Chapter 1

6 2 0
                                    

Maru

TING! TING! TING(ring yan ng bell hindi yan messenger)

  Nagsimula ng maglabasan yung mga kaklase ko, pero ako ito parin nakatulala sa sulok parang walang balak umuwi. Na kakatawa lang kase tong sitwasyon ko,para akong artista pinagkakaguluhan.Pero hindi sa sikat ako, para magpatulong yung mga lalaki na yun na ligawan yung best friend ko.

   Putcha namang buhay to ayaw matahimik, bakit kase ang Ganda ng best friend ko daming manliligaw. Haysstt,nakaka stress na talaga. At Sino namang hindi ma e stress sa buhay ko sa dami ng manliligaw ng best friend ko para na kong delivery boy este girl pala......

"Uyy ate, pwede bang pabigay kay Chloe."binigay nya sakin ung isang bouquet na flowers.

"Ito rin po ate pasabay"iniabot nya rin sakin ung dalawang box na chocolate, wow yaman imported.

"Ate tsaka rin po ito", ay pak may pa letters, "wag nyo po sanang lukutin, pinaghirapan ko po Yan e" grabe tong manliligaw na to napaka demanding, di sana ikaw nalang nagbigay.

    Tinanguan ko nalang sila sabay talikod at nag lakad papunta sa room ni Chloe. Nung malapit na ko sa room nila...

"Uy! Maru, andami mong dala ahh! Bigay Yan ng manliligaw mo noh" bungad ni Chloe.

"Anong manliligaw ka Dyan",binigay ko sa kanya yung mga dala ko"Hoy! babaeng maganda pa ko, baka manliligaw MO este MGA manliligaw mo"diniinan ko talaga yung MGA kase madami talaga sila.

"Ehh", parang gulat pang Sabi nya.

"Anong eh eh ka Dyan, parang d ka pa nasanay"

"Hindi ba sila nauubusan ng Pera Kaka bili ng mga to"

"Malay ko ako ba yung mga manliligaw mo"

Parang hindi na sya nasanay, na bawat Punta ko sa room Nila lagi akong may dalang regalo galing dun sa mga masusugid nyang mga manliligaw.

"Hayyst, oo na, sige na iuuwi ko na to. Salamat bi sa paghatid nito"

  Papasok na sana sya...

"Wait lang bi" habol ko.

"Bakit" sambit nya.

"Pwedeng akin na lang yung chocolate, may exam kasi ako e, Pam pagana lang ng utak" Sabi ko pa

"Aytss.,kala ko naman ano, O ito" inabot nya sakin ung box ng chocolate. "galingan mo sa exam mo ah" Sabi nya sakin.

"Yun oh" kinuha ko ung box ng chocolate"Thankyou bi, gagalingan ko talaga"sabay fist bomb kaming dalawa.

"Bye, kita tayo mamaya" paalam ko sa kanya.

"Byee Maru  goodluck" pahabol nya pa bago ako nag lakad pabalik sa room ko.
 
   Naglakad na ko papunta sa room ko dala dala yung chocolate na bigay ayy hiningi ko pala.

  Nung Papasok na ko sa room bigla akong na tigilan nung may nakita akong napaka gwapong lalaki na naglalakad. Ma tangkad, maputi, ang lakas ng dating tapos parang may abs pa kase ang laki ng katawan, Owmayy Ulamm, kanin nalang kulang.

Habang papalapit sya sakin..

  BLAGGGG!!!

Bumagsak bigla ung pwet ko sa sahig, sa sobrang titig ko dun sa lalaking yun, d ko namanlayan na nasa gitna pala ako ng corridor, nabangga tuloy ako nung dalawang lalaking tumatakbo. Haysstt, sakit talaga ng pwet ko, tapos natapon pa sa mukha ko ung chocolate na hiningi ko kay Chloe, puro chocolate tuloy yung mukha ko ang lagkit lagkit at ang dumi ng  uniform ko, eh tunaw na pala yung chocolate nayon. Nakakainis naman.

Bwiseeetttttt.

Habang papatayo ako nakita ko sya, nasa harapan ko na sya, napaka gwapo nya talaga tapos yung mga mata nya ang ganda kulay brown...

  "Tss! Sa gitna ka kase tumambay e"
Ano dawww,tapos biglang aliss.

Grr di man lang ako tinulungan, gwapong gwapo ako sayo salbahe ka pala. Lintek naman ohh. Pag nakita kita ulett patay ka sakin.
Waaaaaaaaaa!!!!!! Poging salbahe.

Sorry, I Fall InloveWhere stories live. Discover now