"AKO ANG BABAGO NG BUHAY MO." Sabi niya habang titig na titig sa mata ko.
Bigla siyang lumapit sa'kin at hinawakan ang pareho kong balikat. Sino ba talaga siya? Bakit niya sinasabi siya ang babago ng buhay ko? Eh, hindi ko nga kilala kung sino siya at bigla na lang siyang susulpot agad-agad. Puno nang pagtataka ang isipan ko habang nakatingin sa kaniya ngunit nakaramdan ako ng kakaiba. Habang hawak ang pareho kong balikat bigla niyang inilapit ng bahagya ang kaniyang mukha para magpantay kami.
"Ahm...A-ano po ang ibig niyong sabihin na kayo ang babago ng buhay ko? Kasi po hindi ko po kayo kilala simula pinanganak po ako at wala rin po akong kakilala na kamag-anak ko, isa po ba kayo sa mga kamag-anak ko?" Tanong ko sa kaniya baka sakaling may kamag-anak nga talaga ako at may mahihingian ng tulong. Napatawa naman siya ng kaunti at nangunot ang noo ko.
"Oo, tama ka. Kamag-anak mo nga ako." Sagot niya sabay ngisi pero parang 'di ako satisfied sa sinabi niya at hindi ko alam kung nagsasabi siya ng totoo or hindi. Habang tinitignan ko siya napaupo sa upuan na inupuan niya kanina ay narealize ko na may kamag-anak pa pala kaming natitira kung ganoon. Iniwaksi ko muna ang isipin kung nagsasabi siya ng totoo or hindi basta may tao nang tutulong sa'kin at kay mama.
"Pwede po magtanong? Saan po kayong side kay papa po or kay mama?" Tanong ko. Bigla na naman siyang tumingin sa'kin ng matalim pero iniisip ko nalang na baka ganun talaga siya.
"Hindi na mahalaga kung sasagutin ko 'yan basta't magtiwala kalang sa'kin." Sagot niya habang papatayo at paalis na ng kwarto ko sa ospital pero bago muna siya makalabas ng tuluyan ay nag-iwan siya nang salitang lalong nagpagulo ng isip ko.
"Mahusay" Sabay ngiti niya at dumiretso na sa pag-alis.
Ako naman 'tong nangunot lalo ang noo sa sinabi niya lalo na ring gumulo ang aking isipan sa huli niyang sinabi. Nawala ang pag-iisip ko nang maalala ang taong lumigtas sa buhay ko, naisip ko na puntahan siya at pasalamatan kahit patay na siya. Nang dahil sa nangyari pinagsisihan ko ang lahat ng nagawa mo nung oras na iyon, kung hindi lang ako naglakad na parang lutang sa sobrang lalim ng iniisip ko hindi ako mapupunta sa gitna ng kalsada at hindi rin ako muntik nang masagasaan at wala ring namatay para iligtas ang buhay ko. Biglang pumasok ang nurse at chineck ang sitwasyon ko pero hindi ko maiwasan na maalala ang taong lumigtas sa'kin.
"Nurse, pwede ko po bang puntahan yung lumigtas sa'kin? Gusto ko lang po sanang magpasalamat." Malungkot kong sabi.
"S-sige po mam, pero ichecheck ko muna ang kalagayan niyo then pag okay na po sasamahan ko po kayo dahil kailangan niyo po magwheel chair." Sagot niya at chinecheck ang kalagayan ko sabay paalam sa'kin. Makalipas ang ilang minuto ay bumalik din siya at may dala nang wheel chair.
Habang papalapit sa isang room kung saan nandoon ang mga namatay ay unti-unti akong kinakabahan, simula noong bata ako ay takot na takot ako makakita ng patay na tao kahit nga sa mga burol ay hindi ako sumisilip dahil tumataas agad ang aking balahibo kaya habang papalapit ako ay lalo na talaga kong binabalot ng kaba. Iniisip ko na kailangan kong tatagan ang loob ko dahil siya ang nagligtas sa'kin na dapat ako ang nasa posisyon niya ngayon, hindi ko mapatawad ang sarili ko dahil nang sobrang kapabayaan ko may nawalan ng buhay. Sobrang sinisisi ko ang sarili ko dahil may nawala na naman na tao sa buhay ko kahit hindi ko naman siya kilala, hindi ko lubos maisip na ibinuwis niya ang kaniyang buhay kahit 'di naman niya ako kilala. Patuloy pa din ang pag iisip ko nang makarating na kami sa tapat ng hinihigaan niya.
"Ma'am, you want to see her face?" Tanong ng lalaking nurse na sa tingin ko siya ang nagdadala ng mga patay dito sa room. Tumingin ako sa nurse ngunit tumingin agad ako sa taong lumigtas sa'kin, titignan ko ba siya or hindi. Nahihirapan ako dahil takot na takot talaga ako at baka sakaling mahimatay ako. Hanggang sa napagdesisyunan kong 'wag na lang at kakausapin ko na lang siya. Kahit alam kong hindi niya ako naririnig, alan kong pinapanood ako ng kaniyang kaluluwa.
YOU ARE READING
THE PLAN
RomanceMagkaibang buhay pero may iisang dahilan para mabuhay. Dalawang taong walang kakayahang makontrol ang sarili nila dahil kontrolado ang kanilang buhay.