Ito na ang huling araw ko, huling araw sa kamaliang pinagagawa ko. Dito na matatapos ang lahat dahil hindi ko na kaya itong pinagagagawa ko, hindi ako pinatutulog ng konsensya ko. At ngayon, ang matagal ko nang pinakahihintay ang huling misyon na gagawin ko ang siyang magpapalaya na sa akin sa kadiliman na tiniis ko ng sobra-sobra pa sa inaasahan ko. Kasamaan na puno ng kadiliman na siyang nagkontrol ng buong buhay ko."Sino ka!? Anong ginagawa mo sa pamamahay ko!?"
"Hindi mo na kailangan pang malaman kung sino ako."
"Anong pakay mo?"
"Isa lang ang pakay ko. "
"Ha! Akala mo naman may makukuha ka dito. Pasensya na pero wala dito ang pakay mo."
"Diyan ka nagkakamali dahil hawak ko na ang matagal ko nang hinahanap-hanap. "
"Wait! Ano bang sinasabi mong hawak mo na? Kakasabi ko lang diba na wala dito ang pakay mo dahil alam ko na kung ano ang gusto mong makuha. Pero S-sino ka ba? Bakit parang pamilyar ang boses mo? At papaano ka nakapasok sa bahay ko?"
"Huwag ka nang magtanong dahil bawat sagot ko ay siyang sakit na maidudulot ko sa'yo"
"Naguguluhan na ako sinasabi mo ah pero napupuno na ang galit ko dahil pag nawala ang pinakamahalagang bagay sa buhay ko, mawawala ka na rin sa mundong 'to!"
"Sana nga, sana nga nawala na lang ako sa impyernong buhay ko."
"Ito na ang huling kasiyahan mo dahil papunta na ang mga pulis para madala ka sa lugar kung saan ka nababagay!."
"Please! Huwag ka ng magsalita! Hirap na hirap na ako."
"At sino ka para pagsabihan akong manahimik.!"
"Sino nga ba talaga ako!? Kahit nga sarili ko hindi ko na kilala. Wala akong kwenta kung malalaman mo kung sino ako pero ang puso mo lang ang lilinis sa katauhan ko.!"
Bawat pagbigkas ko ay siyang unti-unti kong pagtakas upang hindi ako mahuli ng mga pulis.
Saan na nga ba patungo ang buhay ko, kontrolado na ba talaga ako ng kasamaan o kaya ko pang lumaban para maitama ang lahat. Wala akong kapangyarihan, wala akong lakas o kahit kakayahan para ipaglaban ang buhay ko. Isa lamang akong ordinaryong tao na may maraming pangarap pero kahit isa wala man lang naabot dahil hindi ko kayang maabot. Bakit ang hirap abutin ng pangarap? Kaya ko naman pero nilalayo nila ako sa nais ko.
YOU ARE READING
THE PLAN
RomanceMagkaibang buhay pero may iisang dahilan para mabuhay. Dalawang taong walang kakayahang makontrol ang sarili nila dahil kontrolado ang kanilang buhay.