(Pagsasalaysay ni Ayesha)
Year 2020Nakaupo ako sa may bench, thinking about my dream last night. Mukha nang makaluma ang iba sa panahon ngayon the only one thing I can recognize is this park where I am right now. Out of nowhere, I heard a manly voice saying 'Hey', si Felip a friend of mine and also manliligaw ko. Halos mahigit isang taon na rin s'yang nanliligaw, kaya't naisipan ko na sugutin na s'ya. Ilang sandali pa ay namasyal na kami at kumain sa labas. pagkatapos noon ay umuwi na kami, hinatid n'ya muna ako para raw safe akong makarating sa bahay, mabilis na lumipas ang mga oras, it's already 8pm. After reading some stories, I decided to sleep.
Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko, at pawis na pawis at medyo kinakabhan. Siguro dahil nanaman ito sa panaginip ko pero ngayon ay mas malinaw at detailed na ito. Sa park kung saan kami nagkita ng kaibigan ko, may lalaki na nakasuot ng long-sleeves na cream at slocks na brown at leather shoes. Sa tabi niya ay may babae naka black na dress at may white na design sa baba tapos may headband. Parehas silang nakaupo sa isang bench sa park at masyang nag- uusap. Sa tuwing tinititigan ko sa parang lalo s'yang nagiging kamuhka ko, while ung lalaki naman ay k-kamukha ni Felip. Nakapagtataka sa ganoong panahon ay hindi pa kami pinapanganak ni Felip. hindi kaya .... hindi kaya yun ang dati naming buhay, maging noon mga panahong iyon ay kami ang mag-jowa?
Habang tumatagal kami ni Felip mas dumadami ang napapanaginipan ko sa mga taong kamukha namin. Natukoy ko na rin ang pangalan nila, sina Alisia at Felipe, ngunit sa pagkakataong ito hindi ako makapaniwala sa nangyari, ang lalaking kamukha ni Felip ay nakita ko raw na nasagasaan sa may park malapit sa bahay namin, ikina-hina raw ito ng babae kaya sa huli ay namatay ang babae sa sakit. hindi ko alam ang gagawin ko nanlambot ako sa mga nakita ko kaya't tinawagan ko agad si Felip. Ayaw niyang sumagot, naka-ilang missed calls na 'ko kaya napagdesisyunan ko na dumeretso sa bahay nila, maybe he's busy kaya 'di nya sinasagot calls ko.
P-pero nagulat ako sa nakita ko. Umiiyak sila tita,' di ko alam kung bakit. Kaya naman sinubukan kong mag-tanong. Pero ang sabi ni tita wala na s'ya, wala na si Felip, nasagasaan daw siya. Sunuod-sunod na patak ng luha ang lumabas sa mga mata ko. Totoo ba ito, nagkatotoo yung nasa panaginip ko. Siguro si alisia ay binabalaan ako sa mga possible na mangyari. Pero huli na ang lahat, wala na sya, gaya ni Felipe, wala na si Felip.
Sumapit muli ang gabi at hindi ko matanggap ang nangyari patuloy ako sa pag-hagulgol. Hanggang sa di ko namalayan ako'y unti-unting naka-tulog. Pag gising ko ramdam ko ang matinding kaba at hinagpis, halos madurog ang puso ko, siguro'y mabuti pang mawala na rin ako. Ngunit naalala ko ang sinabi sakin si alisia sa aking panaginip at sinasabi niyang baguhin ko ang future, huwag ko raw uulitin ang ginawa niya paranext time ay maiwasan na ang insedente na nangyari sa mga kasintahan namin, hayaan ko raw na ang panahon ang kumuha sa buhay ko, sa pamamagitan noon ay magiging masaya ang result ng aming muling pagkabuhay. Upang hindi na maulit ang lahat ng masasakit na nangyari noon.
kaya't sinunod ko nalang siya kahit masakit sa akin ay kinaya ko ang lahat.year 2090
Sa Taong ito ako'y 85 years old na. Ramdam ang panghihina ng aking katawan. Ako'y nasa ospital ngayon at hinihintay na lamang kunin ng panahon, pero hanggang ngayon ay hindi ko parin nakakalimutan si Felip.
(Ilang oras pa ang lumipas)
"-------- clear, clear, clear."
"Time of death 8:27pm"
Masaya akong nakatingin sa aking katawan, ngayon ako'y malaya na at magiging masaya na ang magiging buhay future ng future Alisia at Ayesha, gayun din ng future Felipe at Felip.
"Hanggang kamatayan mamahalin kita nang wagas, Felip."
08/21/20