportunity.

Pero may nag-iisang problema ako. Cammie is representing the other section. From sections A-C, ako yung sa A at si Cammie yung sa B, that's the only thing I'm worried about.

Nandito ako ngayon sa isang shop kasama si Rian para pumili ng gown.

"We're gonna go for blue, right?" Tanong ko sa kanya.

Napagkasunduan kasi namin na mag-match yung kasuotan naming dalawa. Yes, siya yung pinili na maging escort ng section namin.

"Yeah." Simpleng sagot nito sakin habang ako naman ay abala sa pagpipili ng gown.

I don't want it to have sleeves and hindi ko gusto na bare-back ito. I want it to be pastel blue with a ballgown skirt.

Nakapili na si Rian ng susuotin niya at navy blue naman iyon. I've tried three blue gowns already at hindi nagustuhan ni Rian yung lahat na sinubukan ko hay nako, arte nito.

"Eh ano ba kasi gusto mo?!" Naiinis kong tanong.

"This one." Sabi niya at ipinabigay sakin yung kita kong hawak hawak ng saleslady kanina.

It looked cute though...turtle neck, starry type, at parang faded galaxy ito.

"Why?" Napatanong ako.

"I just like it." Simpleng sagot niya.

"Tsk. Fine."

I tried the gown and luckily, it was just my size. It was surprisingly nice, actually, it was beautiful and comfy. Lumabas ako ng fitting room at pinakita kay Rian. I just glared at him habang ngumingisi ito sa akin.

"I admit, it's cute." Sabi ko at umirap.

"Told you." Ngumisi siya.

"Whatever Rian."

Maya-maya ay nakauwi na kami kasama ang mga kasuotan namin dahil sa Friday na yung contest. Hinatid ako ni Rian sa bahay at niyaya siya ni Mama na doon na kumain. Mukhang maganda yung mood ng ina ko ngayon at ang lokong si Rian naman ay pumayag rin. Sus.

"Salamat Rian sa pagsama kay Blithe ngayon." Ngumiti si mama kay Rian.

"No problem tita." He smiled back and proceeded to eat his food habang ako ay tahimik lang na kumakain.

"Tahimik mo ata ngayon ah?" Tanong sakin ni Rian, magkatabi kami ng upuan.

"Wala lang, di ba pwede?"

"Nagsabi ba akong hindi?" Ngumisi siya.

"Tsk." Ewan ko ba't ang tahimik ko ngayon, I think I'm just tired that's all.

"Hay nako kayong mga bata, hindi talaga kayo nagbabago ano?" Napangiti si mama at mahina namang napatawa si Rian.

"Ay ma, asan si Papa?" Pag-iiba ko ng usapan.

"Syempre nasa trabaho..." Sagot naman nito.

Maya-maya ay natapos na kaming kumain at nag-stay muna si Rian dito sa bahay dahil wala akong kasama. Lumabas pa si mama, may bibilhin daw. Nandito kami ngayon nakaupo sa sofa naka harap sa tv at nanonood ng movie.

"Hoy, wala ka bang balak umuwi?" Tanong ko.

"It's only 7pm." Simpleng sagot nito.

"Eh gabi na yan."

"Pumupunta ka nga sa bahay ng 9pm at tumatambay pa dun eh."

"Tsk." Okay, I lose. I'd never win in an argument with Rian.

Awhile later naramdaman kong unti-unti akong inaantok.

"Blithe?" I heard someone say.

Napadilat ako ng mga mata ko at bumungad sa akin ang itsura ng lokong si Rian. Nakatulog ako? Kailan lang?

"Uuwi na ako." Sabi nito.

I stared back at him for a moment until I realized I was lying on his lap. I instantly got up.

"Y-yeah sure..." I don't know why but I avoided eye contact.

Hindi ko alam kung ano ang nangyari, pero kanina lang, there was something in his eyes that I just can't read.



•••

THANK YOU SO MUCH FOR READING!

DON'T FORGET TO VOTE!

It means a lot to an aspiring author like me<3

Codes of the HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon