Unang Bahagi

13 0 0
                                    

(Pagsasalaysay ni Alisia)
Taong 1978

nakaupo sa mesa malapit sa aking kama. naka-pangalumbaba at iniisip ko ang mga napanaginipan ko kagabi, pilit ko itong inaalala ngunit ang pumapasok lang sa aking isipan ay ang parke na may layong limang kilometro mula sa aming tirahan sa Maynila.

Hayaan ko na nga lamang, siguro ay wala lang iyon ginugulo ko lamang ang aking isipan.
inayos ko na ang aking mga gamit at maghahanda nang pumasok sa aking paaralan.

Natapos na ang klase at bumalik nako sa aming tahanan ,nang may imaheng biglang sumagi sa aking isipan. Isang babae, katamtaman ang tangkad, pantay balikat ang buhok at bahagyang nakatali ang kabilang gilid nito. Nakasuot siya ng maikling palda at blusa na may mahabang manggas. Sa tabi niya ay may isang lalaki, mas matangkad kaysa sa babae at kayumanggi ang kulay ng balat. Nakasuot siya ng itim na pantalon at puting baro na may halong itim sa gawing manggas. kapwa sila nakatalikod kaya hindi ko masilayan ang kanilang mga mukha. Ang babae ay nakaturo sa langit habang nakatingin din doon ang lalaki.
tila pamilyar ito ngunit hndi ko maalala kung saan ko ito nakita

Maya-maya pa ay tinawag na ako ng aking ina upang mag-handa ng hapunan. Mabilis na sumapit ang gabi, ako ngayo'y nasa aking silid at muling inaalala kung saan ko nga ba nakita ang imaheng pumasok sa isipan ko kanina. Pero hindi ko parin ito maalala. Ilang sandali pa ay napag-pasyahan ko nang matulog dahil maaga pa akong papasok bukas.

Pag mulat ng mga mata ko ay daig ko pa ang hinahabol ng aso sa daan dahil sa hingal. Napanaginipan ko nanaman ang napanaginipan ko kagabi, ngunit ngayon ay mas malinaw at datalyado na. Sa parke na may limang kilometrong layo sa aming bahay ay may lalaking naghihintay at nakaupo sa may upuan. Maya-maya pa ay may dumating na babae at tumabi sa kanya at yinakap ito, tila ba sila'y magkasintahan sa aking tingin.

Nang panahong iyon kasintahan ko si Felipe, sabay umuwi galing iskwela, lagi niya akong inihahatid upang matiyak daw niyang ako'y ligtas na makaka-uwi. Madalas kaming magkita sa parke tuwing walang pasok, sa parke na nakikita ko sa aking mga panaginip. Lagi ko siyang naaabutan doon at nauunang pumunta sa parke kaysa saakin.

Ngunit sa pag-kakataong ito ay nauna ako kaysa sa kanya, hindi pa nangyayari ito pero hindi ko nalamang pinansin. Ilang minuto pa akong nag-hintay ngunit wala parin, kinakabahan at hindi maganda ang kutob ko ngunit di ko ito pinansin at sa halip ay matyagang naghintay sa kanya.

Ilang sandali pa ay nakitang kong dumadami ang mga tao nasa dulong bahagi ng parke. Kaya't napagpasyahan kong pumunta roon. Laking gulat ko nang makita si Felipe sa daan, nakahandusay at duguan. Rinig na rinig ko ang mga bulungan ng mga tao na sinasabing nasagasaan daw si Felipe .

Agad akong tumawag ng saklolo upang madala sa ospital ang kasintahan ko. Ngunit and sabi ng doktor ay huli na raw ang lahat, di ko mapigilang humagulgol sa ospital. Naging malaki ang epekto nang pagkawala ni felipe sa akin, nawala ang interes ko sa pag-aaral, ni-hindi ko makuhang kumain. Hanggang sa unti-unti akong nanghina at nagkaasakit at di nagtagal sumuko na ako.

"Hanggang kamatayan mamahalin kita nang wagas, Felipe."

......

"Nakaraan, Kasalukuyan, Hinaharap" Where stories live. Discover now