PAGBABAGO

661 0 0
                                    

chapter 19

Kinabukasan after class dumiretso ako sa church at nakita ako agad ni older sister, agad nya ako pinagbuhat ng mga supply nila at wala pang isang oras pagod na ako. Nagpahinga ako sa garden at nakita ko si Mary May na may dalang inumin.

“Sorry ito lang kaya namin ipameryenda” sabi nya.

“Okay lang, samahan mo naman ako muna dito” sabi ko at nakiupo sya.

“Friends?” sabi ko at inabot ko ang kamay ko sa kanya.

“Okay pero I cant touch you, bawal” sabi nya at natawa ako.

“Ay sorry, alam mo at peace na ako sa buhay ko, okay na ako at okay din ito para busy isip ko” sabi ko sa kanya.

“So kinalimutan mo na sya?” tanong nya at napatingin ako sa kanya.

“Nope, dito sya parin sa puso ko, kahit na ganun nangyari I cant blame her, ika nga ng isa dyan lalake kasi ako e” sabi ko at napasimangot sya.

“Nagsorry na nga ako e” sabi nya bigla.

“joke lang ikaw naman, bagong buhay na ako, study, tapos go here and help nalang muna, saka na yung iba” sabi ko.

“Pano career mo?” tanong nya.

“Shhh…sabi ni sister na ituloy ko pero wala ako guts harapin pa sila, at malamya daw katawan ko” sabi ko at tumawa sya.

“Wala kang confidence, gwapo ka naman sayang lang kung di mo ituloy” sabi nya.

“Oy sister bawal yan, o pwede mo talaga sabihin yan” sabi ko at tumawa sya.

“Ano naman bawal sa sinabi ko? Totoo naman and the other sisters agree when I showed them the magazine” sabi nya.

“Ah akala ko bawal ang mga ganyan dito?” sabi ko.

“Wala dito yon, sa mall nung bumili kami ng clothes ng children, nagbuklat ako ng magazine tapos nakita namin poster mo, so sabi ko yan yung isang deboto na bumibisita sa church” sabi nya at tawa ako ng tawa.

“Deboto? Wow, that’s deep sister, anyway thank you sa vote of confidence pero malamya nga daw ako” sabi ko.

“Hay naku change image ka lang, wear something stunning always, ibahin mo pano mo dinadala sarili mo, be more confident, magtiwala ka sa sarili mo” sabi nya.

“Malamya ako, ayan confident ako na malamya ako” sabi ko at tawa sya ng tawa.

Kinabukasan papasok na ako sa school at napadaan ako sa simbahan, “Baduy” may sumigaw at pagtingin ko nakita ko si Mary May kasama ang ibang madre.

Umuwi ako agad at nagpalit saka dumaan ulit doon, nagtinginan kami at nagulat ako at lahat sila di sang ayon sa suot ko. Natatawa talaga ako at tinutulungan nila ako, sa pangatlong subok ay dumaan ako at sumang ayon na sila.

Marunong din pala sila magbiro pagkat nakarinig ako ng sigaw, “Gwapo!” pero pag lingon ko pasimple sila na di nakatingin sa akin.

“Confidence!” sigaw ulit at di ko na matiis ang matawa.

Bago ako umuwi bumili ako ng mga dumbbells para sa bahay makapag work out ako, dumaan ako sa kakilala ko at nagpaturo ng mga pwede kong gawin na exercises para mapalabas lang konti muscels ko at tinuruan nya naman ako agad sa bahay nila kaya umuwi ako ang sasakit ng joints ko.

Pagsapit ng sabado okay na katawan ko di na sumasakit kasi nasanay na ako.

Maaga ako nagpunta sa simbahan at tumulong sa pag gawa ng shrine. Pagsapit ng alas dyes meryenda na, may mga kinuha silang trabahador na iba kasi hindi ko naman alam pano gawin yung shrine na mag isa.

Ang mundo ni pipoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon