CHAPTER 4

31 10 15
                                    

Chapter 4

Pagkatapos naming maglaro na sobrang na enjoy ng aking anak ay umuwi na din kami.
kahit pa nasa bahay na ako ay di pa din ako mapakali dahil sa mga nangyari kanina madaming tanong ang nabubuo sa isip ko.
"Nakita ba ni Accius si deinna?"
"Alam na niya ba? "
Mga tanong na alam kung di ko masasagot.

Kinagabihan ay maagang natulog si deinna marahil sa pagod nito buong araw. Pagkatapos ko siyang matulugin ay lumabas ako saglit para uminom ng gatas dahil di pa rin ako makatulog

"Di ka ba makatulog anak?" nagulat naman ako na andito pala si mama di ko man lang namalayan ang pagdating niya dahil sa lalim ng iniisip ko

"Ma andon kanina si Accius sa mall na pinuntahan namin ni deinna" di ko na ililihim kay mama ang bagay na ito dahil alam ko namang di siya maniniwala kung sabihin kung wala akong iniisip

"Nakita niya ba si Deinna?"

"Hindi naman dahil hindi ko kasama si deinna ng nakita niya ako" sagot ko kay mama kahit na di ko alam kung nakita ba talaga ni Accius si deinna

"Alam mo anak kahit anong pangtago mo pa sa katotohanan ay gagawa ang kapalaran ng paraan para mabunyag ito."
Napa buntong hininga si mama
"Alam kung galit ka sa ginawa ng ama ni deinna kahit ako man din ay ganon din pero karapatan niyang malaman ang tungkol sa anak niyo at ganon din si deinna sa kanya. Lumalaki na siya at naghahanap na ito ng kalinga ng isang ama" naapektuhan naman ako sa mga sinabi ni mama tama nga siya kailangan ni deinna ng isang ama.

"Paano ma kapag kinuha siya sakin alam niyo namang di ko kakayanin yun kung ang pagtago sa katotohanan ay paraan para makasama ko ang anak ko ay paulit-ulit ko itong gagawin" salungat kong tugon kay mama

"Maraming paraan para di siya makuha sayo mas higit na kailangan ni deinna ng ama" natigilan ako sa pagtimpla ng gatas at tumingin kay mama nararamdaman ko na ang makakabuti lang kay deinna ang hanggad niya.

"Ayaw mo lang ba talagang makuha sayo si deinna o ayaw mo din makuha ni Accius ang puso mo?"

"Anong ibig niyong sabihin ma?" nagtatakang kung tanong kay mama

"Isipin mo ang nakakabuti para kay deinna at kasiyahan mo anak" yun lang ang sinabi niya at iniwan na niya ako

Alas dos na ng madaling araw pero di padin ako makatulog dahil sa sinabi ni mama alam kung may punto siya at ngayon ay gulong gulo pa lalo ang isip ko.

Pagsapit ng umaga ay maaga din akong naghanda dahil babalik na naman ako sa trabaho araw ko mang bumalik dahil ma mimiss ko ang anak ko ay kailangan talaga pagkatapos kung maligo at magbihis ay pinuntahan ko na ang aking anak na mahimbing paring natutulog

"Baby wake up na it's time to eat your breakfast" dahan dahan niyang minulat ang kanya mga mata at ngumiti ito sakin

"Good morning my beautiful mommy" sabay kayal niya sakin at halik sa aking pisngi

"Good morning to my baby" hinalikan ko din siya
"You need to fix your self it's breakfast time na" paalala ko sa kanya

"Yes mommy. Nagluto ka po ba ng bacon?"

"Ofcourse it's your favourite right how can I forget that one" napangiti naman ito sa aking sinabi at agad agad bumangon sa pagkakahiga..

Pagkababa niya ay agad siyang umupo.

"Mommy Are we going somewhere?" tanong niya habang sinusubo ang bacon sa bibig niya

"Wala naman baby why" sabay tingin sa kanya

"Because you are wearing nice outfit like you are going somewhere"

Hindi niya pa alam na ngayon ang balik ko sa manila alam kung magiging malungkot siya dahil magkakalayo ulit kami kahit ako man din

"ahm baby mommy is going back to work na remember I have to work in manila"

Tumigil ito sa pagkain at nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata

"Can I come with you mommy ko" mahina niyang tanong sakin

Napa lalim akong ng buntong hininga.

"hindi pwede baby eh but remember my promise to you" paalala ko sa kanya

"That we will go to beach after you finish your job there? "

"Yes baby so for now I will go back to work but I will come back here again and then hindi na babalik si mommy sa manila"

alam kung maiintindihan niya ako because she is smart enough for her age and i explain to her our situation.

Nagpaalam na ako sa kanya hinatid niya ako sa labas ng gate nung una ay ayaw niya pa sana pero heto siya ngayon kasama ang lola niya..

"Deinna baby mommy will go na just don't forget What I've say to you. Be a good girl and follow you lola and lolo ok" paalam ko sa kanya

"Yes mommy bye mommy I will wait for you because we are going to beach I'm excited"

Hinalikan ko na siya sa huling pagkakataon bago sumakay sa kotse kumakaway pa siya sa akin.

"Baby I promise this is the last time I'm going to be apart with you" sa isip kung sabi sa kanya bago pinaadar ang sasakyan

Mahaba-habang byahe pa ito pamuntang manila....

IN HIS ARM'S AGAINWhere stories live. Discover now