Chapter 18

216 9 1
                                    

Chapter 18

Dalawang linggo na ang nakalipas simula ng matapos ang buhos sa site. At sa loob ng dalawang linggo ay hindi ko talaga kinakausap si Architect Javier na hindi tungkol sa trabaho.

Naiirita kasi ako sa kanya, ang kapal-kapal ng mukha niya niya sabihin sa akin iyon samantalang may Cassie at anak na siya. Ano tinggin niya madali niya akong makukuha. Hindi ba siya makaintindi na may boyfriend na ako. Inis na inis na talaga ako sa kanya.

Iyong usapan namin noong college kami pwede naman na kalimutan na iyon, ako nga kinalimutan ko na lahat. Bakit ba hindi na lang siya magfocus sa anak niya.

"Anak may bisita ka," sabi ni mama na nasa labas ng kwarto ko. Wala kasi akong pasok ngayon kaya nasa bahay lang ako.

Binuksan ko ang pintuan ng kwarto ko tapos bumaba na ako sa baba ng bahay namin doon sa living room.

"Hi," sabi niya ng makita niya ako nagbeso siya sa akin ng makalapit ako sa kanya.

"Kamusta?" Tanong ko.

"Okay naman, si Aisee iiwan ko muna sa iyo ha, pasensya na talaga may seminar ako sa Subic walang magbabantay kay Aisee. Tatlong araw lang naman ako," sabi niya sa akin. Napatingin naman ako sa batang nakaupo sa sofa na naglalaro.

"Oo naman, ano ka ba atsaka wala naman akong work ngayon tapos nandito naman sila mama sa bahay or pwede ko naman siya isama sa office," sabi ko sa kanya napatingin naman siya agad sa akin ng sabihin ko ang office.

"Lila," sabi niya.

"Shh huwag kang mag-alala promise tutupad ako," sabi ko sabay taas sa kanang kamay ko.

"Aasahan kita, tawagan mo na lang ako kapag may problema ha," sabi niya sa akin tapos bumeso ulit.

"Aisee baby aalis muna si mommy ha, dito ka lang kay mama ninang mo." Pagkausap niya sa anak niya. Tumingin naman sa kanya ang bata tapos tumango tapos tumingin sa akin si Aisee ngumiti ito at tumakbo palapit sa akin, yumakap ang maliliit niyang kamay sa binti ko.

"Mama ninang," sabi niya habang nakatingin sa akin. Umupo naman ako kapantay niya.

"Hello baby, dito ka lang muna sa akin ha," sabi ko sabay pisil na mahina sa matataba niyang pisngi. Tumango naman si Aisee.

"Aalis na ako babyahe pa ako, tawagan mo na lang ako kapag may problema ha," sabi niya sa akin humarap naman ako sa kanya tapos tumayo ako at niyakap siya. Si Aisee naman ay dinala muna ni mama sa kusina para pakainin. Sinamahan ko naman siya na labas ng bahay at hinatid sa tapat ng kotse niya.

"Aalis na ako," sabi niya. Tumango naman ako at nagbabye sa kanya.

"Ingat ka," sabi ko. Ngumiti lang siya sa akin bago sumakay sa kotse niya at umalis. Pumasok naman ako sa loob ng bahay. Nasa sala ang bag ni Aisee kaya naman inakyat ko ito sa kwarto ko tapos bumaba ulit ako na dala-dala ko ang cellphone ko. Dumeretso ako sa kusina kung nasaan si mama at Aisee masaya si mama na pinapakain ang malusog na batang si Aisee. Magtatatlong taon na si Aisee sa September 9. Mataba itong bata tapos maputi rin, magaganda ang pilik mata at mapupula ang labi nito. Ang ilong at mata nito ay mana sa ama nito pero ang mukha nito ay kamukha ng ina niya.

"Hi Aisee," sabi ko kay Aisee tumingin naman siya sa akin tapos ngumiti at tuloy pa rin sa pagkain nito.

"Nakakatuwang bata talaga ito si Aisee magana kumain, ikaw ba anak kailan ka magkakaroon ng anak?" Tanong sa akin ni mama. Napaubo naman ako sa tanong ni mama.

"Mama huwag ka nga bata pa ako wala pa iyan sa plano ko," sabi ko.

"Hoy Kalila twenty-eight years old ka ka hindi ka na bata," sabi ni mama.

Eyes On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon