Chapter 15

196 8 2
                                    

Chapter 15

Noong araw din na nagkita kami ni Seph kinabukasan matapos ang birthday niya ay lumabas kami maghapon kaming magkasama sa labas. Nagugulat nga ako sa kanya at medyo kakaiba siya. Sorry siya ng sorry tapos lagi niyang sinasabi na mahal na mahal niya raw ako. Nginitian ko lang naman siya siguro na miss niya lang din talaga ako.

Nang umuwi na kami hinatid niya muna ako sa boarding house tapos niyakap niya ako bago siya umalis ng boarding house namin.

Ang mga sunod naman na linggo ay nagiging busy ulit ako tapos siya nagstart na ang klase nila kaya lalo naman kaming dalawa nawalan ng time magkita pero kapag wala siyang pasok ay dinadalaw niya ako kahit saglit lang tapos magkukwentuhan lang kaming dalawa.

Okay naman ang takbo ng relasyon namin kahit busy kami parehas nag-aaway pa rin pero saglit lang nagkakaayos na kaming dalawa. Ako naman sobrang focus na talaga ako sa pagrereview kasi malapit na talaga ang board exam namin ilang buwan na lang.

Noong second monthsary doon ko siya sinurprise nagamit ko na rin iyong binili ko na mga art material para masurprise siya kahit busy ako pinangako ko noon na babawi ako sa second monthsary namin. Natuwa siya noong panahon na iyon kitang kita ko ang saya niya pero minsan napapasin ko na malalim ang iniisip niya habang nakatitig sa akin sa tuwing tatanungin ko naman siya kung ano problema ngingitian niya lang ako tapos iiling siya. Kaya minsan hinahayaan ko na lang kasi hindi naman lahat ng problema kailangan malaman, mayroong mga problema na mas gusto natin na sa atin na lang kaya iniintindi ko na lang din siya.

"Aalis ka girl?" Tanong sa akin ni Ara ng makita niyang nakabihis ako.

"Oo, isu-surprise ko si Seph sa university third monthsary kasi namin ngayon," sabi ko sa kanya.

"Sana all," sabi niya tapos nagsolve na ulit siya. Ganyan lang naman kasi kami rito sa boarding house kapag wala kaming ginagawa nagsosolve lang kami, papahinga lang kami saglit tapos magsosolve na ulit mas doble sikap na kasi kami dahil September na ngayon dalawang buwan na lang ay board exam na mas kailangan namin magready sa bawat araw na dumadaan kabadong kabado kami dahil napapalapit na ang board exam.

"Ayaw mo sumama? Dalawin din natin si Aislinn si Sprouse ayaw paistorbo noon, ayaw na dalawin bestfriend niya nabroken na yata dahil jowa na ni Aislinn si Zeon," sabi ko habang natatawa pa.

"Hala seryoso?" Tanong ni Ara sa akin.

"Yata, mukhang magjowa na iyong dalawa kaya iyong isa nagpakabusy magsolve goal talaga maging topnacher," sabi ko.

"Dami na palang chismis na hindi ko alam, gusto ko sana kaso dami ko pa sinosolve," sabi niya habang nakatingin sa mga modules at sa librong nakakalat sa kama niya na nakapalibot sa maliit na table na pinagsosolvan niya.

"Saglit lang naman tayo roon kasi may klase pa si Seph hanggang six pm," sabi ko sa kanya.

"Huwag mo ako demonyuhin Kalila marami pa akong isosolve, porket ikaw natapos mo na iyong module mo sa design," sabi niya sa akin natawa naman ako sa kanya. Pinagpuyatan ko kasi talaga iyon kasi plano ko pumunta sa university para masurprise si Seph.

"Tulungan na lang kita pag-uwi mamaya samahan mo na ako," sabi ko sa kanya. Tiningnan naman ako ni Ara tapos tumingin siya sa sinosolve niya.

"Promise?" Tanong niya sa akin.

"Promise," sabi ko habang nakataas pa ang kanang kamay ko.

"Sige hintayin mo ako liligo lang ako," sabi niya tapos inayos na niya ang mga gamit niya bago niya kunin ang tuwalya niya na nakasabit sa may pintuan tapos pumasok siya sa sariling banyo namin.

Eyes On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon