Chapter 1- the dream

9 2 0
                                    

Athena's POV

"Athena! Athena! Athena!" Nagising ako sa malakas na sampal ni Nicole na putlang-putlang nakasalakay saakin.

"What the hell is your problem!?" Itinulak ko siya sa pagkakasalakay saakin para makaalis ako sa kama. Dumaretso ako sa salamin upang tignan ang pisngi ko.

Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang itsura ko sa harapan ng salamin. Sobrang pula ng pisngi ko na parang ilang beses akong pinag sasampal ni Nicole.

"Nicole!" Humarap ako sakaniya at tinitigan ko siya ng masama. Napansin kong bihis na bihis din siya may hawak narin siyang dalawang malalaking maleta.

"Don't tell me dito ka mag-" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng bigla siyang tumawa.

"Tayo ang mag babakasyon sisi" tatawa-tawang sabi niya. Alam koyung ibig sabihin ng tawa niya-- tawang kalokohan.

"What!? Hindi ako sasama Nicole" seryosong sabi ko "Tyaka bakit ngayon molang sinabi? Bakit hindi mo sinabi saakin kahapon?"

Bad trip parin ako sa ginawa niya kaya hindi ako sasama.

"Syempre alam mona, galaang barkada kapag pinagplanuhan drawing kaya mas maganda yung biglaan hahaha"

"Pero bakit mo muna ako sinampal!? Pwede mo naman akong gisingin ng mahinahon!" Hinawakan ko ang dalawang pisngi ko na sobrang pula parin.

She took her phone and showed me a video. Makikita sa video na natutulog ako habang tinatawag ko si Lola.

"Talagang nag video kapa bago moko pagsasampalin? Hindi ako sasama, burahin moyan!"

Ilang taon ng patay si Lola Helena dahil sa sobrang katandaan narin. Simula ng mamatay si Lola lagi ng pumapasok sa panaginip ko ang tungkol sa dalawang mundo na ikinukwento ni lola nuing bata pa ako. Hanggang ngayon hindi ko parin matandaan ang huling sinabi niya kaya patuloy parin akong ginugulo ng dalawang mundo'ng yun.

Naglakad ako papuntang pintuan para lumabas. Pag bukas ko ng pintuan nakita ko si Brylle at ang boyfriend ni Nicole nasi Daniel na may dala-dala ding malalaking maleta. What the heck!?

Mabilis kong isinara ang pintuan at tumingin kay Nicole "Why are they here!?" halos pabulong na sabi ko kay Nicole na ngayon ay naka ngisi na.

Shems! Nakakahiya nakita ni Brylle ang mukha ko! Hindi pwede mukha akong mangkukulam plus yung sampal pa ni Nicole! bawas point yun!Nakakahiya.

"Sis di uso third wheel pagkakataon mona na umamin kay Br-" dali-dali akong lumapit kay Nicole at tinakpan ang bibig niya kung pwede lang tahiin kona.

"Hindi na talaga ako sasama!" Patabog akong lumapit sa gilid ng kama at umupo. Matagal konang gusto si Brylle at hanggang ngayon parang kaibigan parin ang tingin niya sa mga ginagawa ko sakaniya napaka manhid mo talaga Brylle!!

"Hey come on sis! You like paranormal stuff right? Pupunta sana tayo sa sinasabi nilang sikat na ghost town sayang naman kung hindi matutuloy?" Sarkastikong sabi ni Nicole

I quickly approached Nicole and held her two hands "I forgive you" with malambing effects

"Pft! Marupok! See? Bilisan mong mag impake, damihan mo narin"

"Ilang araw ba tayo dun?" Masiglang tanong ko. Yayks i thought my whole summer would be boring.

"Basta damihan mo nalang...."

"Oo nga pala, alam ba ni Mommy na aalis tayo?" Kabadong tanong ko. Hindi naman kasi masyadong mahigpit si Mommy like yung kahit sa harap lang ng bahay namin di ako papayagan mag overnight pero pagdating kay Nicole lahat pinapayagan ako basta kasama ko siya. Tinuturing narin namin kasi siyang pamilya and only child lang ako kaya sobrang saya ni mommy na may mga matatalik akong kaibigan na sina Brylle, Daniel at Nicole. Simula ng high school pa kami mag kakaibigan hanggang ngayong college kami parin ang mag kakasama.

"Syempre ako pa? Ako lang naman favourite nila Tita and Tito kesa sayo. Bilisan mona naghihintay yung dalawang boys sa labas. Bahala ka baka kapag nainip yung dalawa biglang pumasok dito tapos makikita ka ni Brylle na ganiyan?" i rolled my eyes. Dumaretso ako sa walk in closet para mag impake tulad nga ng sinabi ni Nicole, dinamihan kona.

Tumingin ako sa malaking salamin at nakita kong hindi na namumula ang pisngi ko. Habang nakatitig sa sariling replekyon napangisi ako sa naisip ko.

'hindi ako titigil hanggat hindi ka nahuhulog saakin Eizeus Brylle Vilanova'

Two WorldsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon