Prologue

27 6 0
                                    

Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents either are the products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual persons, living or dead, businesses, companies, events, or locales is entirely coincidental.

"Doc, this patient needs immediate medical attention. Mukhang uminom po ng lason", nagmamadaling sabi sa'kin nung nurse na hindi ko pa kilala dahil first day of work ko ngayon dito sa Philippine General Hospital as a pediatric resident.

"Ma'am ano kasi.. bago lang ako, hindi pa ata ako allowed mag--"

Naputol ang sinasabi ko dahil sa pagsigaw nung nanay ata ng patient. "Ano pang hinihintay n'yo mamamatay na yung anak ko nagdadaldalan pa kayo!!"

Holy crap. Luminga linga ako sa paligid ng Emergency Room pero lahat ng residents on duty, busy. Wala ring nurse sa nurse station dahil lahat busy mag-assist. Sa isang sulok naman ay may nagreresuscitate ng patient. Wala ng ibang doctor na pwedeng i-tap para mag-asikaso sa patient na nasa harap ko.

Napakamot ako ng ulo. Bahala na nga. Kakapirma ko lang ng kontrata e tapos mukhang mateterminate na agad yun. Talaga naman oh. Ibinaba ko ang messenger bag ko na prada at hinubad ang white blazer kaya nakascrubsuit na lang ako.

Pumwesto na ako sa isang area na walang patient at may bakanteng stretcher. May nursing attendant na lalaki ang lumapit sa'kin at inilipat mula sa wheelchair papuntang bakanteng stretcher yung patient.

Tinignan ko ang history ng patient, may doctor na palang naghistory and physical examination dito sa batang pasyente na 17 years old. Unknown ang ininom na lason. Isinugod na lang ang bata matapos ito madatnan ng nanay n'ya na nakahandusay sa sala. Tinignan ko ang pasyente, hirap na ito huminga, maputla, at hinang hina. Inilawan ko ang mata ng pasyente gamit ang penlight ko. Napailing ako.

"Pa-ready ako ma'am ng laryngoscope oh, gloves na rin" hingi ko dun sa nurse na kumausap sa'kin kanina. Mabilis gumalaw ang nurse at naibigay na rin sa'kin ang iba pang kailangan ko para ma-intubate ang patient. Isinara na ng nursing attendant ang kurtina sa area namin matapos ko makuha lahat ng gagamitin ko upang walang makaistorbo sa intubation na isasagawa ko.

Hirap sa paghinga ang pasyente at kailangang matubuhan sa lalong madaling panahon. Mabilis ang aking galaw. Kabado man ay kailangan kong magfocus sa gagawin ko.

First time ko mag-iintubate ng pasyente. Sa theories lang na nababasa ko sa book ako magbabase at pati na rin sa itinuro ng daddy ko na isa namang surgeon.

Bahagyang gumalaw galaw ang pasyente, tila wala ito sa wisyo at nahihirapan ako ipasok tubo sa lalamunan ng pasyente.

"Ate, 'wag ka malikot. Masusugatan ang lalamunan mo hindi kita matutubuhan ng maayos", sabi ko dun sa pasyente kahit naman na alam kong wala na ito sa wisyo. Pero nakabuti rin dahil bahagyang tumigil ito sa paggalaw at natubuhan ko s'ya ng maayos.

Nasaan na kaya yung resident-in-charge dito sa patient na 'to? This patient needs to be referred sa Toxicology Team immediately.

Lumabas ako ng kurtina at nakita ang isang babaeng nakaputing blazer na ngayon ay nakataas ang kilay at matalim ang tingin sa'kin.

"Who are you?" malumanay pero madiin n'yang tanong.

"Ma'am, I..." , teka hindi ko mahanap ang right words to say. Napabuntong-hininga na lang ako. Mukhang s'ya ang resident-in-charge dito sa patient na pinakialaman ko.

Tumingin s'ya sa pangalang nakasulat sa scrubsuit ko.

"Marco Yuan, MD. Bago?", tanong ulit nito sa'kin nang hindi ako makasagot ng maayos.

Tumango ako. Katapusan na ata ito ng career ko.

"Mag-uusap tayo mamaya, umupo ka muna dun", aniya sabay turo dun sa bakanteng upuan na may nakapaskil sa table na PEDIA.

"Magrerefer muna ako. Babalikan kita." dugtong pa nito bago dali-daling umalis at tumawag sa telepono malapit sa Triage Area.

Napakamot ako sa ulo. Ang malas naman ng first day of work ko, mukhang eto na rin ang last day.  Kinuha ko ang messenger bag na dala ko at blazer na naipatong ko sa bakanteng monoblock kanina at nagtungo na dun sa itinuro na upuan ko para maghintay.

"Tanga."

Naulinigan kong sabi ng isang babae sa gilid ko. Napatingin ako sa kanya at nakita kong nakatingin s'ya sa'kin ngayon. Kumunot ang noo ko na paraan ko para itanong kung ako ba yung kinakausap n'ya.

Umirap lang ito. "Tanga. Kainis." dagdag pa nito na nakapagpa-awang ng bibig ko.

Tumalikod na ito at hindi na ako nakabawi man lang ng sasabihin.

Teka. Sino ba 'yung babae na 'yun? Kung maka-tanga, kilala n'ya ba ako?
––––––––––––––––––––––––––––––––––––
Please vote and/or leave a comment❤️

The Doctor is in Trouble?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon