"Mama.!" halos di na ako naka-hinga ng nakita ang sinapit ni Mama sa kalaban.
Hanggang ngayon ay nalilito at naguguluhan parin ako.
Bakit may magic sila?
Ano ba talaga kami? Si Mama bakit may apoy na lumalabas sa kanyang kamay?
Naguguluhan na ako, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.
"Just run, Stella! Run!" rinig kung sigaw ni Mama habang pilit na nilalabanan ang naka-itim na lalaki.
"Ngunit di kita kayang iwan, Mama!" pamimilit ko nito, ayaw ko siyang iwan. Nasasaktan ako kung pati siya ay mawawala, wala na si Papa pati ba naman siya?
"Stell 'wag mo na akung aalahanin, kailangan mo'ng mabuhay! Isa kang prinsesa!" sigaw niya.
Napako naman ako sa aking kinatatayuan, prinsesa? Bakit pakiramdam ko, di ko kilala ang sarili ko? Prinsesa? Ako?
"Mama.." tawag ko, di ko na siya naintindihan. Oo malakas ang loob ko at matigas ang ulo pero may kahinaan din naman ako, at yun ang pamilya na meron ako.
"Umalis kana, Stella! Pumunta ka sa bahay ni Gerry at sabihin mo na oras na! Umalis kana!!" galit na galit na siya.
Wala akung magagawa kundi ang humakbang at tumalikod sa kanya, pero bago pa ako tumakbo ay may sinigaw pa ako sakanya.
"Ipag-hihigante kita Mama! Pati kayo ni Papa! Pangako ko 'yan!" sigaw ko at nagsimula ng tumakbo, hindi na ako nag-abalang lumingon pa kay Mama baka mag-bago ang isip ko at babalikan siya.
Hinihingal na naparito ako sa tahanan ni Gerry, isa siyang manghuhula sa aming bayan at isa ring witch dahil may stick siya.
"Ginang Gerry!! Ginang Gerry!!"malakas kung sigaw sabay hampas sa kanyang pintuan na nakasirado.
"Ano bayang ingay!" rinig kung sigaw niya sa loob.
"Si Stella po ito, Ginang Gerry!" pakilala ko dito at huminga ng malalim. Pagod na pagod na ako, pero kinaya ko paring tumayo kahit nanginginig na ang aking binti.
Hindi ako ito. Isa akung malakas na babae sa aming paaralan dahil palagi akung nambully ng kapwa ko kaklase at kahit sino ay walang naka-kitang mahina ako, pero ngayon. Ito nanginginig ang aking binti, siguro dahil hindi ako naka-paniwalang may mahika.
"Stella?" bumukas ang pinto at bumungad sakin ang magandang mukha ni Ginang Gerry.
"Hah..ako po, Ginang Gerry" hinihingal na sabi ko.
"Bakit anong nangyari sayo at naparito ka kahit gabi?" takang tanong niya at hinila ako papasok ng bahay.
"Ginang Gerry hindi na po ako mag-tatagal, sinalakay kami ng naka-itim na lalaki at meron silang mahika, kinalaban sila ni Mama at pinatakas ako." paliwanag ko sakanya, kita ko ang pag-seryoso ng mukha niya habang naka-tingin sakin.
May binanggit siyang salita na hindi ko narinig.
"Anong sabi ng Mama mo?" tanong niya ulit.
"Sabi niya oras na raw" mahinang sabi ko at napakagat labi. Hanggang ngayon nasasaktan ako sa sinapit ni Mama, puno ng dugo ang kanyang damit at kita kung nanghihina narin siya.
Gustohin ko mang tulungan siya kaso isang hamak na mahina lamang ako para sa kalaban, hindi kp nga alam kung may kapangyarihan ako.
"Halika, tumayo ka at samahan ako"sabi niya at tumayo. Sinundan ko naman siya at ngayon ay naka-harap na kami sa pader.
Kahit naguguluhan ako ay pinilit kung manahimik, hindi ito oras para malawakin ko ang aking mapang-usisa.
"....." may binanggit siyang salita na hindi ko narinig at naintindihan.
Maya-maya lamang ay ang pader kanina ay may lumabas na bilong na parang lilo ngunit kulay bughaw ito at may puti din.
Siguro portal ito.
"Pumasok kana, at sa akademiya ka mapupunta para ligtas ka... Prinsesa Fyra"sabi niya at malakas akung tinulak.
"Kyaaahhhhh!!.." malakas akung napatili na ngayon lamang sa tanang buhay ko ginawa.
Nahihilo ako at bumabaliktad ang aking sikmura at unti-unti narin akung nawalan ng ulirat.
BINABASA MO ANG
EIGHT ROYALTIES: Being His Chosen One
Fantasía"Isa lang naman ang ibig sabihin nun, Stella. Ikaw ang mapapangasawa ni Prinsepe Zernon sa hinaharap" Hindi ko lubos akalain na ako ang papili niya maging kalahati ng kanyang buhay at ang makasama habang buhay. It's kinda wierd, I'm just nobody and...