02

14 4 0
                                    

"And that ends my report.." pagtatapos ko sa aking case presentation. I ended up presenting TB Pericarditis. Deep inside pahiyang pahiya ako dahil pumalpak ako sa mga tanong ng consultants kanina.


Nagpalakpakan ang lahat pero alam ko namang pagbibigay respeto nila yun sa daddy ko na isa sa mga nanood ngayon. My dad smiled from a far at tumango lang ako sa kanya. Kasabay na s'yang umalis ng iba pang mga consultants, sila yung mga doctor na may specialty na.


"Not bad pre", bati sa'kin ni Paul at tinulungan akong magligpit ng projector.



"Sinungaling", natatawang sagot ko. Napahinto ako sa ginagawa ko. Bigla kong naalala yung babaeng lagi kong naeencounter at palaging may negative na sinasabi sa'kin.



"Inom tayo oh? Off mo rin naman bukas diba?", aya sa'kin ni Paul na nakapagpatinag sa'kin mula sa pag-iisip.




"Sige, san tayo?", tanong ko habang tinatanggal sa saksakan yung charger ng laptop ko.



"Sa Riley's Bar and Resto? Oks sa'yo?", sabi nito habang bitbit na ang projector na nakalagay na sa bag.


"Sige pre", sagot ko habang inaalis ang white blazer na suot ko. "Sunod na lang ako pre may tignan lang ako sa ward", dagdag ko pa bago nagmamadaling umalis patungong ward.


"Doc, nadischarge na po si patient Greyfield, sinundo na s'ya nung kapatid at nanay n'ya kaninang 2:00pm po. Bakit doc?" , tanong nung nurse sa'kin matapos kong alamin kung kamusta na yung patient sa room 402.



Tumango tango lang ako sa nurse. "Kailan follow-up check-up nun?"



"Check ko doc..", sagot n'ya habang chine-check ang chart nito na ibababa na sana sa Medical Records Section.


"Next month pa doc ang follow-up check-up doc"



"Okay ma'am, thank you. Inalam ko lang kasi para sa research ko", sagot ko dito. Napangiti lang ang nurse at napailing-iling.




Napahimas ako sa baba ko. Halata ba na nagsisinungaling ako?




So next month ko pa pala makikita ulit yung babae, yun ay kung s'ya ang sasama sa check-up ni Eugene. Nakakainis. Sobrang curious ko dun sa babaeng 'yun. Wala namang special sa kanya. Nainis lang ako na napaka-judgmental n'yang tao. Hindi ako nagtapos ng medisina para tawagin lang tanga ng kung sino-sino.




Nakarating na ako sa Riley's Bar and Resto. Hiling ko lang sana ay wala yung may-ari nung bar. Kakilala ko kasi yung may-ari. Baka mamaya ilibre na naman yung bayad, nakakahiya na. Batchmate ko kasi yun nung senior highschool ako.



Pagpasok ko sa bar, nakita ko agad ang table nila Paul. Kasama pala n'ya yung ibang doctors sa ospital, yung iba nasa training ng surgery, psychiatry, at OB-Gyne.



"Oy Yuan, sagot mo ba inom natin ngayon? Tutal nakaraos ka na sa presentation kanina, kami hindi pa", pambungad na bati sa'kin ni Yelle. Nasa psychiaty department s'ya. Makulit na mataray ang personality n'ya. Minsan binabati ako kadalasan hindi. Mukhang bagay s'ya sa psychiatry department, dual personality.




"KKB tayo kaya sumama ako", natatawang sagot ko.




"Ay shocks seryoso? Wala akong dalang pera, sabi kasi nitong si Paul, sagot mo daw kasi may problema ka sa pag-ibig?", sagot ni Iya sa'kin, from OB-Gyn s'ya pero ang balita ko, ilag to sa mga lalaki at mukhang wala sa plano magka-anak. Ewan ko bat nag-OB to.



"Yon, umiibig naman pala", pang-aasar pa ni Jhon, taga-surgery department.



Napatingin ako ng masama kay Paul.
"Anong pag-ibig sinasabi mo?", sinuntok ko s'ya ng pabiro sa braso. "Siraulo." dagdag ko pa.



Nagtawanan lahat sa reaction ko. "E kasi nabalitaan ko sa mga nurses na mukhang type mo yung bantay ng isa sa patient natin, halata ka daw masyado.", natatawang sabi ni Paul.




"Rumors lang 'yan. Walang ganon. Focus ako sa training", sagot ko na nakikitawa pero deep inside naiirita ako. Kapag sa ospital talaga, mabilis pa sa alas-kwatro ang chismis.




"Marco?", natigilan kami nung  biglang may lumapit sa table namin. It's Riley. May ari nung bar.




"Si Marco nga!", pagkumpirma n'ya nung magtama ang mga mata namin.




"Riley, long time no see!", bati ko sabay tayo at lahad ng palad ko. Nakipagkamay naman s'ya sabay kindat sa mga babaeng kasama ko.




"Big time ka na ah", pang-aasar nito sa'kin.




"Uy hindi pa. Dami ko nga utang", natatawang sagot ko. "Ikaw nga 'tong big boss na e"




"Baliw", tumawa s'ya at may idinial sa phone. "Sagot ko na lahat ng orders n'yo sabihan ko yung manager", dagdag pa nito.




"Naks naman Yuan, big time pala mga friends mo!!", sigaw ni Yelle na mukhang nakainom na bago pa ako dumating.




"Wag na, Riley. We're good. May budget kami", pagtanggi ko.




"I know pero for old time sake, 'wag mo na ireject yung offer ko.", nakangiting sabi nito.




May kinausap si Riley sa phone para sabihing libre na lahat ng orders namin. Pagkatapos ay nagpaalam at umalis na ito.




"Kainis ka Yuan, ang gugwapo pala ng friends mo di mo man lang chinichika!", untag sa'kin ni Yelle pagkaupo ko.




"Babaero 'yun, wag mo na pangarapin", natatawang sagot ko sabay inom ng vodka na nasa harap ko.




Halos maibuga ko yung ininom ko nung biglaang may lumapit sa'ming pamilyar na babae para itanong kung may iba pa kaming order. Nagpakilala itong manager ng bar.





Tinignan ko ang pangalang naka-kabit sa uniform n'ya. Saiki. Sa ibaba naman ng pangalan n'ya nakasulat ang manager. So dito pala s'ya nagtatrabaho.




Napadako ang tingin n'ya sa'kin at agad na kumunot ang noo n'ya. Inalis n'ya rin agad ang tingin sa'kin. Nasa bandang gilid ko s'ya at nalalanghap ko ang amoy baby cologne n'ya na scent.




"Order ako ng additional nachos, ma'am" , si Iya.




"Noted po.", monotonous na sabi nung babae.. este Saiki.





Seryoso ang mukha nito at walang kangiti-ngiting sumilay sa labi. Manager ba to? Bakit ang sungit.




At bakit ba kasi ako affected.



At bakit ba kasi ako napatitig sa kanya?



Na nakanganga pa.






"Pervert.", mahinang sabi nito bago umalis.



"Mukhang rejected ang frenny natin", pangbubuska ni Yelle na mukhang narinig ang sinabi nung babae.



Naikuyom ko ang aking kamao.



Ang sarap manuntok.

The Doctor is in Trouble?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon