😺BAWAT KARAKTER AT PANGYAYARI
AY KATHANG ISIP
LAMANG😺ENJOY READING💛
Ex sila yung tinuturing natin na. Mga taong walang kwenta..
Pero bakit nga ba?
Kasi sinaktan tayo, O sinayang nila yung tunay na pag mamahal natin sa kanila..Pero minsan ba pumasok sa isip mo na hindi naman sila ganon kasama?...
Dahil sa katunayan sila pa ang tumulong satin. Maging matatag at maniwala sa sariling desisyon natin..Naalala mo ba nung unang araw na pagkikita nyo?..
Yung mga araw na nililigawan ka niya... Nanliligaw ka sa kanya..
Diba masaya? Kasi dun mo nagawa yung mga di mo talaga normal na ginagawa. O meron ka nagawang ka wirduhan nung mga araw na siya pa ang kapiling mo.Nung araw na sinagot ka O sinagot mo siya.
Kakaiba yung saya nun diba?
Sabay kayo gumagala. Magkausap kayo.
Mula umaga hanggang mag-umaga ulit.Tapos nag kakantahan kayo sa telepono kahit pareho kayong sintunado.
Tapos mag papalitan kayo ng mga matatamis na salita..
At tuwing araw niyo. gumagawa kayo ng mga mensahe o sorpresa na madrama. Para mabola niyo muli ang isa't isa.Ex masama ba sila?
Yung mga araw na kayo pa. Pumapasok ba sa isip mo kung gaano ka niya ka gusto?
Na hindi mawala sa buhay niya..
Kada susuyuin ka niya tuwing meron kayong hindi pagkakaunawaan..Yung tatawagan ka niya kahit alanganing oras para makausap ng matagal.
Yung tuwing maglalakad kayo. Sa park papayungan ka niya. Para hindi ka maarawan O maulanan.
Papagamit niya ang jacket niya pag nilalamig ka.At pag may sakit ka naman andyan siya para alagaan ka.
Oh patatawanin ka para kahit papano mabawasan yung hirap na dinaranas mo..Hanggang dumating na nga yung araw na hindi nalang kayo nag kakaintindihan.
At tuluyan na ngang magsawa ang isa't isa sa pag mamahal...Pero aminin mo.. pinili mo siyang bumalik sayo..
Kahit masakit... Kahit na mahirap..
Hinayaan mo na maging bitter ka na lang
At kunwari masama na lang siya.. para di ka na muling masaktan pa.. at mag damdam.Sa katunayan tinakpan mo lang yung nararamdaman mo...
Para sa kanya kasi di mo alam kung babalik pa siya O mapapasama lang pag pinagpilitan mo pa sarili mo sa kanya..Alam ko ngayon tinatanong mo sarili mo na..
Nagyon ba may iba na siya?
Masaya ba siya?
Inaalagaan ba siya ng bago niya tulad ng ginagawa ko?
Nag aaway kaya sila?
Mag brebreak din kayo!!
Ay nagiging bitter nanaman ako...Pero si EX sila yung taong minahal natin.
Nagmahal sa atin, nag alaga, umalala sa mga oras na hindi natin naaalala ang sarili natin.
Sila yung dating alarm clock natin sa umaga.
At matamis na ala-ala.Sabihin na natin na ginago tayo..
Umamin na mahal natin sila.
Pero hindi pe pwede kasi may mga mahal na tayong iba.
At ginagawa nating better ang sarili natin para sa mga taong mahal natin.Pagtatapos
Isinulat ni
Frost MinorSalamat sa pagbabasa,😺
YOU ARE READING
Ex.
PoetryTungkol kay ex.💔 😺Bawat karakter at pangyayari ay kathang isip lamang😺 sinulat ni: Frost Minor💯