Chapter 2 (New)

454 1 1
                                    


Chapter 2

"Gosh! Kuya ano ba 'yan? Magdahan-dahan ka naman!" pasigaw kong sabi sa driver ng maalipungatan ako. Wait nasa'n ba ako? Tiningnan ko ang paligid ko nasa taxi pala ako. Saan ba ako papunta?

"Sorry sister, nalubak lang malapit na po pati tayo." Kakamot-kamot sa ulong sabi ng driver

Sister? Tiningnan ko yung suot ko mula ulo hanggang pa. Kaya pla sister, nakadamit akong pang-madre sa tabi ko ay may isang maleta.

Tiningnan ko ang paligid ko, malayo na ako sa kumbento.

"Sister, nandito na po tayo." Nasa tapat ako ng isang malaking mall. Ano bang gagawin ko dito?

"Magkano po kuya?" tanong ko sa driver na para bang naiibahan sa akin.

" Three hundred pesos po." Agad akong nagbayad at bumaba sa taxi.

Banas na banas ako, gusto kong hubadin ang damin ko. Agad akong naghanap ng cr para magpalit ng damit.

Ano ba'tong mga damit dito lahat pang-madre lahat mahaba, Pinili ko ang palda na kulay asul na abot hanggang sakong ko at ang blusa na may mahabang manggas. Kung titingnan para itong school uniform. Napakabduy. Pwede na 'to kesa naman nakapang-madre ako. Isasara ko na sana ang maleta ng may makita akong makpal na envelope.

Gosh ang daming pera, binasa ko yung kasamang sulat. Go to your Auntie Rebecca's place. Auntie Rebecca? Hell no! I'd rather leave on the streets than leave with her. Hate na hate ko si auntie rebecca simula nung bata pa ako. Ayoko sa kanya. Masyadong makaluma, pati yung ma babe sa foundation n'ya ginagaya nya sa kanya kaya maraming hindi makatiis at nag-aalisan na lang.

Kinuha ko ang envelope at ang maliit na pouch na lagayan ng toleteries ni Maria. Tinaktak ko ang laman sa maleta, at inilagay doon ang pera. Wala akong kailangang dalhin sa mga gamit na naroroon maliban sa pera. Aanhin ko naman ang mga damit na parang kubre kama na kulang na lang balutin pati mukha ko.

Paglabas ko sa cubicle ng cr ay humarap ako sa salamin. Magulo ang pagkakapusod ng itim at hanggang beywang kong buhok. Walang kahit anong kolorete ang matatagpuan sa mukha ko at balot na balot ang katawan ko. Hindi ako 'to. Si Maria ang nakikita ko sa harap ng salamin. Inayos ko ang nagulo kong buhok at lumabas ng cr. Agad akong nagpunta sa department store kailangang makapagpalit agad ako ng damit Nang dumaan ako ay walang sales lady na pumansin sa akin siguro dahil mukhang manang ang itsura ko na hindi nagsusuot ng moderno at seksing damit. Huminto ako sa tapat ng mannequin maganda ang spaghetti strap na suot suot nito pero hindi ko type ang pantalon na suot nito masyadong balot.

"Miss may extra small kayo nito?" tanong ko sa sales lady na nasa tabi nito na tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

"Yes po mam, meron din po kaming ganyang style na may manggas." Sabi nito na parang hindi makapaniwala sa bibilhin ko.

"Hindi, yang style na yan ang gusto ko, baka meron din kayong mini skirt. Iniwan kasi ako ng boyfriend ko gusto ko magmake over" nakangiti kong sabi.

"Ay gano'n po ba ma'am. Akong bahala sa'yo." Agad akong hinila ng sales lady sa likod ng mannequin at hinanap ang extra-small na blouse at isang miniskirt na pula na bagay sa pulang pang-itaas na gusto ko. "Eto ma'am bagay 'to sayo. Ang ganda-ganda mo naman eh. Kaya lang para kang turon. Balot na balot ka."

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis sa pinagsasasabi ng sales lady pero talagang naghahanap s'ya ng mga damit na babagay sa'kin.

" Pwede bang bayaran ko muna 'to tapos magbihis ako then tulungan mo pa akong mamili. Ngayon lang kasi ako nakapunta dito sa mall." Di naman ako nagsinungaling na ngayon lang ako nakapunta ng mall. Madalas mommy ko ang nabili ng mga damit ko at hindi ko kailangang magpunta sa mall. Nakaranas man akong lumabas noon ay bihirang bihira kapag natakasan lang namin ng best friend kong si Joanne ang security guard nung high school ako.

"Oo naman mam" sige samahan na kita sa counter, bago kami makarating sa counter ay may napansing akong black strappy sandals na babagay sa damit na bibilhin ko.

Pagkabayad ko ay bumalik ako ng cr, wala na doon ang maleta ni Maria marahil ay dinala na 'yon sa lost and found pero wala akong pakialam. Agad kong hinubad ang damit na suot ko. Tiningnan ko ang underware na suot ko. Mapapalitan din kita ngayon, wala talagang kataste-taste si Maria lahat makaluma. Sinuot ko spaghetti strap na damit pero lumalabas ang bra. Tinanggal ko ang straps pero nakalabas pa din ang bra. No choice, hinubad ko ang bra ko. Medyo bakat ang nipples ko sa damit pero wala akong paki. Maglaway sila. Hindi naman nila mahahawakan. Sinuot ko ang mini-skirt. Wala akong short na suot kaya walang naging problema. Hinubad ko ang sandal ni Maria at sinuot ang bagong sandals na binili ko. Dala ang pouch ay iniwan ko na ang damit ni Maria sa loob ng cubicle. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. This is me. This is Madi.

Bago ako lumabas ng cr ay iniaangat ko ang mahaba kong buhok. Medyo presko na ang pakiramdam ko. Sa lahat ng ginagawa ni Maria sa katawan ko ang buhok lang ang nagustuhan ko. Unat na unat ang aking buhok

Muli akong bumalik sa department store halos lahat ng babae at lalaking nadaraanan ko ay napapatingin sa'kin. Sino ba namang hindi sa hubog ng katawan ko na para bang ginawa para magkasala at sa damit na suot ko lahat ng lalaki mapapasunod ko.

Kung hindi siguro ako nakulong sa kumbento sa loob ng apat na taon. Malamang sikat na akong modelo o artista.

Binalikan ko yung sales lady na tumulong sa akin kanina. Kailanganan makapamili ako ng damit na pwede ko gamitin bago ako pumunta kay Joan, tiyak magugulat 'yon pero wala na akong ibang mapupuntahan kundi s'ya. Kamusta na kaya 'yon?

"Ma'am ang sexy-sexy mo. Para ang artista ang puti-puti mo" halos di makapaniwalang pagpuri ng sales lady sakin. Hindi ko naman masabing binobola n'ya ako. Dahil alam ko namang maganda talaga ako dahil kahit balot na balot palagi ang katawan ko ay maraming nagsasabi sa akin noon.

Habang namimili ako ng damit ay panay ang tanong sa'kin ng sales lady kun bakit binabalot ko daw ang katawan ko. Para ba namang may choice ako.

Daldal lang s'ya ng daldal habang ako ay namimili ng underware, damit, sandals at make-up na magagamit ko. Ngayong malaya na ako. Wala akong balak na makulong pa ulit sa kumbento. Nasunod ko na sila. Ngayon ako naman.

Hapon na ng matapos akong mamili, ang dami kong dala kailangan makasakay ako ng taxi, kung hindi man ako magpunta kay Joanne ay kailangan makalayo ako sa lugar na 'to, malayo sa kumbento, malayo sa pamilya ko.

I LOVE SISTER MARIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon