CHAPTER 1

37 3 0
                                    

Third Person



"Tahimik..!" malakas na sigaw ng Head Master ng naturing eskwelahan. Lahat naman ng estudyante ay biglang tumahimik.



Tumikhim muna ito bago nagsalita.



"Sa susunod na buwan na ang ating pagsusulit kaya naman lahat kayo ay mag-ensayo at ilabas ang buong lakas sa pakikipaglaban." anunsiyo nito at nilibut ang tingin sa paligid.



Biglang namang dumapo ang paningin niya sa pitong Royalties. Kulang sila ng isa dahil dapat walo ang ilalaban sa ibang School kaya naman ginawa nila ang pasulit na ito, para kung sino man ang malakas o mananalo ay siya ang idadadag.



Tahimik lang ang paligid hanggang sa may sumigaw na babae ang kanilang narinig.



"Kyaahh..!" isang matinis na boses ang gumambala sa kanila.



"May lumabas na portal!" sigaw ng isang estudyante, nataranta naman ang iba't ang tahimik at bordong Royalties ay tila nagising ang kanilang mga diwa.



"Tumahimik! Ihanda ang inyung mga sarili kung sakaling kalaban man iyan!" sigaw ng Head Master at lumapit sa Royalties na ngayon ay pinalibutan ang naturing portal na lumabas.



"Maghanda kayo" malamig na utos ni Prinsepe Zernon at nilabas ang kanyang Diamond Sword.



Nagsihandaan naman ang iba ayun sa utos ng kanilang lider at para narin protektahan ang kanilang paaralan at  mga estudyante.



Nagulat sila ng isang babaeng may pulang buhok at naka-nightdress na suot ang lumabas, agad naglaho ang Diamond Sword ni Prinsepe Zernon at mabilis na sinalo ang babae na nawalan ata ng malay.



Lahat naman ay napasinghap at may iba pa ay  nalalag ang hawak nilang mga armas o panlaban.



"Prinsepe Zernon..." tawag ng Head Master kay Prinsepe Zernon kaso hindi siya nito pinansin, nakatitig lamang ang Prinsepe sa mukha ng babae, na tela ba nahuhumaling siya nito sa taglay na kagandahan na meron ang estrangherang babae.



"Ipagpatuloy ang naudlot kanina at Royaltie, sumama kayong lahat sakin" malamig na anunsiyo ng Prinsepe at mabilis na naglakad papuntang klinika habang buhat ang babae.



Nagtataka at nagulat man ay pinagpatuloy ng Head Master ang kanyang sasabihin na tela ba walang nangyari.

EIGHT ROYALTIES: Being His Chosen OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon