CHAPTER 2 (First Day of School)

2 0 0
                                    

'Kringg...kringgg...kringg'  tunog ng alarm clock.

"Hays..natutulog ang tao eh" pagmamaktol ko habang tinatamad na bumangon sa higaan.

Bigla akong naalimpungatan ng makita ko kung anong oras na..

"Patay? Im late!"

Mabilis pa sa alas kwatrong tumayo ako sa higaan at dumiretso sa C.R. para maligo. Wala nakong pake kung singkit pa mata ko. Late na talaga ako.

BTW, I'm Marie Yvonne Pineda nga pala, 20 yrs. of age. Proud to be dalagang Pilipina. REPRESENTING PHILIPPINES!!! Charott lang HAHAHA

Kung nagtataka kayo ba't nagmamadali ako it's becoz first day ngayon ng klase ko as a fourth year college student at 15 minutes nalang eh late na'ko.

Dali-dali akong naligo at nagbihis ng simpleng black jeans at white V neck t-shirt. D nako nag abalang magsuklay kaya nayan ng pahagod-hagod lang ng kamay.. Wala na'kong pake sa itsura ko. D naman ako maarte katulad ng iba.

Pagkatapos magbihis ay bumaba na'ko sa hagdan at dali-daling tinawag si manong driver para ihatid ako sa school.

"Manong Ben, tara na po" tawag ko sa driver namen.

"Oh iha, di ka ba muna mag-aalmusal?" tanong ni Manang Delya.

Sya nga pala yaya ko. Sya na halos nagpalaki saken dahil wala sina mommy at daddy dahil busy sila lagi sa work nila.

"Wag na po manang, sa school nalang. Ba't di nyo po pala ko ginising?" Tanong ko.

"Ginising kita iha kaso mukhang pagod na pagod ka tsaka hindi ka magising" aniya nito

"Ahhh cge po....manong tara na po late nako" tawag ko kay manong driver.

~SA SCHOOL~

"Hays 20 mins late.. pumasok kapa bess, sana natulog kana lang HAHAHA" kantyaw sakin Nichole.

Hanna Nichole Fallar..my bestfriend since middle school. Same age ko lang.
Bubbly at medyo pranka't mabunganga kong bestfriend.

"Edi ikaw na maaga gumising ako na hindi" sarkastiko kong response sa kanya.

'Krrrrrrruu'

Tunog ng aking tyan.Napagtanto kong di pa nga pala ako kumakain since kagabi.

"Oh bess mga alaga mong bulate gutom na gahaha"  aniya ni Nichole

"Happy ka? Happy ka? Tssk..tara sa canteen libre mo'ko" medyo naiinis na sambit ko.

-.-

"Pfft first day of school magpapalibre ka? Eh diba mas mapera ka kesa sakin? Anyare haha"  patuloy na pang-aasar nito.

Syempre mas masarap kumain pag libre. Believe me. >_<

"Nawala pera ko..pati selpon -,-"  bored na sabi ko.

"Owss..katangahan yan gurl, tara na nga" pag aaya nito sa canteen


~CANTEEN~

Nandito kami ngayon sa canteen ni Nichole dala ang tray namin with foods. Naghahanap kami ng pwedeng maupuan dahil sa wala na halos na vacant na table and seats.

"Ayun may vacant table Yvone..dun nalang tayo"  turo ni Nichole sa table sa may harapan ng food counter.

"Kyahh ang gwapo nya"
"Tangkad nya teh"
"Tangos ng ilong gurl"
"Dba sya yung transferee?"
"Kyahhh, kuya notice me"

ACCIDENTALLY YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon