Shooting Star

21 1 0
                                    

"Kapag may dumaang shooting star, anong hihilingin mo?" He once asked me.

We were both outside. Sitting beside each other while looking at the peaceful sea in front of us. Nag uumpisa ng magkulay kahel ang langit dahil unti unti nang lumulubog ang araw.

I looked at him and smiled teasingly at him.

"You still believe that?" I teased.

He rolled his eyes.

"Why not?" he scoffed.

"Come on, Sy. We're already in our mid twenties and you still believe on that?" I said.

I admit, naniniwala ako dati sa shooting star. Of course because I was a child. I also believe about 11:11. Minsan na rin akong nagwish noong nagkita ako ng shooting star.

Tumingala ako at nakakita ng ilang mga bituin.

"Hindi naman masamang magwish." sabi nya at tumawa pa.

"I don't believe it now. None of my wish came true." I said and laughed.

He suddenly went silent. Tumingin ako sa kanya at nakita kong nakatitig sya sakin.

"What?" I asked.

Hindi sya nagsalita. Nakatitig lang sya sakin. Hindi ko kinaya kaya nag iwas agad ako ng tingin. I can't look at those eyes.

"I wonder, what will happen to you in the future. Will you love another man? Will you love him more than you love me? Will you forget me?" He whispered.

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Natahimik lang ako. Iniisip lahat ng tanong nya. Will I love another man? I don't think I still can do that. Will I love another man more than him. I don't think I can love someone if it's not him. Will I forget him? No, of course not.

Tumingala ulit ako sa kalangitan. Maraming bituin ngayon. Dati palagi akong nag aabang ng shooting star at kapag nakakita na ako palagi akong nagwiwish. Palagi ko iyong ginagawa hanggang sa tumanda na yata ako, ni isa sa mga wish ko walang nagkatotoo. I stopped looking for a shooting star because I just realize that it's just one of those saying from elders.

"Rei?" he called.

"Hmm?" I answered, still looking at the sky.

"Are you happy?" He asked.

Am I happy?

"Of course. You're with me and that makes me happy." I said and smiled.

He chuckled. Tuluyan na akong napatingin sa kanya. He's smiling from ear to ear.

"Patay na patay ka talaga sakin." biro nya.

Umirap ako. Pinipigilan ang pagngiti.

"Kapal ng mukha ah. E, ikaw tong buntot sakin ng buntot noon e." Natatawa kong sabi sa kanya at pinandilatan sya ng mata.

Tumawa na sya ng tuluyan.

"Ewan ko nga ba at bakit ako habol sayo ng habol noon. Ginayuma mo ko ano?" sabi pa nya.

Pinaningkitan ko sya ng mata. Aba't!

"Excuse me, Mister. If I know sobrang gandang ganda ka lang talaga sakin unang kita mo pa lang sakin."

Tumaas ang kilay nya at ngumiti na rin.

"Yeah. Ikaw na yata ang pinakamagandang babaeng nakita ko." Nakangiti nyang sabi.

Napatitig ako sa kanya. Years have past and still he makes me feel kilig like a teenager. He still makes my heart flattered. He still makes my heart beats fast.

SHOOTING STAR (One-Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon