01

18 6 0
                                    

"Pre, ikaw pala mag-case presentation this Thursday? Nakita ko sa bulletin board sa office." bungad sa'kin ni Paul, co-resident ko pagpasok n'ya sa male quarters

"Late notice na naman 'yan.", sagot ko sabay tingin sa relo. Alas dos na ng umaga at wala pa akong tulog.

Akala nung iba, kapag nag-doctor ka, masarap na agad ang buhay at marami ka ng pera. Pero eto ako, hirap na sa duty, baon pa sa utang. I shouldered all my expenses na kasi at hindi na ako umaasa sa parents ko.

"Malamang. Si Chief naman nagschedule nun kaya 'wag ka na magtaka, favorite ka nun e.", pang-aasar n'ya pa sa'kin.

Well, mukhang favorite nga ako pagdiskitahan nung chief resident namin na si Dr. Jastine Morelos. Kapalit siguro 'to ng pagsagip n'ya sa lisensya ko nung nakialam ako dati sa E.R.

"Wala na namang tulugan to, nice", naiiling na sabi ko kay Paul habang kinukuha sa locker yung laptop ko. I need to finish my presentation in two days. At wala pa akong case na napipiling gawin. This month kasi wala namang interesting case sa mga patients namin. Pneumonia pa rin ang leading cause ng mortality or deaths sa pedia dito sa ospital.

"Goodluck pre, ako muna mag-asikaso dito sa E.R, gawin mo na 'yan at baka mabengbang ka na naman ng mga consultants natin kapag walang kwenta yung nagawa mo", aniya sabay labas ng male quarters.

Naiwan akong nakatulala sa laptop ko. Why did I end up like this? I was once a popular student. Mula senior highschool hanggang kumuha ako ng Psysical Therapy as my pre-med course, consistent top student ako. Pero ngayon nganga talaga ako sa real world.

Bigla kong naalala na may isa kaming case na pwede kong i-present, TB Pericarditis sana kaso ang hirap i-defend nung management nun e. Ginulo ko ang sariling buhok at padabog na isinandal ang noo sa mesang pinagpatungan ko ng laptop.

"I'm dead."

Isa si daddy sa manonood ng presentation ko sa Thursday. He is a pediatric neuro-surgeon. He is a well-known doctor at pinag-aagawan s'ya ng mga hospitals dahil nag top lang naman s'ya sa Physician's Licensure Examination, pati na rin sa Diplomate Examination n'ya.

At walang wala ako sa kalingkingan n'ya ngayon. Napabuntong-hininga ako.

"Ano ba 'tong pinasok ko.", bulong ko sa sarili.

Nag-aral ako ng pagkatagal-tagal, five years in Physical Therapy, then nag-Medicine ako for four years plus one year pa ng internship. At ngayon, 3 years na residency training para maging pediatrician.

2 years pa bago ako makatapos. 1st year pa lang ako sa training at heto na ako, pinag-iinitan na ng mga senior residents ko.

At kapag mamalasin ka nga naman...

"Yuan, pwede bang ikaw na muna magcatch ng baby sa OR/DR (Delivery Room) ngayon? Nagka-emergency kasi ako, back-up-an mo naman ako sa NICU", bungad sa'kin ni Dr. Peter, senior ko.

At ano pa nga bang magagawa ko?

"Sige po doc.", sagot ko sabay sarado ng laptop. Tumayo na ako at nagpasyang dumiretso na sa OR/DR. Hiling ko lang na sana ay good cry ang baby, o yung walang problema paglabas sa sinapupunan. Kapag kasi nagkaroon ng problema, it's either ma-admit sa NICU (Neonatal Intensive Care Unit) or magdelikado pa yung baby.

At kapag mamalasin na naman ako ulit..

"Doc, walang heartbeat yung baby.", sabi nung ka-tandem kong OB resident kaya dali dali akong nag-CPR sa patient. Daliri lang ang gamit sa pag-CPR ng baby dahil malambot na malambot pa ang mga buto nito.

At awa naman ng Diyos, umiyak ang baby. Buhay ito. Nagpalakpakan sa loob ng OR/DR at nakangiti akong lumabas mula doon pero agad ring napawi yung ngiti na yun.

"Kahit kailan toxic ka no?", nakaismid na sabi ng isa ko pang senior na si Dr. Marie. S'ya ang kasama kong senior ngayon dito sa NICU.

Mainit na ang dugo nito sa'kin noon pa man dahil nga kapag daw ako ang duty, laging may aberya, malas daw ako.

Matapos kong mag-rounds sa NICU ay nagpasya akong lumabas muna at magpahangin.

Dumaan din muna ako sa pedia ward para tanungin ang chief resident namin kung may gusto s'yang ipabili dahil lalabas ako saglit para bumili ng coffee sa baba ng ospital.

"Sai..ki", boses ng isang bata mula sa isang kwarto na nadaanan ko.

"Ate Saiki dapat, hindi Saiki lang", malumanay na sagot naman ng babae na kausap ng bata.

Napabalik ako sa kwartong pinanggalingan ng boses. Nacurious lang ako dahil mahalaga sa'kin ang katunog na pangalan nung babae.

Dahan-dahan kong sinilip kung sino ang nasa loob.

Pagbukas ng pinto, napaawang ang bibig ko sa gulat.

It's her.

Yung babaeng tumawag sa'kin ng tanga..

Tinaasan n'ya ako ng kilay at naitakip n'ya ang kumot sa binti n'ya at dun ko napagtantong nakamaiksing short s'ya na pang-tulog.

"Doc Y--yu....", napatingin ako sa batang nasa hospital bed. It's Eugene. Nakilala ko s'ya dahil pabalik balik namin ito na pasyente sa ospital. Patient namin na may cerebral palsy. Nagkaro'n s'ya nung nahirapan ang mother n'ya ipanganak s'ya. Hirap itong magsalita pero nakakaintindi ng kaunti, tumatawa kapag kinausap mo.

Napabalik ulit ang tingin ko sa babaeng masama ang tingin sa'kin ngayon.

"Hi, Eugene!", bati ko sa bata. "That's right, it's Dr. Yuan.", lumapit ako sa bata sabay turo ng pangalan ko sa suot kong white blazer. Ngumiti lang ang bata at pansin kong hirap itong huminga.

"I'm just doing my rounds, sorry to disturb you at this late hour", hinging paumanhin ko dun sa babae at pagdadahilan ko na rin dahil hindi ko rin alam kung anong pumasok sa utak ko at biglaan akong pumasok sa kwartong ito.

"I see. Ngayon lang kasi kita nakita dito sa area na 'to, iba yung doctor na tumingin sa kapatid ko for the past 3 days, saka magrounds walang stethoscope man lang?", sagot nito sa'kin na tila natunugan n'yang nagsisinungaling ako.

She's right. Hindi ako naka-assign sa ward ngayon. Teka, bakit ba ang daming alam nito?

Ngumiti lang ako at pinindot yung buzzer malapit sa kama ng patient. May pumasok naman na nurse agad.

"Pa-check ng vitals", ani ko sabay talikod para umalis na.

Pero bago lumapat ang pintuan, narinig ko na naman s'yang bumulong.

"Sinungaling"

Napapikit ako paglabas. Nakakainis. Hiyang hiya ako sa nangyari.

Kay amo sana ng mukha nung babae pero ang sakit naman magsalita. Walang preno. Taklesa.

Napatingin ako sa pinto ng private room na nilabasan ko.

Patient Greyfield.

Napatango-tango ako.

Gusto kong patunayan dun sa babae na mali s'ya ng mga sinasabi patungkol sa'kin.

Just wait and see, Ms. Greyfield.

The Doctor is in Trouble?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon