Chapter 2- first trip

8 1 0
                                    

Athena's POV

"Tita alis napo kami" paalam ni Nicole kay mommy. Lumapit ako kay mommy at hinalikan siya sa pisngi.

"Mag iingat kayo aahh, athena anak lagi mo akong inaupdate ,text niyo rin ako kapag nakapunta nakayo sa pupuntahan niyo aahh" Walang kaalam-alam si Mommy kung saan ang punta namin.

"Yes po tita kami napong bahala kay Athena" Brylle said. Hetong si Brylle pa fall talaga pero manhid ahe.

Pag labas namin ng pintuan nakita kong walang dalang kahit na anong sasakyan ang tatlo "Saakin ba?" Akmang papasok na ako sa loob ng bahay para kunin ang susi ng kotse ng biglang pigilan ako ni Nicole.

"Hep! Walang sino man ang mag kahit na anong sasakyan ng sasakyan" seryosong sabi niya

"What!? Masyadong delikado ang pupuntahan natin, paano kung may mangyareng masama?" Tatango-tangong pag sang-ayon ko sakaniya kahit kay Nicole ako sang- ayon. Talagang may mamangyayare Brylle? Ano bang mangyayare? Ahe.

Lumapit naman si Daniel kay Nicole "Babe, please don't do this" napangiwi ako sa sinabi niya. Ano nanamang kaartehan to Daniel?

"Para wala ng atrasan kapag nanduon na tayo, Ang kj niyo naman! Kung ayaw niyong sumama kaming Dalawa nalang ni Athena ang aalis" seryosong sabi niya. Tumingin siya kay Daniel "maghahanap ako ng multong jojowain yung hindi kj"

Sa huli si Nicole ang nanalo. Minsan talaga hindi ko maintindihan kung sino ang babae sa kanilang dalawa. Hetong si Daniel naman puro pa gwapo lang ang alam.

Ilang oras nakaming nag hihintay at babad na babad na kami sa arawan para maghintay ng jeep na papunta sa sinasabi nilang ghost town medyo malayo layo panaman yun kasi malapit siya sa bundok. Ilang minuto pa ang lumipas at sa wakas may dumating narin.

Kinuha ni Brylle ang hawak-hawak kong maleta para buhatin papasok sa jeep. Natural na saakin yun dahil may pagka gentle man talaga si Brylle kahit sino naman ginagawa niya iyon kaya wag assumera ok?.

Nauna kaming pumasok ni Nicole pero hindi kami mag katabi umupo siya sa kaliwang upuan at ako naman sa kanan, sumunod si Daniel na tumabi kay Nicole at si Brylle na tumabi naman saakin. Kakaunti lang kaming nasa loob ng jeep mga pito lang kami, yung tatlong kasama namin magpapamilya yata yung babae mga nasa middle age na at yung dalawang batang kasama niya na nakatingin saamin. Nginitian ko sila pero hindi nila ako pinansin. Nakakahiya yun aahh batukan ko kayo diyan e, char!

Ilang oras kaming nagpaparamdam ng apat kung sino ang magbabayad ngunit wala namang nagsasalita.

"Athena ikaw na" pagbabasag ni Nicole sa katahimikan sa pagitan naming apat.

"No! Ikaw nalang" tanggi ko

Humarap siya kay Daniel na katabi niya na kunyare natutulog "Babe! Ika na magbayad!"

"Ayaw ko natutulog pa ako" iminulat niya ang kaniyang mata at tumingin kay Nicole na kunyare inaantok. Itinuro niya si Brylle na ngayon ay naka headset na. "Pre ikaw na" kunot nuong tinitigan niya lang si Daniel na lalong nagpakulo ng dugo ko. Binabawi kona yung sinabi kong gentleman kunno si Brylle.

"Ako na nga! Ang bakla niyo talaga" nakita ko sa gilid ng aking mga mata na ngumiti si Brylle. Ano kaya pinapakinggan nito at pa ngiti-ngiti pang nalalaman pasalamat siya crush ko siya

"Manong bayad po, apat po yan"

"Saan to neng?" Tanong ni Manong driver.

Tinignan ko si Nicole, kasi hindi ko naman alam kung anong pangalan ng lugar.

"Sa Elkmont po" si Nicole na ang sumagot. Na windang ako ng mapatingin saamin yung babae at si Manong Driver na nakatingin na ngayon sa rearview mirror.

"Sigurado kayo neng duon kayo pupunta?" Nangangambang tanong nung babae kanina. Lalo akong na curious sa tanong niya.

Nagtitigan muna kaming apat bago mag salita si Nicole.

"Opo duon ang punta namin may problema po ba?" Nag aalalang tanong ni Nicole ngunit hindi na kami sinagot ng babae at tumingin nalang ulit sa labas ng bintana ng jeep.

Tumingin si Nicole saakin at nag kibit balikat nalang ako. Yung dalawang lalakeng kasama namin na kaninang inaantok at yung isang pangiti-ngiti, ngayon ay hindi na maipinta ang kanilang mukha.

"Pft!" Halos pagpigil ko ng tawa sa itsura ng dalawa, kung ano ang kinatakot nila kabaliktaran naman samin ni Nicole.

Well! See you Elkmont!

Two WorldsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon