Hingal na hingal akong nakadating sa room namin. Etong si Nichole todo kapit sa dibdib nya sa pagod kakatakbo kala mo naman malaki boobs eh plat naman.
"Hoy Gaga! Ba't ba tayo tumakbo eh kakakain lang natin? Gusto mo bang pumutok appendix natin? Busog na busog pa naman ako tapos papatakbuhin mo lang" reklamo ni Nichole habang nagpapahinga.
Talagang babaeng toh hindi man lang nahalata na may tinatakasan kami. Slow talaga ng utak kahit kailan. Puro cartoons kasi laman ng utak. Nahawa na ata sa katangahan ni Patrick.
"Gaga, kung nguso mo kaya ang paputukin ko. Kahit kailan talaga slow mo mag-isip" aniya ko. Actually, tumakas baka kasi ako pagpapabayarin nitong si Nichole sa kinain namin, mahirap na. Wala pa naman ako pera. 'Di joke lang. Si kuyang makatawag na deaf talaga tinakasan ko. Deaf ng deaf, mukha nya deaf sarap tusukin tainga nya ng drumsticks. Tapos kalikutin ko tutuli nyang masyadong makapal.
Ba't ba kasi ang liit ng mundo. Di ko naman sinasadya na mabunggo kotse nya ah. Eh sa may tinatakasan ako tapos bigla ko nalang nabunggo yun..Ayun tuloy nayupi hihi. Lokal kotse nya eh 'di orig. Bili nalang sya bago mukha namang mapera sya hihi.
Kulang nalang talaga matunaw ako kanina sa pagkakatitig nya. Naku! Alam ko maganda ako pero di ko sya papatulan duhh...over my sexy body. Pero kidding aside yung pouch ko nasa kanya pa. Tanga ko kasi ba't tumakas pa ako. Sinuntok ko nalang sana sya or sinipa twinnie eggies nya tapos pinilit na ibigay sakin bag ko. Pero pano ko gagawin yun eh may atraso pa ako sa kanya. Hayss bahala na nga.
****
Magsisimula na ang klase kaya bumalik nako sa upuan ko. Yawa nga lang at si Mrs. Arrogante pa teacher namin. Napakaterror nya pa naman. Kala mo kung sinong magaling magturo sa Calculus eh puro story telling lang naman ginagawa nya tungkol sa anak nya. Ba't di nalang kaya story telling subject nya? Mas bagay sya dun.
"Good morning class" tamad na sambit ni Mrs. Arrogante. Tamad tamad talaga nito ng teacher natoh.
"Siguro naman nabalitaan nyo nang may transferee? Okay, let me introduce to you bago nyong kaklase! Please come in Mr. Villarial" aniya pa nito.
"Psst..psst, hoy Yvon" pabulong na tawag sakin ni Nichole. "Sabi ko sayo may transferee eh, galing ko talaga hayss" may pa sapo pa sa ulong nalalaman ng banggitin nya ito. Hindi ko na lamang ito pinansin at bagot na tumingin sa unahan.
Bigla akong napangiti ng makita ko si Luke. Oo si Luke Villarial, yung gwapong lalaking nakilala ko kagabi. Bigla itong napatingin sa dako ko at kumaway. Ramdam na ramdam ko naman na nanlilisik na mata ng mga kaklase kong mga haliparot. 'Di ko ito pinansin at nginitiian nalang si Luke na nasa unahan.
"Hi guys. I'm Luke Villarial. Its a pleasure to meet you" pagpapakilala nito. Eto namang mga kaklase kong haliparot ayun todo pacute sa kanya. Kingina talaga grabe ang landi. Pati tong si Nichole todo smile kala mo mapupunit na bibig kakangiti.
Pagkatapos magpakilala ay umupo sa katabi ko si Luke. Buti nalang talaga vacant toh.
"Yvon right?" Pagkukumpirma nya. Tumango nalang ako sa pagsang-ayon.
"What a small world. Nice to meet you again Ms. Yvon" aniya nito. Tsaka ngumiti. At dahil sa mabait ako nag smile back ako syempre. Etong si Nichole todo titig na naman. Titig na confused at di alam nangyayari. Pinandilatan ko nalang sya ng mata at tumingin sa unahan.
Bigla namang nagsitilian mga kaklase ko dahil may dalawang naggagwapuhang lalaki ang pumasok sa room namin.
Bigla akong pinagpawisan ng malamig sa kinauupuan ko ng makita na isa sa dalawamg lalaki na nasa unahan ay ang lalaking tinakasan ko kagabi't kanina.
Jusko lord anong kamalasan toh at nandito sya sa room namin. Ipapapulis nya na ba ako? Makukulong na ba ako? Mamatay? Naku lord wag muna papakasalan ko pa ang BTS lord..wag muna plss...
"You're late Mr. Harris and Mr. Dela Costa" masungit na bungad ng arroganteng prof. namin na si Mrs. Arrogante. Nagsorry yung chinito at cute na lalaking kasama nung tinakasan ko.
'Di man lang nag sorry ang makong at hinayaan lang na yung isa magsorry. Sama talaga ng ugali nito.
"Introduce your self now. Para makapag simula na tayo ng klase" aniya ni Mrs. Arrogante. Jusko magsimula ng klase daw? Baka story telling nyang paulit-ulit HAHAHA.
Nauna ng magpakilala yung cute na chinito "Hi. I'm Renz Matthew Harris but you can call me Matt for short" pagpapakilala nito sabay smile ng pagkalaki-laki. Kita tuloy dimple nya. Pero wapakels ako duhh..sanay na sanay nako dito..taon-taon naman lagi may transferee.
Sumunod na magpakilala si Kuyang feeling gwapo mukha namang bakulaw. " Zackery Dela Costa and I really hate those na kinakalaban ako" aniya nya sabay tingin sa gawi ko. Napalunok nalang ako sa kaba ng patamaan nya ako ng matatalim na lisik ng kanyang mga mata. Lord help me. Ayoko pa mamatay.
"Are you okay?" Tanong sakin ni Luke. Bigla akong napatingin sa kanya. Napansin atang kinakabahan ako.
"Pinagpapawisan ka Yvon, you okay?" Tanong ulit nito.
"Ahhh..o--okay lang ako hihi" palusot ko sabay punas ng pawis. Langya anlamig na pawis ko. Naku talaga.
"You may take your seat Mr. Harris and Dela Costa" aniya ni Ma'am. Eto na naman mga kaklase kong haliparot sa pagpapakyut. Jusko kailan ba matatapos mga kalandian nila. Pero sa halip na sila pansinin ko ay natuon ang pansin ko kay Zackery.
Nanlikisik ang mata nitong naglalakad papunta sa vacant seat na nasa right ko habang nakatingin sakin. Feeling ko lalamunin nako sa kinauupuan ko. Bago pa man syang tuluyang makaupo nagsalita si Luke.
"Hey bro! Ba't nalate ka?" Tanong nito kay Zackery. What! Magkakilala sila? Anliit talaga ng earth lord. Lipat nyo nako sa mars. Dun nalang ako titira kasama mga alien. Hindi naman sumagot ang mokong at napunta ang atensyon sakin.
Tatlong beses akong napalunok sa kaba. Feeling ko tuyong tuyo na lalamunan ko.
"So, how's your feeling pagkatapos mo mag marathon kanina?" Tanong sakin ni Zackery. Ano isasagot ko? Walang lumalabas na tinig galing sa bibig ko. Napipe na ata ako.
"Anong nangyayari jan?" singit ni Mrs. Arrogante habang nakapamewang sa harapan namin.
"Mr. Dela Costa wala ka bang balak maupo? Mamaya na landi" untad ni Ma"am.
Thanks god may silbi rin pala si Ma'am. Life savior wuhhhh... Nakahinga ako ng maluwag ng nawala atensyon sakin ni Zackery ng marinig boses ni Mrs. Arrogante.Naupo na ito sa vacant seat kaya nagsimula na klase.Ngunit 'di parin mawawala mga matatalim na lisik nito na nagsasabing "mamaya ka sakin".

BINABASA MO ANG
ACCIDENTALLY YOU
RandomA story about accidentally meeting each other. Ahh basta story toh!!