"Maria Divina Gracia Reyes," napangiti ako nang mabasa ko ang aking pangalan sa ibabaw ng aking maleta.
Habang inaayos ko ang aking mga gamit ay hindi ko maiwasang alalahanin ang mga taong naging parte upang marating ko ang kinalalagyan ko ngayon. My friends called me Divina. My parents called me Maria. I grew up with a very protective family. Maraming mga bagay na dapat akong sundin habang ako'y lumalaki. Bawal ang ganito. Bawal ang ganyan. Kung anong iutos dapat yun lang ang aking sundin. My cousin said that it sucks to be me. Walang sariling disposisyon sa buhay.
Masaya naman ako sa mga nangyari sa buhay ko, ito na ang aking huling taon bilang isang nobisyada at upang maging ganap na akong madre kailangan kong lumabas ng kumbento at makisalauha sa ibang tao. Ang sabi sa amin kailangan daw naming hanapin ang aming sarili. Dito daw matetest kung buo ang loob naming mga nobisyada na tuluyang talikuran ang buhay sa labas ng kumbento.
Excited na ako dahil tatlong buwan akong nasa labas ng kumbento. Tatlong buwan na makakasama ko ang mga kapatid at magulang ko.
All my life itinanim na sa isip ko na nakatakda akong maging madre. Ako daw ay kapalit sa taong kinuha para magsilbi sa Diyos. Hanggang ngayon hindi ko maintindihan kung bakit 'yon ang sinasabi ni Mommy bukod pa 'yon sa dahilan na nung pinagbuntis daw ako ni Mommy nagsimula daw malugi ang aming mga negosyo ngunit ng namanata daw s'ya at sinabing ihahandog niya ako sa Diyos nagsimula daw ulit lumago ang negosyo namin. Paglago na naging dahilan din kung bakit lumaki ako na wala ang mga magulang ko. Buti na lang may anim akong nakatatandang mga kapatid. Ang mga kuya ko na palaging naandyan kapag kailangan ko sila.
Si kuya Ben, na seryoso sa buhay, siguro dahil siya ang tumayo naming ama habang wala ang mommy at daddy namin. Siya ang pinakikinggan naming lahat na magkakapatid. Mas takot pa nga ang ibang kuya ko sa kanya kesa sa mommy at daddy ko eh.
Si Kuya Axel, sa lahat ng kapatid ko sya ang pinakajoker sa lahat, lagi nya ako pinapatawa kaya gustong gusto ko na kausap siya,
Si Kuya Vince, ang pinakamadaldal, siya ang dahilan kung bakit madalas akong napapagalitan ni mommy dahil nadudulas s'ya sa mga pinag-gagagawa ko sa bahay. Na kung titingnan naman ay normal sa edad ko, ngunit para kay Mommy hindi ko daw dapat ginagawa kasi magmamadre nga daw ako.
Si Kuya Christian, pinakababaero sa lahat, iba-ibang babae ang kasama sa bahay. Pinakalakwatsero pero alam ng lahat na siya ang pinakamatalino
Si Kuya Gab, ang pinakabasagulero, hindi ko alam kung bakit gustong-gusto niya nakikipag-away pero kahit ganon alam kong walang pwedeng manakit sa akin dahil sa kanya.
At ang pinakahuli si Kuya Seth ang pinakakamukha ni Daddy, at pinakatahimik sa lahat. Palagi nya akong inililibre ng ice cream nung bata pa kami.
Hindi ko mapigilang mapangiti muli, apat na taon kaming hindi nagkasama-sama. Bagama't nakakatanggap ako ng sulat galing sa kanila at nadadalaw nila ako isang beses sa isang taon. Iba pa rin ang pakiramdam na makakasama ko silang muli.
"Sister Maria," nagitla ako sa boses ni Mother Superior, nangtumingin ako sa kanya ay batid ko na agad sa maamo niyang mukha na meron siyang hindi magandang sasabihin.
"Ano po 'yon, Mother Superior?" lumapit s'ya sa akin at hinawakan ang dalawa kong kamay.
"Tumawag sa 'kin ang mommy mo, hindi ka daw nila masusundo dahil may biglaan silang business trip. May sulat din na dumating para sa'yo kaninang umaga. Daanan mo sa opisina ni Sister Teresa bago ka umalis.
"Sige po Mother Superior, maraming salamat po." Nang umalis si Mother ay hindi ko napigilan ang mga luha ko. Apat na taon akong hindi nakasama ng mga magulang ko tapos sasabihin nila na may business trip sila. Hindi man lang nila hiniling na makausap ako ng personal. Hinayaan pa nila na si Mother superior ang magsabi sa akin.
Patawarin ako ng Diyos ngunit hindi ko mapigilang hindi magdamdam sa ginawa nila.
Sabi ni mommy gustong-gusto daw ni Daddy na magkaanak ng babae kaya daw blessing daw ako ng ipinanganak ako. Dahil ayaw na daw nya mag-anak pa. Tama na daw ang pito.
Sabi naman ni daddy yung blessing daw na binigay ko hindi lang dahil nagkaroon ng branches sa iba't ibang parte ng mundo ang negosyo namin. Isa daw akong anghel na nagdala ng sobrang ligaya sa kanya. Dahil matagal niya daw akong hinintay.
Kaya lang natakot sila, takot na takot sila na kung hindi ako magmamadre ay bumagsak muli ang negosyo namin. Kaya mula pagkabata ay ipasok nila ako sa catholic school na exclusive for giirls. Ngunit ahit ganoon naranasan ko namang magkaroon ng mga kaibigan. Naranasan ko kung paano magdalaga at hindi maging ignorante sa mundo.
Nang matapos kong ayusin ang mga gamit ko ay bumaba na ako sa opisina ni Sister Teresa. Si Sister Teresa ang tumatangap ng lahat ng sulat at delivery. Nang makita niya ako ay maliksi siyang tumayo at lumapit sa akin. Liksi na di mo aakalain dahil sa mabilog niyang katawan.
Nang maiabot niya sa akin ang makapal na sobre ay ngumiti s'ya sa akin. "Nagbigay ng donasyon ang magulang mo para sa kumbento, malaking tulong 'yon para sa kongregasyon. Ipabatid mo ang aming pasasalamat." Ngumiti lang ako bilang tugon sa kanyang sinabi Hindi ko nga alam kung magkikita ba kami ng mga magulang ko habang nasa labas ako ng kumbento.
Nang bumalik na sa kanyang puwesto si Sister Teresa ay binuksan ko ang sobre nagulat ako sa laman. Pera, napakaraming pera na sa tantya ko ay aabot sa dalawang daang libong piso. Sa likod ay may yellow pad na nakasingit.
Maria,
Go to your Auntie Rebecca's place. Use the half of the money on your vacation. The other half give donate to your Auntie Rebecca's foundation.
Love,
Mommy
Para akong binuhusan ng malamig na tubig, walang dahilan, walang paliwanag. Basta pinapupunta n'ya ako sa foundation ni Auntie Rebecca, ang foundation na kumakalinga sa mga batang ina. Malayo sa kabihasnan bagama't may kuryente ay walang signal ng ano mang uri ng telepono.
Napabuntong hininga ako, dala ang pera at ang aking mga damit ay lumabas na ako ng kumbento. Pupunta ako sa department store upang bilihan ng pasalubong si Auntie Rebecca at ang mga batang ina na naroroon. Apat na taon na rin ng huli akong magtungo roon. Nandoon pa kaya ang mga naging kaibigan ko doon at ilan kaya ang mga nadagdag doon. Sana naman ay wala sapagkat nakita ko ang hirap na dinadanas ng mga batang ina. Mga dalagang hindi na pwedeng maging bata dahil may bata na ding umaasa sa kanila.
Sumakay ako ng taxi, mamaya ko na iispin kung paano ako makakarating sa foundation. Kailangan makapamili muna ako bago ako pumunta roon.
BINABASA MO ANG
I LOVE SISTER MARIA
RomantizmPaano kung wala kang karapatang magmahal? Paano kung yung mga bagay na gusto mong gawin ay hindi mo pwedeng gawin? At paano kung hiram mo lang ang pagkatao mo? Isang pagkatao na minsan ikaw ang bida at minsan isa kang kontra bida. Paano kung magma...